Cherreads

Chapter 4 - Chapter 3: The Girl I Can’t Ignore

Alex Point of View

Tahimik ang paligid.

Nasa loob ng itim na kotse si Alex Domenic, nakasandal habang nakatanaw sa bintana.

Pero hindi mapakali ang isip niya.

Paulit-ulit.

Iisang mukha lang ang nasa isip niya.

CJ.

At doon bumalik ang alaala niya.

Flashback

Maagang umaga.

Kakapasok lang ng kotse nila sa gate ng Academic Domenic University.

Habang tahimik siyang nakatingin sa labas—

bigla niya itong nakita.

Si CJ.

Nakatayo malapit sa gate habang paalis ang motor ng papa niya.

Simple lang ang suot.

Mahinang hinahampas ng hangin ang mahaba nitong buhok.

Walang make-up.

Walang arte.

Pero parang may kakaibang ganda.

Parang…

tumigil ang mundo.

Hindi niya maalis ang tingin.

Alex (mahina):Why do you always catch my attention…?

Flashback – Canteen

Mas lalo siyang nagulo.

Doon sa canteen.

Habang tumatawa si CJ kasama ang barkada nito.

Natural.

Masaya.

Totoo.

Hindi pilit.

At nang magkamay sila—

pakiramdam niya may kakaibang init na dumaan sa katawan niya.

Hindi niya maipaliwanag.

Pero alam niyang…

hindi normal.

End Flashback

Napabuntong-hininga si Alex.

Noah:Bro, bakit para kang problemado?

Kasama niya ngayon ang apat niyang kaibigan habang nasa rooftop ng university.

Mahangin.

Tahimik.

At walang ibang tao.

Ivan:Huwag mong sabihing iniisip mo pa rin si CJ.

Tahimik si Alex.

Napangisi si Ethan.

Ethan:Ayun na. Tamaan.

Noel:Alex Domenic… nahuhulog? Impossible.

Napailing si Alex.

Alex:Shut up.

Tumawa silang lahat.

Pero seryoso si Noah.

Noah:Do you really like her?

Natahimik si Alex.

Tumingin siya sa city view mula rooftop.

Alex:I don't know.

Ivan:Pero gusto mo siya?

Saglit siyang tumawa.

Mahina.

Alex:She's different.

Napatingin silang lahat sa kanya.

Bihira magsalita nang seryoso si Alex pagdating sa babae.

Dahil wala talaga siyang pinapansin noon.

Noel:Different how?

Alex:She doesn't try hard to impress people.

Ethan:Uy lalim.

Noah:Mukhang delikado na 'to.

Tumawa si Ivan.

Ivan:Bro, first time mo yatang seryosohin ang babae.

Alex:Tumahimik nga kayo.

Nagtawanan sila.

Noel:Sure ka ba hindi ka in love?

Alex:Baka itulak ko kayo dito sa rooftop.

Mas lalo silang nagtawanan.

Pero sa likod ng biro…

alam nilang seryoso si Alex.

At si CJ ang dahilan.

Pagkatapos ng usapan nila—

bumaba sila mula rooftop.

Pumunta si Alex sa Student Council Office.

Doon siya kabilang.

Kasama ang ilan sa pinakamahuhusay at kilalang estudyante sa department nila.

Magka-department sila ni CJ.

Pero magkaiba sila ng course.

At doon din kabilang si Ash at mga kaibigan niya.

Magkakaklase sila nila Alex.

Sa Student Council—

si Alex ang President.

At si Ash ang Vice President.

Pagpasok niya—

nandoon na sina Ash, Erica, Shella, at Jovelyn.

Kasama rin ang mga kaibigan niyang sina Noah, Ivan, Noel, at Ethan.

May maikling usapan tungkol sa upcoming school event.

Pagkatapos ng meeting—

isa-isang umalis ang lahat.

Nauna ang mga kaibigan niya.

At naiwan sa office…

si Alex at Ash.

Tahimik.

Ramdam ang tensyon.

Lumapit si Ash sa kanya.

Nakatayo lang si Alex habang nakasandal sa mesa.

Ash:Alex… can I ask something?

Alex:What?

Tumingin si Ash diretso sa mata niya.

Pero halata ang selos.

Ash:That girl…

Bahagyang kumunot ang noo ni Alex.

Ash:The girl from the canteen.

Ash:Yung babaeng kinamayan mo.

Tahimik si Alex.

Ash:Who is she to you?

Napalunok si Ash.

Mahina pero diretso ang boses niya.

Ash:Kaano-ano mo siya?

Tumitig si Alex sa kanya.

Walang emosyon ang mukha.

Pero malamig ang sagot.

Alex:No one.

Sandaling gumaan ang mukha ni Ash.

Pero kasunod noon—

dahan-dahang nagsalita si Alex.

Alex:Yet.

Nanlaki ang mata ni Ash.

Tahimik.

Mabigat.

At doon niya unang naramdaman—

na baka may babaeng unti-unting kumukuha sa atensyon ni Alex.

At hindi siya iyon.

Ash Point of View

Pagkalabas ni Alex sa Student Council Office…

naiwan si Ash mag-isa.

Tahimik ang buong kwarto.

Rinig na rinig niya ang mahinang tunog ng aircon.

Pero sa loob niya—

parang nagngangalit ang galit.

Mahigpit niyang napahawak ang kamay sa mesa.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Alex.

"No one… yet."

Napapikit siya.

Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip niya.

Ash (mahina):Yet?

Unti-unting nanikip ang dibdib niya.

Matagal na niyang kilala si Alex.

Bata pa lang sila—

magkakilala na ang pamilya nila.

Madalas silang magkita sa business events, family gatherings, at school functions.

Lagi niyang iniisip…

balang araw—

baka siya ang maging espesyal kay Alex.

Dahil pareho silang mayaman.

Pareho silang kilala.

At halos bagay sila sa mata ng lahat.

Pero ngayon…

isang simpleng babae lang ang biglang nakakuha ng atensyon nito.

At hindi siya iyon.

Napakuyom ang kamao niya.

Ash:Who are you, CJ…?

Lumapit siya sa bintana ng Student Council Office.

Mula roon—

tanaw niya ang campus.

Mga estudyanteng naglalakad.

Masayang nag-uusap.

At sa malayo…

nakita niya si CJ kasama ang barkada nito.

Tumatawa.

Simple.

Masaya.

At walang kamalay-malay.

Lalong tumalim ang tingin ni Ash.

Ash:You think you can just appear and take his attention?

Napailing siya.

May halong inis at selos.

Pero pilit niyang pinakalma ang sarili.

Hindi siya pwedeng magpahalata.

Hindi siya basta-basta.

Siya si Ash Villareal.

Mayaman.

Maganda.

Vice President ng Student Council.

At isa sa pinaka-maimpluwensyang babae sa university.

Dahan-dahan siyang napangisi.

Pero malamig ang mga mata niya.

Ash:Alex may not like me yet…

Humigpit ang hawak niya sa cellphone.

Ash:But I won't let anyone steal him from me.

Tahimik ang office.

Pero doon pa lang…

unti-unti nang nabubuo ang galit at selos niya kay CJ.

At hindi alam ni CJ…

na may babaeng nagsisimula nang tingnan siya bilang kalaban.

Alex Point of View (After School)

Natapos ang buong araw sa university.

Unti-unti nang nagsiuwian ang mga estudyante.

Sa parking lot…

nagpaalam na sina Noah, Ivan, Noel, at Ethan kay Alex.

Noah:See you tomorrow, bro.

Ivan:Huwag mo masyadong isipin si CJ ha.

Ethan:Baka mapanaginipan mo.

Noel:Mukhang malala na talaga 'to.

Napailing si Alex.

Alex:Get lost.

Nagtawanan ang apat bago sumakay sa kani-kanilang sasakyan.

At naiwan si Alex.

Tahimik siyang naglakad papunta sa itim niyang kotse.

Pero bago siya tuluyang sumakay—

may napansin siya.

Sa tapat ng school gate…

nandoon si CJ.

Kasama ang mga kaibigan niya.

Nagtatawanan.

Masaya.

Isa-isa silang nagpaalam sa isa't isa.

Carol:Bye CJ! Ingat!

Essa:Text mo kami pagdating mo!

Alfie:Girl, huwag ka magpagabi!

Lyn:See you tomorrow.

Mich:Ingat ka.

Isa-isa silang umalis.

Hanggang sa…

naiwan si CJ mag-isa.

May hawak na bag.

Tahimik.

Parang may hinihintay.

Nasa loob na ng kotse si Alex.

Pero hindi niya maiwasang tumingin.

Binuksan niya ang tinted window.

Seryoso ang mukha niya.

Hindi halatang interesado.

Pero sa totoo lang—

siya na naman ang babaeng gumugulo sa isip niya.

Alex:Who are you waiting for?

Nagulat si CJ.

Pagtingin niya—

si Alex.

Nasa loob ng mamahaling kotse.

Malamig pero gwapong expression.

Lumapit siya nang kaunti.

CJ:Papa ko po.

Bahagyang tumango si Alex.

Napatingin siya sa relo.

6:30 PM.

Palubog na ang araw.

Unti-unti nang dumidilim.

Tahimik siyang tumingin ulit kay CJ.

Alex:It's getting late.

Tahimik si CJ.

Alex:I can drive you home.

Nanlaki nang bahagya ang mata ni CJ.

Alam na niya kung sino si Alex.

Siya ang sikat na estudyante.

Mayaman.

Anak ng may-ari ng Academic Domenic University.

Pero hindi niya alam…

na ito rin ang lalaking ka-chat niya gabi-gabi.

Dahil sa Facebook…

Alex lang ang pangalan nito.

Walang apelyido.

Walang malinaw na identity.

Umiling si CJ.

Mahina pero magalang.

CJ:Okay lang. Hihintayin ko na lang po si Papa.

Tahimik si Alex.

Pero hindi siya sumuko.

Alex:It's dark already.

CJ:Okay lang po talaga.

Alex:You sure?

Napangiti nang bahagya si CJ.

CJ:Yes. Susunduin po ako ni Papa.

Saglit siyang tumahimik.

Hindi sanay si Alex na tinatanggihan.

Pero kay CJ…

iba.

Mas lalo siyang nacu-curious.

Bago pa siya muling magsalita—

may tunog ng motor na huminto sa harap nila.

Dumating na ang papa ni CJ.

Si Rogelio Dureal.

Simple lang ang suot.

Pagod halata sa mukha.

Pero mabait ang aura.

Napangiti si CJ.

CJ:Papa!

Lumapit si Rogelio.

At napatingin siya kay Alex.

Nagulat nang bahagya.

Kilalang-kilala niya kung sino ito.

Si Alex Domenic.

Anak ng may-ari ng university.

Agad na bumaba nang bahagya si Alex sa kotse at magalang na bumati.

Alex:Good evening po, Sir.

Bahagyang nagtaka si CJ.

Hindi niya inaasahang magalang si Alex.

Tumango si Rogelio.

Rogelio:Good evening.

Alex:Hinintay ko lang po siya habang wala pa kayo.

Saglit na natahimik si Rogelio.

May kaunting paghanga sa mata niya.

Magalang.

Disente.

Hindi mayabang.

Tumango siya.

Rogelio:Salamat, iho.

Tumango lang si Alex.

Tahimik.

Pero nakatingin kay CJ.

Alex:Get home safe.

Napatingin si CJ sa kanya.

Bahagyang natigilan.

Hindi niya maintindihan kung bakit…

pero kakaiba ang pakiramdam niya.

CJ:Thank you.

Sumakay si CJ sa motor ng papa niya.

At dahan-dahan silang umalis.

Habang nasa kotse…

hindi maalis ang tingin ni Alex sa papalayong motor.

Hanggang sa mawala ito sa dilim.

Napabuntong-hininga siya.

Mahina.

Halos pabulong.

Alex:You really are different… CJ.

At sa gabing iyon—

mas lalo siyang naguluhan.

Dahil ang simpleng babae…

unti-unti nang pumapasok sa puso niya. ✨

More Chapters