"One with the Spear?! Hindi lamang iyon sapagkat nasa Master Level na siya. Hindi ko aakalaing mayroong klaseng nilalang na kayang maging isa sa sandata nito!" Gulat na sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan. Tunay na napakalawak ng mundong ito kung saan ay hindi niya aakalaing mayroong nilalang na makikita niyang nasa Master Level. Eh siya nga ay halos wala pa sa kalingkingan ng isang Master Level Spear User na ito. Kaya niyang maging One with a Weapon ngunit napakalayo pa sa Master Level. Kinakailangan niya ng angkop na armas o sandata para masanay niyang lubos ang kaniyang sarili sa paggamit nito isa pa ay kailangan niya din ng malakas na Foundation Technique para sa sandatang napili niya. Isa rin ito sa masakit na katotohanan sa halos lahat ng mga Martial Artists. Maituturing na extended arm ang mga sandata para mailabas ng martial artists ang kanilang totoong combat skills ngunit ilan nga lang ba ang nakahanap ng angkop na sandata para sa kanila?! Sa oras na tumungtong ka sa Martial Monarch Realm ay kailangan mo ng mahanap ang angkop na sandatang maaari mong maging kasangga sa anumang labang iyong kakaharapin. Tao lamang si Van Grego at masasabi niyang nakakainggit ang talento at abilidad na meron ang dalawang magkapatid na ito na sa kaparehong Era niya pa ipinanganak.
Pinanood na lamang ni Van Grego ang mangyayari sa labanang ito. Hindi niya aakalaing tunay ang labanan ng magkapatid na ito. Akala nga niya ay simpleng argumento o di pagkakaintindihan ang nangyauari dito. Hindi naman siya isang tsismosong tao o nangingialam ng mga personal na away ng iba pero nakakaalarma lang tsaka wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang dito dumaan ngunit sumakto namang naglalaban ang magkapatid na parehong Martial God Realm Expert na nasa palagay ni Van Grego ay halos kasinlakas lamang nina Marciano at ni Roco.
Samantala...
Magkaharap ang dalawang magkapatid na sina Loon at Nova Celestine sa himpapawid kung saan ay makikitang ilang metro lamang ang layo nila sa isa't-isa.
"Hmmp, Hindi ko aakalaing nakatungtong ka na rin sa ganiyang lebel kuya ngunit pasensya na dahil hindi lamang ikaw ang Master Level Weapon User!" Sambit ng magandang dalagang tinatawag na Saintess.
Nagliwanag ang buong katawan ng magandang dalaga habang makikitang nag-iba din ang kasuotan nito. Ang balot na balot na katawan nito kanina ay napalitan ng pambabaeng fitted armor na nagpalabas ng kaseksihan nito. Litaw na litaw din ang magandang hubog na katawan nito ngunit makikitang napakaastig ng Armor Suit nito sa kaniya.
"Hmmp! Akala ko ay madali lamang kita madadala papunta sa kaharian natin pero napakatigas talaga ng ulo mo Nova Celestine!" Sambit ni Loon habang makikitang hindi mo alam kung nagagalit ito kapatid nito o naiinis ito sa suot ng kapatid niya.
"Hindi ka ba nakakaintindi kuya, sa ayaw at sa gusto mo ay hindi ako sasama o babalik sa impyernong lugar na iyon. Hinding-hindi!!!!" Sambit ng dalagang nagngangalang Nova Celestine. Bakas sa mukha nito ang pagkadisgusto. Hindi niya alam kung bakit napaka-consistent ng kuya nito na ibalik siya doon. Ayaw niyang bumalik pa roon hangga't hindi niya pa nasusulusyunan ang problema ng kaharian nila. Ayaw niyang matali sa kaugalian at kultura nilang puro mga makaluma at one sided lamang.
"Kung yan ang gusto mo kapatid. Kung kailangan kitang talunin ay gagawin ko. Basta kahit sa ano'ng paraan ay ako pa rin ang masusunod sa ayaw mo man o sa gusto mo ay sasama ka saking uuwi!" Malakas na sambit ni Loon sa kapatid nitong si Nova Celestine.
"Yan ang di ko hahayaan Kuya, Kung uuwi ka ay sisiguraduhin kong di mo ko masasama.!" Malakas na sagot ni Nova Celestine habang makikita ang labis na pag-ayaw at pagtanggi sa kagustuhan ng kaniyang Kuya Loon.
Mabilis na naglaho si Nova Celestine sa kaniyang pwesto at mabilis na napunta sa likuran ng kaniyang Kuya Loon at malakas na nagsagawa ng isang Axe Kick.
POWWW!!!!!
Matagumpay na natamaan ni Nova Celestine ang Kuya Loon niya ngunit mabilis man ang pangyayari ay humarap sa kaniya ang kaniyang Kuya Loon habang nakasangga ang kamay nito sa mukha nito.
BANNNNGGGGG!!!!!
Malakas na tunog ng pagsabog ang naganap sa kalupaan ngunit hindi nagkaroon ng pagyanig sa lupa. Mabuti na lamang at napakatigas ng mga lupa at mga bato ang malawak na lupain ng Central Region kung kaya't ang atake nito ay hindi ganoon katindi. Kung siguro'y ang Hyno Continent siguro ang naging lugar ng labanan ay masasabi ni Van Grego na baka nahati na ang maliit na kontinenteng iyon. Isa pa ay napakanipis ng Heaven and Earth Qi doon noong hindi pa natatanggal ang Continental Seal ngunit aabutin pa ng ilang daang taon para tuluyang maging matibay ang Soil Composition ng Hyno Continent.
PHEWWWW!!!!!
Mabilis namang tumilapon ang mga bato at mga lupa sa iba't-ibang direksyon ng malakas na tumalon si Loon pahimpapawid.
"Gaya ka pa rin ng dati aking kapatid ngunit ang iyong atake ay hindi uubra sa akin hehehe...!" Sambit ni Loon habang mabilis na naglaho sa kinaroroonan nito at mabilis na sinuntok ang kapatid nitong si Nova Celestine.
POOOHHHH!!!!
tatama na sana ang suntok nito ngunit naglaho na lamang si Nova Celestine sa pwesto nito kaya tanging ang after image lamang nito ang kaniyang natamaan na mabilis na nabura sa hangin.
"Nandito ako kuya hmmmmp!" May diing sambit ni Nova Celestine at mabilis nitong binigyan ng Butterfly ang kaniyang kapatid.
Magkakasunod na sipa ang inabot ni Loon sa kaniyang kapatid kung saan ay sa magkakaibang direksyon tumalsik ito ngunit mabilis na naabutan at nasisipa siya sa magkaibang direksyon.
POW!
Tumalsik siya sa paatras na paraan kung saan ay mistulang naging kakaibang pwersa at sakit ang bumalatay sa kaniyang tagiliran.
PHEW!
Lumitaw sa kaniyang harapan si Nova Celestine na agad naman siyang sinipa pailalim.
PHEW!
Lumitaw naman sa kaniyang pagbagsak pailalim ang kapatid nitong si Nova Celestine kung saan ay sinipa naman siya paitaas.
Whooosh!"
Pumaitaas naman ang direksyon ng pagbulusok ni Loon kung saan ay bigla naman lumitaw sa harapan niya si Nova Celestine.
Agad na pinagsalikop ni Nova Celestine ang kaniyang dalawang kamay at mabilis ngunit malakas na pinatama sa tiyan ng kaniyang kapatid na si Loon.
BANNGGGGGGGGG!
Mabilis na bumulusok ang katawan ni Loon habang marahas na nagkaroon ng pagsabog ang buong lugar na binagsakan niya kung saan ay nagdulot ng makapal na usok.
Pinuntahan ni Nova Celestine ang kuya nito kung saan ito bumagsak. Napakalapit na niya sa lupa. Tanging ang usok at alikabok na lamang ang nagdidistansya sa kanila.
Nang mapawi ang makapal na usok na nilikha dulot ng pagsabog ay makkita ang napakalalim na hukay na resulta ng pagbagsak ni Loon.
Ngunit nagulat na lamang si Nova Celestine nang makitang nakatayo ang kaniyang kapatid na walang bakas ng pagkasugat, sakit o ano pang senyales ng pagkatalo ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Loon na siyang ikinaalarma niya.
"Pa-paano i-ito na-nangyari?!" Pautal-utal na sambit ni Nova Celestine sa kaniyang natuklasan. Hindi niya aakalaing hindu niya mapipinsala ang kaniyang kapatid.
"Hahahaha... Isa ka lamang Martial God Realm Expert na napakatalentado aking kapatid ngunit ang iyong combat skill ay masyadong mababa na maituturing lamang na average. Masuwerte pa rin ako dahil hindi ako mahihirapang dalhin ka sa ating kaharian pabalik! Hahaha!!!!" Sambit ni Loon habang humalakhak ng malakas.
"Hmmmp! All this time ay nagdadrama ka lang na nasaktan ka lamang sa mga atake ko pero hindi pala. Hindi ko aakalaing napakahina pa rin ng combat skills ko ngunit hindi mo pa rin maipagkakailang kayang kaya kitang saktan ng malubha upang magtigil na yang mga delusyon niyo na sasama ako sa inyo!" Matigas na saad ni Nova Celestine habang makikitang ayaw niya talagang bumalik pa sa kaharian nila.
Mabilis na nagsagawa si Nova Celestine ng panibagong Skill upang ilabas ang kaniyang inis at galit sa kaniyang kuya. Napakamapilit kasi nito at parang hindi na siya masasabihan pa o makikiusapan pa.
Nabalutan ng mas makapal na awra at protective essence ang kaniyang buong katawan habang ang kaniyang pamaypay ay lumitaw pabalik sa pagkakamaterialize. Hindi niya aakalaing hindi niya mapipinsala ang kuya niya sa pisikalang atake.
Hindi mabilang na maliliit na kutsilyo ang nagmaterialize at lumitaw sa hangin. Mistulang nanginginig pa ang mga ito na animo'y galak na galak na makipaglaban.
"Pagsisisihan mong ginalit mo ako Kuya. Kapag hindi ko gustong umuwi, hindi ako uuuwi!!!!!!!" Malakas na saad muli ni Nova Celestine kung saan ay mistulang bumigat at nakakakilabot na enerhiya ang bumalot sa hangin. Isang nakakabinging katahimikan ang namumuo sa labanang ito.
"Aasahan ko ang iyong husay Nova Celestine. Mula sa araw na umalis ka sa kaharian ay itinuturing ka ng kalaban ng kaharian. Noong una ay masasabi kong halos kapantay tayo at nangangamba akong ikaw ang pipiliin ng mga magulang natin na susunod na tagapagmana. Umayon ang plano ko, ang ating ibang mga kapatid ay siguradong magiging sunod-sunuran na lamang kapag ako na ang opisyal na papalit sa trono ni Ama hahahahaha!!!!" Sambit ni Loon habang matalas na tiningnan ang matalim si Nova Celestine.
"Hmmmp! Napakasama mo! Hindi ko aakalaing ikaw pa ang magtatraydor sa akin. Pawang trono lang pala ang habol mo kaya pala nakikihalubilo ka sakin. Pero wala na akong pakialam sa trono o kung ano pa man. Desisyon ko to kaya wala akong pagsisisihan!" sambit ni Nova Celestine habang makikita ang pait sa boses nito ngunit mahahalatang totoo ang sinasabi nito. Noong una pa lamang ay wala na siyang balak na umupo doon at wala siyang karapatan. Tanging mga kalalakihan lang na mga kapatid niya ang maaari dahil tingin ng kaharian sa kanilang mga kababaihan ay mababa kumpara sa mga kalalakihan. Galit siya sa ninuno niyang gumawa ng ganitong batas sa kanila. Naiinis siya sa mga ito.
Mabilis na winasiwas ni Nove Celestine ang kaniyang sariling pamaypay kung saan ay mabilis na bumulusok ang kanina pang nakalutang na maliliit na mga kutsilyo. Mas malakas at nakakatakot ang enerhiyang nagmumula rito kung saan ay mabilis itong bumulusok papunta kay Loon ba parang ulan.
"Hmmmp! Hinding-hindi ako magagalusan ng ganyang klaseng atake hahaha!!!!" sambit ni Loon ng malademonyo habang makikitang bigla itong nagsagawa ng skill.
"Spear Creation Technique: Pillars of Spears!"
Naglabas ang katawan ng binatang nagngangalang Loon nang kakaibang enerhiya na sobrang nakakatakot.
Maya-maya pa ay biglang lumabas sa ilalim ng lupa ang mga higanteng Pillar na kahawig ng mga palaso kung saan ay kahawig ito ng spear na hawak nito. Nasa isang daan ang bilang ng mga ito kung saan ay namuo ang kakaiba ngunit napakapambihirang Barriers.
Ang mga umuulang kutsilyo ay mistulang hindi tumalab sa Pillars of Spears Barrier. Nagpumilit man itong butasin ang pambihirang harang ay wala itong nagawa kundi tumalsik palayo.
"Hmmmp! Nag-uumpisa pa lamang ako kaya wag kang pakampante sa simpleng Creation Skill mo!" sambit ni Nova Celestine na may pagkayamot. Hindi kasi nito aakalaing sa isang taong pagkawalay niya sa lugar na pinagmulan niya ay malaki ang naging improvement ng kaniyang kuya. Totoong mahina siya sa close combat skills dahil sa kakulangan ng training pero sa palakasan ng skills ay sigurado siyang hindi siya mauungusan kahit na sinuman lalo na ang kaniyang sariling kapatid.
Nagliwanag muli ang malaking pamaypay na hawak ni Nova Celestine habang makikitang nagkaroon ng pagdaloy ng kakaibang tubig mula sa palad ng dalaga. Kakaiba ang tubig na ito dahil parang animo'y buhay ito. Mabilis na pumunta sa pamaypay.
Tatlong disc-shaped na water blades ang biglang lumabas nang iwinasiwas ang kaniyang pambihirang pamaypay.
"Hahaha... Hindi ko aakalaing gusto mong makipagkompetensya sa akin sa larangan ng ating special physique. Salamat sa konseho dahil tinulugan nila akong buhayin ang aking sariling physique hehehe...!" Malademonyong sambit ni Loon habang makikitang nanghahamak ito sa kaniyang kapatid.
"Hindi ito maaari, papaanong tinulungan ka nila ha?! Hindi maaari ito!" Malakas na sambit ni Nova Celestine na halo-halo nag emosyon lalo ang labis na pagtataka.
"Paanong hindi nila ako tutulungan? Hindi kailanman papayagan ng mataas na konseho na mapapasayo ang trono. Kapalit ng pagtulong nila sa akin ay upang paslangin ka ngayon din mismo. Hindi ko aakalaing mapapadali ang paghahanap ko sa'yo hehehe...!" Malademonyong sambit ni Loon habang makikita ang pagkaganid nito sa kapangyarihan lalo na sa trono. Hindi niya hahayaang ang kaniyang kapatid na babaeng si Nova Celestine lamang ang maihalal na maging pinuno na siyang reyna ng kanilang kaharian. Sino ba naman ang kaniyang sariling kapatid? Isa itong babae lamang na para sa kaniya ay ordinaryong nilalang lamang at isang babaeng lider? Magiging katawa-tawa lamang sila sa harap ng ibang mga karatig-kaharian maging sa kanilang mga nasasakupan.
"Hindi ko aakalaing pumayag ka sa kondisyon nila!!! Sa oras na makaligtas ako ay sisiguraduhin kong isusumbong kita kina Ama at Ina!" Puno ng pagkamuhi na sambit ni Nova Celestine. Hindi siya makapaniwalang sasabihin ito ng kaniyang kuya. Hindi niya aakalaing nasilaw ito sa pangako ng konseho. Ano ba ang naging kasalanan niya liban na lamang sa ayaw niyang may kumontrol sa buhay niya? Mali ba ang ginawa niya?! Ngunit masasabi niyang kamatayan pa rin ang magiging kakahantungan niya kung hindi siya umalis roon. Hindi niya alam kung ano ang gustong mangyari ng Konseho... Talagang ayaw nila sa pagbabago lalo na sa magiging pinuno nila ay isang babae?! Talagang sobrang diskriminasyon na ang pinapairal nila. Litong-lito siya sa mga bagay na ito lalo pa't hindi na nahiya ang mga matatandang hukom na parte ng mga opisyales. Tila ba pinaparamdam sa kaniya na isa lamang siyang hamak na babae? Ganon na ba siya kahina para husgahan kaagad-agad. Kapag kahit sino sa posisyon niya ay tila ba maiinis o magagalit sa mga ito.
"Hindi mo na iyon magagawa pa dahil nasabihan na ng konseho na hindi na dapat sila makipag-ugnayan sa iyo kahit kailanman hahaha.... Ipapakita ko rin ang aking pambihirang skill hehehe!" Sambit ni Loon habang nagsagawa rin ito ng pambihirang skill.
Biglang nagliwanag ang sibat na hawak ni Loon at mula sa kaniyang kamay ay lumabas ang rumaragasang tubig at nagkaroon ng porma ng isang dambuhalang serpiyente.
Mistulang nagulat naman sina Nova Celestine, Rain at ang nakakubling si Van Grego sa isang sulok. Alam niyang hindi ito isang simpleng skill lamang kung mas nakakatakot pa.
"Hindi maaari ito, paanong nagagawa mong isabay ang Skill mo at kopyahin ang mismong Martial Soul mo?! Napakadaya niyo!" Sambit ng Magandang dalaga na si Nova Celestine. Hindi niya lubos aakalaing nakamit na ng kuya Loon na isang traydor na ang tingin niya rito. My hinala siyang kagagawan naman ito ng grupo ng mga konseho. Sila lang naman ang alam niyang sumusuporta rito. Hindi niya aakalaing siya ang pinakatalentadong anak ng amang hari at inang reyna ngunit mas pinapaburan nila ang isang hamak na mababang talento ng lalaking nasa harapan niya. Hindi ba't utos at batas sa kanilang kultura na ang pinakamalakas at pinakatalentadong anak ng hari at reyna ang magiging susunod na uupo sa trono? Parang binalewala laamng nila ang mga bagay nito alang-alang sa kanilang sariling kapakanan. Mula noong unang panahon pa lamang ay walang umupong babaeng anak ng hari at reyna o ng mga concubine nito ang nakatala sa kanilang kasaysayan mula ng pagkatatag ngunit nang isinilang siya ay alam niyang naging malaking suliranin na rin ito para sa mga konseho ngunit binalewala niya lamang ito. Hindi niya kasalanan kung mas malakas at napakatalentado niya. Pinanganak siyang espesyal at ito ang pinakatatagong lihim ng pamilya nila.
Mabilis niyang ipinasugod ito sa kaniyang traydor na nakakatandang kapatid na si Loon. Hindi niya lubos aakalaing pinlano niya o nila ang lahat ng ito upang maging mukhang masama o napakasama lalo na sa kaniyang magulang. Wala rin naman siyang pakialam sa mga sinasabi ng mga nasasakupan nila ngunit napakasakit isipin na galit o may sama ng loob ang sarili niyang magulang dahil sa napakasamang taktika ng mga taong gusto siyang mawalan ng karapatan sa titulo o sa mga bagay na kaniya mismo.
Bumulusok ng mabilis ang tatlong water blades ngunit nakakatakot ang enerhiyang meron dito kung saan ay nakapalooob lamang rito.
"Hahahaha... Salamat sa Konseho at nasa akin ang kanilang katapatan. Ikaw ay wala ng magagawa aking kapatid sapagkat ang sa'yo ay dapat sa akin. Mamatay ka na!!!!!" Malademonyong sambit ni Loon habang nanlilisik ang mata na animo'y isang nahihibang na tao ito.
Ibang-iba ito sa nakilala ni Nova Celestine na kuya niya kaya kahit kinukutuban siya sa ikinikilos ng kaniyang kuya ay wala siyang sinabing kahit na ano. Hindi niya aakalaing ito ang nagpursigi sa kaniya na magpatuloy sa pagcu-cultivate upang maging malakas at malaya ngunit siya rin pala ang dahilan kung bakit halos walang natira sa kaniya. Cultivation Resources, ang kaniyang mga magulang, marangyang buhay kapalit ng kalayaang gusto niyang makamit ngunit ganon ba talaga ang dapat na kapalit? Masama bang mangarap? Hindi ba pwedeng lahat ng gusto niyang piliin o pangarapin ay makukuha niya?! Ito ang mga katanungang bumabagabag sa kaniyang isipan. Masasabi niyang napaka-unfair ng buhay bilang martial artists.
Maya-maya ay biglang kumawala sa Spear ang isang dambuhalang anyo ng nakakakilabot na halimaw na walang iba kundi ang Blue Sea Serpent na siyang sinasabing Martial Soul ni Loon.
Grroooaaarrr!!!!!!!
Mistualng umatunga ang Blue Sea Serpent at walang ano-ano pa man ay mabilis itong sumugod ng harapan sa tatlong may kalakihang Water Blades.
Mistualang may buhay ang nasabing Sea Serpent at mabilis nitong pinahampas ang napakatulis na animo'y maikukumpara sa sinulid ang duluhan ng buntot nito. At mabilis na sumabog ang unang Water Blades.
BANG!!!
Isang nakakabinging pagsabog ang biglang namayani sa paligid ngunit ang nakakamangha pa rito ay ni walang nasugatan sa pagsabog lalo na sa Blue Sea Serpent na gawa lamang sa Essence Energy ng isang Martial God Realm Expert na si Loon. Kung sinuman ang makakakita nito ay mamamangha sa kaniyang nalalaman.
Agad namang kinontrol ni Nova Celestine ang dalawang Water Blades upang palayuin ang diatansya nito sa Blue Sea Serpent. Hindi niya aakalaing aabot ang bagay na ito na hindi niya kontrolado. Hindi niya lubos maisip na sa mahigit isang taon niyang pagkawala ay ganito na kalakas ang kaniyang kuya Loon na siyang nasa tulong at suporta ng mga konseho.
"Nakakalimutan mo ata kung sino ang kinakalaban mo Kuya Loon. Kahit pagbali-baliktarin mo ang mga bagay sa mundong ito ay ako pa rin ang pinakatalentado. Naisip kong alam mong una pa lamang ay malaking banta na ako sa'yo kaya nakakaawa ka!" Sambit ni Nova Celestine ng pasinghal. Sa nangyaring ito ay masasabi niyang wala na siyang nakakatandang kapatid. Isa itong taksil na hindi niya kailanman mapapatawad.
Mabilis na kinontrol ni Nova Celestine ang dalawang water Blades at pinasugod ito sa Blue Sea Serpent. Hindi niya kinakatakutan ito dahil masasabi niyang wala siyang kinatatakutang bagay lalo na ang anyo ng mabagsik na halimaw na ito kundi ay mas nakakaramdam siya ng kasabikan rito.
