Mabilis na pinaulanan ni Nova Celestine ng mga palaso si Loon ngunit mabilis na iniwasan ito ng binata.
BANG! BANG! BANG!
Makikitang bigla na lamang sumasabog ang mga lupa at mga bagay sa paligid sa oras na matamaan ito ng mga hindi mabilang na mga palaso. Umalingawngaw ang malalakas na pagsabog sa lugar na ito kung saan ay halos yumanig ang buong ikaapat na rutang ito. Nakakamanghang makikita ang labanan ng dalawang Martial God Realm Expert ngunit nakakasindak ang mga atake nito.
"Hmmp! Hindi ko siya matamaan. Napakabilis niya kaya ang maaari kong gawin ay labanan siya ng harap-harapan." Sambit ni Nova Celestine habang hindi niya mapigilang makaramdam ng inis rito. Ang totoo niyan ay hindi siya bihasa sa close-combat na labanan.
Agad niyang pinawala ang kaniyang Black Neon Bow at mabilis na lumitaw ang isang maliit na espada na walang iba kundi isang uri ng Seax.
(Seax was a fantastic short sword which was first used by the German infantry. A popular tribe that wielded this sword was known as the Saxons. This tribe gained popularity during medieval times.)
Ang Seax na hawak niya ay tinatawag na Jade Dragon Seax. Ito ay gawa sa hindi pa tukoy na bagay. Hindi alam ni Nova Celestine kung sino ang gumawa nito o kung ano'ng uri ng materyales gawa ito at napakaganda ng pagkakaukit ng hulma ng isang nakakatakot na nilalang na animo'y maihahalintulad sa isang dragon.
PENNGGGG!!!!!!
Tunog ng nagbabanggaang bagay nang mabilis na lumitaw si Loon sa harap ni Nova Celestine ngunit mabilis niyang naharang ang paparating na atake gamit ang kaniyang Jade Dragon Seax.
Phooowww!
Napaatras silang pareho sa isa't-isa ngunit mabilis na sumugod silang dalawa upang maglaban.
"Napakatuso mo talaga kuya, wala kang kasing sama." Sambit ni Nova Celestine na mahihimigan ang galit sa boses nito.
"Wala akong pakialam, ang iyong kamatayan ay isang tagumpay sa amin. Sa oras na ako ang uupo sa trono ay magkakaroon ng malakihang pagbabago sa lugar natin. Tutuparin kong pagsamahin ang pwersa ng kaharian at ng mga Human Demon Race hehehe!" Sambit ni Loon habang malademonyo itong nakangiti kay Nova Celestine.
"Hmmp, hindi ako makakapayag sa binabalak mo lalo na ng konseho, mga taksil kayo, Hyahhhhh!!!!!" Sambit ni Nova Celestine at mabilis na winasiwas ang Jade Dragon Seax.
PENG! PENG! PENG! Mistulang pumaitaas ang magkalabang magkapatid na sina Nova Celestine at Loon habang nagpapalitan ng atake. Bawat atake ni Nova Celestine ay may kasamang emosyon ito ng pagkamuhi, inis at pagkagalit sa kaniyang nakakatandang kapatid lalo na sa konseho. Mistulang naging hayok sa kapangyarihan ang kaniyang kapatid lalo na sa mga nangyayaring ito.
Walang guatong magpatalo at ang kabuuang lakas nilang dalawa ay halos pantay lamang. Sa bawat palitan ng atake at pagsangg ay animo'y patas lamang.
Ngunit nagulat si Nova Celestine nang makarinig siya ng boses sa kaniyang isipan.
Kusang napaatras ng malayo si Nova Celestine sa naging hindi inaasahang pagkonekta ng isang nilalang sa kaniyang divine sense.
"Umalis ka na sa lugar na ito ngayon din kung hindi ay mamamatay ka sa lugar na ito. Paparating na ang sampong mga malalakas na eksperto rito!" Babalang sambit ng isang hindi pamilyar na boses na walang iba kundi ang binatang si Van Grego gamit ang divine sense patungo sa utak ni Nova Celestine.
"Hmmmp! Sino ka para pagsabihan mo ako ng ganyan ha?! Paano ako makakatakas rito ha?! Ang tanging magagawa ko lamang ay labanan sila ng harap-harapan at kitlan sila ng buhay isa-isa!" Matapang na sambit ni Nova Celestine habang makikita ang determinasyon sa mukha nito. Kahit kailan ay walang nagsalita ng ganito sa kaniya. Aalis? Nagpapatawa ba siya?! Nagpapatunay lamang na isa siyang duwag kung gayon?!
"Uso gamitin ang utak binibini, kung ayaw mong mawala ang mahalaga mong buhay rito ay sundin mo ang sinasabi ko sa'yo. Napakadelikado ng kalaban mo kaya kung maaari ay lunukin mo ang pride mo." Sambit ni Van Grego ng seryoso.
Nang marinig naman ni Nova Celestine ang sinabi ng boses ng isang lalaki o isang binata ay halos umusok siya sa inis. Naiinis siya sa bagay na ito, kung hindi ba naman kasi nangingialam ang nilalang na ito sa kaniyang ginagawa ngayon.
"Hmmmp! Isa kang pakialamero binata o kung sino ka mang pontio pilato ka ay wag kang makialam sa ginagawa ko. Wala akong choice kundi labanan sila ng patayan. Ano ang gusto mo tumalon at pumasok ako sa portal para makatakas?!" Naiinis na sambit ni Nova Celestine. Wala sa isip niya ang sinabi niya sa huli ngunit napanganga na lamang ito.
"Oo yan nga ang gagawin mo, hindi kasi ako tumatanggap ng libre mula sa ibang tao kaya tutulungan kita ngayon kahit pa ikapahamak ko." Sambit ng isang boses na walang iba kundi si Van Grego sa pamamagitan lamang ng kaniyang divine sense.
"Tatalon ako diyan tapos maiiwan ka?! Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw yung binigyan ni Rain ng Monarch's Gift niya diba?!" Sambit ni Nova Celestine.
Kasalukuyan siyang nakikipagpalitan ng malalakas na atake sa kaniyang nakakatandang kapatid ngunit patuloy lamang siya sa pag uusap sa binatang si Van Grego.
"Sige, pero alam mo bang nasa delikado rin ang buhay mo?! Kailangan na nating magmadali dahil paparating narin ang mga kasamahan ng kuya ko." Sambit ni Nova Celestine habang makikita ang determinasyon nito ngunit kakikitaan rin ng inis sa tono ng pananalita nito. Hindi niya kontrolado ang sitwasyon ngayon at maaaringi kapahamak niya pa ang mangyayari kung hindi sila makakaalis sa lugar na ito.
"Hmmm..." Ito na lamang ang sagot ng binatang si Van Grego tanda ng kaniyang pagsang-ayon sa sinabi ng magandang dalaga.
Naputol na ang kanilang ugnayan at mabilis na bumalik ang atensyon ng dalaga sa laban habang nag-iisip ito ng magandang plano. Kunting pagkakamali lamang nila ay malalagay sa bingit ng kamatayan ang kanilang mga buhay na hinding-hindi niya hahayaang mangyari sapagkat marami pa siyang balak gawin.
Maya-maya pa ay bigla na lamang lumiwanag sa hindi kalayuan ang isang dambuhalang harang na kung titingnan ay parang ordinaryong harang lamang ngunit nang makita ito ni Loon ay lubos itpng nabigla sa pangyayaring ito. Mabilis siyang lumayo paatras upang pansamantalang itigil ang kanilang mainit na labanan at nagsalitang muli.
"Hmmp! Sino'ng pakialamerong nilalang ang pumagitna sa labanang ito?! Magpakita ka!!!!" Galit na pagkakasabi ni Loon na nanlilisik ang mata habang inililibot ang kaniyang paningin sa buong paligid.
Mabilis namang lumitaw si Van Grego mula sa isang sulok. Nakatayo itong lumapag sa lupa mula sa pagtalong ginawa niya papunta sa nasabing lugar upang ipakita ang kaniyang sarili.
"Hahahaha... Isang Martial Ancestor Realm Expert?! Nagbibiro ka ba totoy?! Saan mo nakuha ang lakas ng loob mo upang makisawsaw sa labanan sa pagitan ng dalawang naglalakasang eksperto?!" Sambit ni Loon habang makikita ang galit sa bawat salitang binibitawan nito. Naiirita siyang tumingin sa buong kaanyuan ng binata. Napakaluma na ng damit nito at napakarumi. Napakamangmang naman ng binatang ito upang makialam sapagkat ang lebel ng Cultivation nito ay napakababa na sa isang atake niya lamang ay kayang-kaya niyang pulbusin ito.
"At bakit naman ako nagbibiro ha?! Hindi mo ba alam na hinaharangan niyo ang daang ito. Nakikidaan lang naman ho ako, ang dami niyong salita, sumusobra na ho kayo!" Sambit ni Van Grego na animo'y parang inaapi. Mabilis nitong tiningnan ang dalaga habang ngumiti ng palihim.
"Humanap ka ng sarili mong daan totoy! Wag m okong dramahan diyan! Tikman mo to totoy!!!!" Inis na sambit ni Loon at mabilis na hinagis sa binatang si Van Grego ang isang kakaibang water ball ngunit...
"BANGGGG!!!!!!!"
Isang hindi inaasahang malakas na roundhouse kick ang pinalasap ng dalagang si Nova Celestine sa kaniyang Kuya Loon.
Tumilapon si Loon pababa at marahas na sumabog ang lupang pinagbagsakan nito. Nagdulot ito ng napakakapal na usok.
"Nakakalimutan mo atang ako ang kalaban mo kuya. Talagang wala ka ng pinipili, ang isang mahinang nilalang pa ang napagdiskitahan mo hahaha...!" Sambit ni Nova Celestine na may mapanghamak na ngiti sa kaniyang Kuya Loon. Palihim naman nitong tiningnan ang binatang si Van Grego.
Whooosh Whooosh! Whooosh!
Napapitlag si Van Grego lalo na si Nova Celestine habang hindi nila lubos aakalaing nakarating agad-agad sa kanilang lugar ang sampong mga eskperto.
"Hehehe...! Tingin mo kapatid ay makakatakas ka sa akin ng ganon kadali?! Hindi mo siguro inaasahan ang kanilang pagdating hindi ba?! Hehehe...!" Sambit ni Loon ng mawala ang usok sa paligid nito. Tumingala ito sa kaniyang kapatid habang tiningnan rin nito ang lokasyon ng pakialamerong nilalang na hindi niya pa kilala na walang iba kundi si Van Grego. May inis pa rin siyang nararamdaman rito ngunit alam niyang wala rin itong laban o magagawa sa kaniya. Isang insekto lamang ito na mapapatay niya anumang oras niya gugustuhin kaya ibinalik niya agad ang atensyon niya sa kaniyang kapatid na si Nova Celestine.
Mabilis itong sumugod kay Nova Celestine at nagpalitan ng mga atake. Halos hindi masundan ng ordinaryong mata lamang ang kanilang mga galaw at puro mga afterimages lamang ang natitira sa hangin sa bawat lakas at pwersang kanilang pagpapalitan ng mga mararahas na atake sa isa't-isa na lubos na nagpatindi ng saya sa mukha ni Van Grego. Hindi niya aakalaing isa itong oportunidad sa kaniya. Ang labanan ng mga malalakas na eksperto ay siyang magagamit niya rin upang makakuha ng mga insights upang mas lumakas pa. Mas marami siyang makukuhang battle insights ay mas magiging malaki ang tsansang mas mag level up pa ang kaniyang kasanayan sa larangan ng pakikipaglaban. Tuwang-tuwa siya habang binalewala ang sampong nilalang na nasa labas ng array formation na kaniyang ginawa, lihim siyang napangisi sa mga ito. Mabilis siyang nagtago sa isang sulok upang pasikretong panoorin ang labanan. Pasalamat siya dahil hindi siya kinilala nito para maging banta sa kaniya na siyang ikinatuwa niya.
"Magaling, natagpuan mo ang iyong suwail na kapatid Prince Loon. Hindi ko aakalaing madali mong matatapos ang misyong ito." Sambit ng isang nakalawlaw na robang itim habang hindi makikita ang kabuuang itsura o anyo nito. Naglalabas din ito ng pambihira at napakalakas na awra ng isang Martial God Realm Expert.
"Sinabi niyo pa Boss. Hindi rin basta-bastang paggalugad at paghahanap sa tumakas na kapatid nito."
"Dapat nating ikagalak ito sapagkat siguradong si Prince Loon na ang maituturing na pinakamalakas na miyembro ng Royal Family kapag napaslang na ang dalagang anak ng hari at reyna na ito." Sambit ng isang Martial Monarch Realm Expert habang tiningnan ang dalagang si Nova Celestine na malademonyong ngisi kahit na hindi rin kita ang kabuuang mukha nito.
Hindi na kumibo ang pitong Martial Monarch Realm Expert na siyang nakatayo lamang ngunit nang tingnan sila ng Martial God Realm Expert na siyang nagsisilbing lider-lideran ng grupo ay mabilis na lumitaw sa kamay nila ang pitong Samurai Sword.
Mabilis na naglaho ang pitong pigura ng mga ito at lumusob sa direksyon ni Nova Celestine.
Whooosh! Whooosh! Whooosh!
Makikita ang mga itim na pigurang nagpupumilit na pumunta sa direksyon ng dalaga ngunit wala silang nagawa.
Ang barrier ay mistulang tubig kapag natatamaan sapagkat gumagalaw lamang ito ngunit wlaang bakas ng pagkapinsala man lang.
"Boss, hindi namin mawasak ang Barrier na ito. Kung sinuman ang gumawa nito ay isa ring nakakatakot na eksperto!" Sambit ng isa sa pitong Martial Monarch Realm Expert na ang propesyon ay isang Samurai Expert gamit ang divine sense nito.
"Talaga ba?! Hindi maaari ito?! Paanong nangyari ang sinasabi mo?!" Sambit ng Martial God Realm Expert na lubos na nagtataka.
Mabilis na lumitaw sa kamay ng hindi kilalang Martial God Realm Expert ang isang Samurai Sword na mayroong kakaiba at napakabigat na enerhiya ang nakapaloob rito. Hindi na itp nag-aksaya pa ng oras at nagsagawa ito ng isang Sword Skill.
Mabilis nitong iwinasiwas ang kaniyang pagmamay-ari na Samurai Sword at sampong Sunod-sunod na Sword Intent ang lumabas sa kaniyang hawak na Samurai Sword. Masasabi niyang isa ito sa pinakamalakas na Skill niya.
Phooo! Phoo! Phoo! ...!
Nagmistulang nawala lamang ang atake niya ng tumama ito sa nasabing harang na kung titingnan nila ay parang napakanipis lamang at parang higanteng bubbles lamang ito.
Ngunit laking gulat lamang nila na ang inaasahan nilang ordinaryong harang ay isang napakatibay at misteryosong bagay na nakita at nasaksihan nila.
"Pa-paanong nangyari ito boss?! Hindi ko aakalaing mayroong kakayahan ang Princess Nova Celestine na gumawa ng harang na ito." Sambit ng isang Martial Monarch Realm Expert.
"Paanong nangyari iyon?! Mga hangal, Alam nating lahat na hindi nagkaroon ng alinmang propesyon si Princess Nova Celestine nang umalis siya noong isang taon. Imposible namang isang taon lamang ay magiging Grandmaster Level Array Formation siya!" Paggalit na sambit ng Martial God Realm Expert na nagsisilbing boss ng grupong ito.
"Kung gayon ay isang Array Formation si Prince Loon Boss?! Kung hindi ako nagkakamali ay ayaw niyang maistorbo ang labanan nilang magkakapatid?!" Sambit ng isang Martial Monarch Realm Expert.
"Parang may punto ka sa iyong sinabi. Ang pinakamisteryoso kasi sa lahat ng magkakapatid ay si Loon na siyang nangunguna ngayon sa listahan ng papalit sa pwesto ng Amang Hari. Kung isa siyang Grandmaster Level na Array Formation ay siguradong siya na ang uupo sa trono sapagkat ang kaniyang propesyon ay isang nakakamanghang bagay na lubos na ikauunlad ng kaharian. Walang dudang mabilis niyang nakuha ang loob ng konseho hehehe...!" Namamanghang sambit ng isang Martial Monarch Realm Expert habang iniisip ang hinaharap kung saan ay nakikita niya kung paano mas naging maunlad ang buong kaharian.
Tumango naman ang lahat tanda ng pagsang-ayon. Kahit gustuhin man nilang sirain ang nasabing Array formation ay wala silang magagawa sapagkat gawa ito ng isang Grandmaster Level Array Formation na katumbas ng Technique nito ang lakas ng pinakatalentadong Martial God Realm Expert. Kaya ang kanilang assumptions ay lubhang nagpagalak sa kanila. Hindi lamang nila nakita ang labanang nagaganap upang kumuha rin ng insights kundi maging ang kanilang natuklasang isang Grandmaster Level Array Formation ang susunod na hari na walang iba kundi si Prince Loon na isang misteryosong indibiduwal rin para sa kanila.
