Nanalo ang FTT sa hindi inaasahang paraan, nang mag-spawned si Boss sa kanyang 5 deaths nag-initiate ng teamfight si Lucky sa overlord. Nasa teamfight ang limang players ng EXTRA habang apat lang ang players ng FTT, si Just na kanina pa walang kibo ay nilinis ang minions sa mid lane at nag-push kasama ang tatlong minions. Habang nasa teamfight ang kanyang teammates dumeritso siya sa enemy's crystal at sinimulan itong basagin.
Samantala, sa match area ng EXTRA. Mataas sila sa gold matapos durugin si Boss, mataas ang confident nila na makukuha ang objectives dahil alam nilang hindi marunong gumamit ng Gan&Mo si Boss ayun sa kanilang coach na mahilig manood ng livestream nito. Nakangiti pa sila habang nasa teamfight ngunit biglang natigilan nang marinig ang announcement na 'Our Crystal is under attack!'
Napamura sila nang makita si Just na sinisimulang basagin ang crystal kaya mabilis na nag-recall ang ilang teammates. Nagkagulo sa noise-cancelling headphones ng EXTRA at hindi nila alam kung anong gagawin, halos hindi narin sila magka-intindihan hanggang sa makakuha si Lucky ng smooth na triple kill. Nakapag-recall naman ang isang player ng EXTRA ngunit nakakailang hakbang palang siya palabas ng spawn point para sagipin ang kanilang crystal nang maubos na ni Just ang buhay 'nun at umilaw. Sumabog at nabasag ang kanilang crystal. Natulala nalang sila sa madilim na screen dahil sa hindi inaasahang defeat.
Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area dahil sa ginawa ni Just, mas itinaas pa ang malaking black and gold banner na nasa VIP row habang winawagayway iyon.
Tahimik lang si Jacian habang naka-upo sa kanyang gaming chair, wala ekspresyon na makikita sa kanyang mukha at matapos makita ang result ng kanilang match, tinanggal niya ang noise-cancelling headphones at tumayo sa kanyang gaming chair. Hindi niya na hinintay ang kanyang teammates at naglakad patungo sa match area ng EXTRA para pakipag-shakehands, mabilis namang nag-react si Just at para hindi maging awkward ang sitwasyon naglakad narin siya patungo sa kabilang team. Hindi alam ni Jacian kung paano niya natapos makipag-shakehands sa limang players ng EXTRA, namalayan niya nalang na nasa break room na siya habang naka-upo sa sofa. Hindi naka-zipper ang suot niyang team jacket at makikita ang kanilang team t-shirt sa loob, hinawakan niya ang laylayan 'nun at isinuksok ang hook pagkatapos ini-zip niya hanggang dibdib. Kinuha niya ang kanyang bag at isinabit iyon sa kanyang balikat. Samantala si Lan at ang kanilang lead coordinator na si Lacey ay nasa gilid habang nakatingin sa kanya, halos hindi kumurap ang mga mata ng kanilang lead coordinator at sinundan nito ng tingin si Jacian hanggang sa buksan ni Jacian ang pinto ng break room at lumabas.
Pabalik sa base, tahimik lang si Jacian habang nakasandal sa upuan. Nakapasak ang dalawang earphones sa kanyang tenga pero dahil hindi gumagana ang isa dinig niya parin ang pag-uusap sa loob ng kanilang van. Nasa front seat si Lan katabi ng driver habang kinakausap nito si Just na nasa tabi niya, nakita pa ni Jacian na inayos ni Lan ang kanyang salamin at hawiin nito ang ilang hibla ng buhok para tingnan siya. Hindi nagpanggap si Jacian na hindi niya nakita ang titig ni Lan sa rearview mirror bagkus tinitigan niya rin ito hanggang sa magbawi ng tingin si Lan.
Nakaka-suffocate ang katahimikan sa loob ng van at pati ang driver ay linga ng linga sa kanila, maririnig ang pagliso ni Lucky at pasimpleng tumingin kay Jacian ngunit nakayuko lang si Jacian habang abala ito sa pag-scroll. Walang balak na mag-angat ng tingin at kausapin ang kanyang teammates.
_
Pagbalik sa base, matapos maligo nakatanggap siya ng chat kay Lan na pumunta sa meeting room. Hindi na nagulat si Jacian nang malakas na ilapag ni Lan ang A4 size na bond paper sa kanyang harapan. Napatitig siya sa magandang kamay ni Lan na may mahahaba at payat na daliri, ang sabi ni Blue ay injured ang kamay nito pagkatapos ng world championship ngunit maganda ang kamay nito at halos hindi niya maisip na injured 'yun.
Inayos ni Lan ang kanyang salamin at tinitigan siya. "Anong klaseng performance ang pinakita mo sa akin ngayon? Meron kang K/D/A na 1-6-1! Anong klaseng gameplay 'to Jacian! Pinapakitaan mo ba ako ng 100 ways to die?! Alam mo bang p'wede nila 'tong gawing memes at pagtawanan ang buong FTT?! Hindi lang ikaw ang pagtatawanan pati ako! Ako ang coach kaya ako ang mapapahiya! Naririnig mo ba ako?!" Sermon sa kanya ni Lan. Mabigat ang paghinga ni Lan at halos humarang na sa kanyang mukha ang maraming hibla ng buhok, hinawi niya iyon at binalingan si Jacian. "Kung hindi lang dahil kay Justin na maagang tinapos ang match baka umabot na sa game 3 ang series, kaya mo pa bang maglaro kung nag-collapse na ang mental state mo?"
Bahagyang nag-angat ng mukha si Jacian para tingnan si Lan na nakatayo sa kanyang harapan. "Kaya kong maglaro hanggang game 3 as long as hindi mo ipapagamit sa akin si Gan&Mo, isa pa hindi nagcocollapse ang mental state ko." Kalmadong saad niya habang nakasandal sa upuan, walang ekspresyon sa kanyang mukha at nakatingala lang siya kay Lan.
Napatango-tango si Lan. "Fine. Hindi nag-cocollapse ang mental state mo, nakalimutan kong isa ka nga palang trash talker.." sambit ni Lan at dinampot ang bond paper na nakalapag sa mesa. Ini-angat niya iyon at bahagyang kinaway. "Ito, ito ang training hours mo. Gusto kong i-master mo si Gan&Mo dahil gagamitin mo siya next week. Sa Match ng Fantastic Era, naiintindihan mo ba ako?" Tanong ni Lan.
Hindi nagsalita si Jacian at sinagot si Lan nang malamig na 'mm', tumayo siya para lumabas ngunit kabubukas niya palang ng pinto nang tawagin ulit siya ni Lan.
"Nakalimutan mo." Saad ni Lan at itinutoktok ang daliri sa bond paper na nakalapag sa mesa.
Luminga si Jacian. "Memorize ko." Saad niya at tiningnan si Lan na parang trash. Marami siyang notes sa boarding house niya at halos apat na pader ng boarding house niya ang puno ng mga notes, familiarize at memorize ang ginagawa niya araw-araw simula nang mag-online games siya para aralin ang mga heroes, ang pinakita sa kanya ni Lan na isang A4 size lang na bond paper ay hindi na kailangang i-memorize.
Dahil sa nangyaring match ngayong hapon, makikita ang scrolling comments sa post ng Official Page ng FTT, apat na oras palang ang makalipas ngunit meron na itong 70k comments. Pinakamaraming comments sa lahat ng naging post ng FTT Official Page.
[Grabeng bulok ng mid laner niyo! @FTT.Boss kailan ka kaya kukunin ng track?]
[Congratulations FTT!]
[Nag-congrats pa, hindi mo ba nakita na sobrang gulo ng match nila sa game 2?]
[Si Boss lang naman ang nagpagulo. Hindi pala 'yun marunong mag Gan&Mo? LMAO! Sumakit ang tiyan ko kakatawa habang nanonood.]
[Ang mahal ng bili nila kay Boss tapos papakitaan lang sila ganung performance? Hindi kaya nadismaya ang owner at investor ng club? Nagtapon lang sila ng pera.]
[From trash talker to TRASH!]
[Boss error na 'to.]
[Anong nangyari sa coaching ng FTT? Bakit biglang lumayo 'yung rhythm 'dun sa game 1.]
[Muntik na silang natalo, akala ko magkakaroon ng game 3 ang unang match ng FTT.]
[Baka hindi kayo makapasok sa playoffs ha.]
[Dismayado nalang every season. @FTTOfficial]
[P'wedeng pakilagyan ng packing tape ang bibig ng mid laner ng FTT, sobrang nakakahiya sa part na ang galing niyang mang-trash talk pero basura sa match!]
[@FTT.Boss palakas ka muna.]
[Palakas ka muna boii tsaka magpalaki ka narin @FTT.Boss]
[Buti nalang na end ni God J.]
[Anong nangyayari sa club ng FTT, bakit parang taon taon pa-noob ng pa-noob ang nakukuha nilang mid laner.]
[Congrats FTT pero ang lungkot parin ng game 2. Ang hina pa talaga ni Boss at hindi niya pa kayang sumabay sa mga pro pero still congrats parin.]
[Ang mga steamer ay mananatiling streamer!]
[Binabagay niya kasi sa pro 'yung level niya, at sinong player ang gagamit sa professional arena nang hindi pa na-papractice?]
[Pre, siguro kung professional player talaga kayang gumamit ng hero on the spot pero kung isa ka lang steamer hindi mo 'yan magagawa.]
[Hahaha LMAO hindi talaga marunong mag-Gan&Mo. Grabe trending ka na ngayon @FTT.Boss, basura maglaro!]
[Newbie palang din naman kasi si Boss, hindi pa ganun kalalim 'yung hero pool niya pero may highlight naman siya nung opening match.]
[Opening match? Sa tingin mo sineryuso ng GOT-G ang opening match? Friendly match lang ang pinakita ng GOT-G pero naging seryuso ang FTT at dinurog pa ni Boss si Shadow. Tapos ngayon 6 deaths sa laning? Fuck! Gusto kong masuka sa sobrang baho ng basura!]
Puno ng anti-fans ni Boss ang makikita sa comment section sa puntong sumakit ang ulo ng moderator, nag message siya sa bawat players ng Team na h'wag buksan ang kanilang social media account o di kaya'y mag-uninstall ng apps. Nasa kalagitnaan si Jacian ng solo practice gamit ang hero na si Gan&Mo nang makatanggap siya ng chat galing sa kanilang moderator. Tiningnan niya lang iyon at hindi na nag-abala pang mag-reply, nakita niya na ang mga comments sa post ng page ng FTT at nabasa niya na rin ang mga comments, binasa niya iyon habang nasa byahe sila pabalik ng base. Nakakita pa siya ng memes at mga trash talk lines niya na i-edit at inilagay sa gameplay niya, nangyari na iyon bago pa sabihin ni Lan. May mga nag-direct message pa sa kanya para i-bash ngunit hindi na siya nag-abala pang mag-reply si Jacian para i-defend ang kanyang sarili dahil hindi niya naman binibigyan ng atensyon ang mga ganitong bagay. Sa katunayan, hindi naman siya naapektuhan.
Alam ng mga lolo ni Boss na hindi pumapatol ang kanilang apo sa mga anti-fans dahil kahit nung streamer pa ito ay ini-ignore lang nito ang mga basurang comments at nag-fofocus sa match. Nabasa nila ang mga comments sa post ng Official Page ng FTT at gustuhin man nilang pumatol ay pinigilan parin nila ang kanilang sarili. Sinara nalang din nila ang kanilang bibig at nagpanggap na patay habang nagbabasa ng mga comments sa official Page ng FTT, nakasara ang kanilang mga palad para pigilan ang hindi mag-type. Kung may isang bagay man na hindi matitiis ng mga lolo ni Boss iyon ay ang hindi mang-trash talk sa loob ng isang araw. Dahil sa pagkainis pumunta nalang sila sa account ni Boss at doon inilabas ang kanilang galit.
[Fuck! I can't take it anymore! Parang gusto ko ng patulan 'yung mga trash sa post ng FTT.]
[Kapag pumatol si Boss sa mga trash pupunta ako sa page ng FTT in just 0.1 second para mag-comment!]
[Sige hintayin niyo next week. Na-screenshot ko na ang mga comments sa official Page ng FTT at maglalive ako para i-shout out ang mga pangalan nila!]
[Fuck! Muntik na akong mawalan ng 1k!] Replies... [???] [Nagpustaan? What the fuck.]
[Akin nga muntik na 4k ko LMAO, salamat kay God J.]
[Dumb streamer! Mag-online ka na, nawalan ako ng 2k para makipag-pustahan na ikaw ang MVP sa match pero binigyan mo ako ng 6 deaths? This grandpa hasn't even experienced 6 deaths!]
[Very unusual 'yung 6 deaths ni Boss.]
[Hindi 'to error ni Boss, error 'to ng teammates niya. Imagine, alam naman nila na ilang beses nang namatay si Boss at common sense nalang 'yun na kailangan niya talaga ng assist pero walang may nag-assist! Fuck! Gusto kong suntukin sa mukha 'yung mga players ng FTT!]
[Nakita niyo ba 'yung ekspresyon ni Boss pagkatapos ng match? Kitang kita 'yung inis sa mukha niya na parang gusto niya ng itaob ang mesa. Kung gagawin 'yun ni Boss aakayat talaga ako ng stage para tulungan siya.]
[Siya rin 'yung unang tumayo at naglakad papunta sa kabilang team, alam kong may mali nung time na 'yun pero hindi rin nahalata ng mga audience kasi sumunod narin si Just.]
[Sinong hindi?! Namatay siya ng 6 times at nasa death recap pa siya nung mag-popped up ang victory sa screen?! Sinong matutuwa sa ganitong results?! Sobrang galit ng apo ko sa puntong bumagsak sa 48 ang heart rate niya!]
[Damn! Hintayin niyo next week, babawi ang apo ko.]
[Ano ba kasing meron sa Gan&Mo? Bakit ayaw gamitin ni Boss?]
[..+1]..[+2] [+3] [+ID numbers..]
[Actually, alam ko ang dahilan ni Boss. Pero hindi naman sa ayaw niya si Gan&Mo may dahilan kasi siya eh.]
