Cherreads

Chapter 104 - Chapter 102: H'wag ang Honeybam ko.

Matapos ang countdown sa big screen, nagsimula na ang ban/pick phase. Blue side parin ang TK at nanatiling red side ang FTT.

Commentator Waver: "Dito na nga natin malalaman kung sino ba ang mananalo sa dalawang malalakas na team na ito dahil isang laro nalang malalaman na natin kung sino ang aangat patungo sa group B ng ating regular season next round."

Commentator Zia: "Ang sabi ng TK, hindi p'wedeng maging 2-0 ang laban dahil ii-extend ng The Kings ang laban na ito."

Sumandal ni Jacian sa gaming chair at iniangat ang isa niyang paa at ipinatong sa tuhod ang gaming phone. Kumuha ng marksman hero ang TK at nanatiling Arli ang kanilang pick, alam ng FTT na ganung line-up uli ang gagamit ng TK ngunit hindi nila kinuha si Pei at Mai Shiranui, bagkus, kinuha nila si Bai Qi at Yuhuan. Katulad ng inaasahan nila, Pei at Mai Shiranui parin ang pick ng TK ngunit nagbulagbulagan ang FTT at pinili ang hero na gusto nila.

Matapos ang ban/pick phase, makikitang walang pinagkaiba sa game number 2 ang line-up ng TK ngunit nagbago ang line-up ng FTT. Kinuha nila ang Sun/Bai/Yang line-up na siyang famous core-system sa KPL teams. Si Sun Bin para sa support, Bai Qi sa clash lane at Yang Yuhuan para sa jungling, hawak naman ni Jacian si Dr Bian at Hou Yi para kay Lucky.

Makikita ang malapad na ngiti ni Lucky nang sabihin ni Mrs. Sojurn na kunin niya si Hou Yi. Ito ang signature hero ni Lucky at masasabi niyang malakas na ang Hou Yi niya dahil walang araw na hindi niya ito pinapractice, sisiguraduhin niyang hindi na siya i-tatrash ni Boss pagkatapos ng match na 'to.

Commentator Zia: "Wow, grabe naman 'tong line-up ng FTT, exaggerated sa healing." Natatawang saad ni Commentator Zia nang mag-swap na ng hero ang mga players.

Commentator Waver: "Yeah, at ang gusto kasi ng line-up ng TK maunahan nilang mapatay 'yung kabilang team pero paano nga nila mapapatay kung ganito ang healing ng FTT? Kung tutuusin, skills lang 'yan ni Dr Bian full health kana, tapos may Yuhuan pa sila, Sun Bin at common skill na heal nung Bai Qi. Itong line-up ng FTT mahina 'to sa early pero kapag umabot 'to ng late game, walang makatalo sa healing, kahit mag-full damage pa 'tong si Pei hindi niya mahuhuli si Hou Yi."

Commentator Zia: "Ang sagot lang talaga dito ng TK, snowball kaagad. Para ma-punish 'yung Hou Yi. Kasi si Hou Yi kapag 10 minute mark kahit tanky kayang kaya niya patayin, walang nakakapasok na tanky sa kanya, knowing na may Yuhuan at Dr Bian..." Nagpakawala si Commentator Zia ng mahinang tawa.

Ilang sandali ang makalipas nang magsimula na ang game number 3. Nasa mid lane kaagad ang mga members ng FTT para maagang linisin ang minions, pumunta sila sa jungle ng TK at ninakawan ng blue buff si Sin, kasama ni Sin ang support ngunit tatlong players ang nasa side ng FTT sa kanyang jungle at wala siyang choice kundi ang mag-retreat. Early game palang ngunit nasa high ground tower na ng TK ang tatlong members ng FTT, hindi nila hinahayaang makapag-farm si Sin at nang maabot ang level 4, ginamit ni Just ang kanyang CC para i-stunned si Linus sa baba ng tower at nag-tower dive gamit ang kanyang ultimate.

First blood!

Nagulat ang dalawang commentators dahil sa pagiging aggressive ng FTT kahit na pang-late game ang kanilang core-system. Bumabaliktad ang sitwasyon ngayon, FTT na ang nagiging aggressive!

Commentator Waver: "Grabe! Start palang ng match nasa high ground tower na! Zia, ngayon lang tayo nakakita ng ganun!" Hindi alam ni Commentator Waver ang kanyang gagawin at bahagya pang nanginginig ang kanyang boses nang sabihin niya iyon.

Commentator Zia: "Oo nga eh, at mapapatanong nalang tayo kung tama ba ang nakikita natin, pero totoo talaga eh! Si Great Demon King kasi 'yan at Trash Talk King, grabe naman ang Honeybam dou."

Sa official live broadcast ng PKL, makikita ang scrolling comments sa live chat.

[Nice one, Honeybam dou!]

[Grabe, walang nakuha si Sin sa mga buff niya.]

[Sobrang lakas pala talaga ng FTT kung gustuhin nila? Sobrang layo nito sa game number 1 at 2.]

[Lakas Boss idol!]

[FTT na ang mananalo dito. Feeling ko nga binigay lang nila 'yung isang game sa TK.]

[Grabe naman ang Great Demon King! Ang gwapo mo God J!]

[Lakas ng combo!]

[Honeybam dou!!!]

[Matik, pasok ang FTT ngayon sa playoffs ng upper bracket!]

[Hindi pala si Lucky 'yung core dito, si Blue, Gem at Just pala.]

[Nilito nila yung TK, akala ng TK si Lucky 'yung core.]

[Hoy, h'wag niyo 'ring durugin 'yung mga tiki.]

[LMAO.jpg]

Habang nasa mid lane si Jacian para mag-linis ng minions, dinalaw siya ni Sin at ginamitan kaagad ng skill ngunit nakapag-flash si Jacian para bigyan ng distansya sa pagitan nila ngunit mataas ang mobility ni Pei. Isang bar nalang ang HP ni Jacian nang dumating si Just at ginamit kaagad ang kanyang CC para sagipin si Jacian, hindi nagawang patayin ni Sin si Jacian at umalis siyang nasa pagitan ng hita ang kanyang buntot.

Commentator Zia: "Hindi niya parin napatay!"

Maririnig ang malakas na sigawan sa audience area.

Commentator Waver: "Maganda sana 'yung attempt ni Sin eh pero dumating din kasi agad si Just kaya hindi niya na tinuloy. H'wag ang Honeybam ko, sabi ni Just. Pinagtangkaang patayin eh."

Tumawa naman si Commentator Zia.

Nasabag ni Lucky ang second turret ng TK sa farm lane at sama-sama nanaman ngayon ang FTT para mag-invade sa jungle ng TK.

[Grabe talaga ang FTT sa macro, grabe namang cooperation 'yan.]

[Iba ang pinapakita ng FTT ngayon, hindi na ito 'yung alam nating FTT na mahina pagdating sa macro.]

Umabot na ng late game, at nakuha ng FTT ang shadow overlord. Papunta na sa high ground ang mga shadow vanguard kasama ang mama dragon at pushing din ang tatlong wave ng minions. Lamang sa 10 thousand gold ang FTT at may 5 deaths narin si Sin, hindi siya tinantanan ni Just at laging siya ang target tuwing magkakaroon ng teamfight. Hindi niya pa nabibili lahat ng kanyang core item at sobrang hirap para sa kanya ang gumawa ng play para mahawakan ang game's pace.

Hawak ng FTT ang control ng game at nasa high ground na sila ngayon ng TK para basagin ang tore. Naunang nag-initiate ang TK para hulihin si Lucky na siyang kanina pa binabasag ang kanilang mga tore ngunit nabawasan lang ni Sin ang kanyang health dahil nakapag-counterkill si Lucky.

(FTT.Lucky) Defeated (TK.Sin)

Sa huling teamfight sa harap ng crystal ng TK, hinayaan ng FTT na makakuha ng kill si Lucky at ginamit nila ang kanilang shield at healing para makapag-deal pa si Lucky ng mataas na damage.

(FTT.Lucky) PENTAKILL! (TK.Linus)

ACED!

Napasigaw si Lucky nang mag-popped up ang pentakill sa screen ng kanyang gaming phone. Nanginig ang kanyang kamay dahil sa excite at nag-tower lock sa crystal ng TK.

VICTORY!

"Wahhh!" Sigaw ni Lucky, tinanggal niya ang kanyang noise-cancelling headphones para yakapin si Gem na ngayon ay kakalapag lang ng headphone sa mesa.

Nang makita ang senaryo sa stage mas lumakas ang sigawan sa audience area at sinisigaw pa ang kanilang CP.

Hindi natinag si Gem sa sigawan at bahagya lang tinapik ang balikat ni Lucky para sabihan itong tumayo na at makipag-shake sa kabilang team. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Lucky ngunit naglaho iyon nang marinig ang sinabi ni Jacian.

"Pentakill lang tuwang-tuwa kana."

Lucky: "!!!" Holy shit! Nakalimutan niyang may trash talk king nga pala silang kasama. Malakas na iniikot ni Lucky ang kanyang mga mata. "Should I thank you?" Sarkastikong tanong ni Lucky.

Umiling naman si Jacian at tumingin sa sahig. "Hindi ko kailangan ng thank you, gusto kong magsindi ka ng incense at mag kowtow ng 3 times."

Lucky: "..."

"Let's go, naghihintay na ang kabilang team." Ani Just at tinapik sila sa balikat.

Nakipag-shakehands si Just sa mga players ng TK at niyakap si Sin nang magharap sila, sinabihan niyang magkita nalang sila next round na binigyan ni Sin ng tango. Pagkatapos makipag-shakehands, bumaba na sila sa stage at pumunta sa break room. Kinuha lang nila lahat ng kanilang gamit pagkatapos pumunta na sila sa parking lot at sumakay sa team van para bumalik sa base. Habang nasa byahe, sinabihan sila ni Mrs. Sojurn na pumunta sa living room dahil nag-order siya ng late night snack. 

Pumasok si Jacian sa kanyang dorm at pumunta sa CR para maligo, nagpalit siya ng damit na pantulog at lumabas ng CR habang nakaikot sa kanyang leeg ang towel. Pagkatapos niyang tuyuin ang kanyang buhok, lumabas siya sa kanyang dorm at sinara ang pinto gamit ang kanyang paa.

Nag-ipon ipon sila sa living room at nagkwentuhan tungkol sa match at sa mga susunod na match. Saglit lang nakisama si Mrs. Sojurn sa kanila at nagpaalam din ito kaagad dahil may mahalaga itong gagawin. Naiwan sila sa living room kasama ang kanilang lead coordinator. Nakasalampak si Lucky sa brown na carpet habang kumakain ng fries, si Jacian naman ay nakasandal sa armrest ng sofa habang hawak ang isang mangkok na spaghetti. Tahimik lang siya habang nakikinig sa kwentuhan ng kanyang teammates.

Ilang sandali ang makalipas nang tingnan siya ni Lucky. "Nasaan na 'yung aso mo? Hindi ko na nakikita." Pagbabago nito sa kanilang topic.

Napakibit-balikat naman si Jacian. "Hindi ko alam."

Nagtaka si Lucky habang kumukuha ng fries. "Aso mo hindi mo alam kung nasaan?"

Sa kabilang banda, napakamot si Lacey sa kanyang ulo habang nakasalampak din sa carpet. Madalas niyang palakad-lakarin si Spree sa labas nitong mga nakaraang araw pero hindi niya na nakita kahapon nung hanapin niya ito sa loob ng base.

"Uuwi naman 'yun pag gutom." Kalmadong sagot ni Jacian habang iniikot ang spaghetti sa tinidor.

"Hahanapin ko m-----" Hindi na natapos ni Lacey ang kanyang sasabihin nang makarinig ng tahol sa labas.

Napalinga sila sa pinto ng base nang bumukas iyon at pumasok si Spree, nang makita nitong maraming tao sa living room, bahagya pa itong huminto at nilibot ang paningin, tumakbo lang ito palapit nang makita si Jacian. Tiningnan lang ito ni Jacian atsaka pinagpatuloy ang pagkain.

Gustong hawakan ni Lucky ang ulo nito ngunit inunat niya palang ang kanyang kamay nang taholan siya ni Spree. Nagtatakang binawi ni Lucky ang kanyang kamay at hindi maiwasang hindi magreklamo.

"Kakaiba talaga 'yang aso mo. Ang tapang tapang ang liit naman."

Inilapag ni Jacian ang kanyang baso sa mesa. "Hot dog kasi, literal na mainitin 'yung ulo." Sagot niya.

Tumawa si Blue na ngayon ay nag-cecellphone.

Natikom ni Lucky ang kanyang bibig nang makitang nakatitig sa kanya si Spree. Animo'y naintindihan nito ang sinabi niya.

Binaba ni Jacian ang kanyang kamay at binuhat si Spree para i-upo sa tabi niya ngunit pag-angat niya kay Spree nagsimula na itong tumahol. Nilapag niya ito sa sofa ngunit nagulat siya nang tumakbo ito patungo kay Just na siyang naka-upo sa dulo at handang sunggaban, mabilis na iniwas ni Just ang kanyang kamay sa pag-aakalang maaabot iyon ni Spree pero mabuti nalang at nahila pa ni Jacian ang buntot.

Hinawakan ni Jacian ang leeg nito at nilayo kay Just, nararamdaman pa ni Jacian na nanginginig sa galit ang katawan ng aso niya habang nakatingin kay Just.

Lahat sila ay na-shock. Maging si Lucky ay napaatras dahil sa gulat, nagkalaglagan tuloy ang hawak niyang mga fries. Tinawanan siya ni Blue.

"Ano ba 'yang aso mo, siraulo!" Reklamo ni Lucky at bumalik na sa kanyang pwesto habang pinapagpagan ang kanyang damit na nalagyan ng sauce.

Hindi naman siya pinansin ni Jacian at binitbit lang si Spree. Hindi alam ni Jacian kung bakit galit na galit kay Just ang aso niya, wala pa itong nakakagat noon maliban kay Just. Alam niya naman na matapang ang aso niya pero hinahayaan niya itong lumabas noon dahil hindi naman ito nangangagat ng tao, ngunit nagulat siya nung kagatin nito si Just nung unang araw na pumunta siya sa base. Nakaramdam siya ng kaba ngunit mas nilamon siya ng galit sa puntong gusto niyang hambalusin si Spree, ipapa-ampon niya narin ito kapag nakakagat pa uli.

Tumayo siya sa sofa habang bitbit si Spree dahil baka kagatin nanaman nito ang kanilang captain, nagdesisyon siyang pumunta sa kusina para bigyan ito ng pagkain dahil baka nagugutom lang.

Pagbalik niya sa living room nagkukwentuhan parin ang mga teammates niya habang si Just ay abala sa kanyang cellphone, ngunit makalipas ang ilang sandali sumunod din sa living room si Spree, tinaholan nanaman nito si Just ngunit sinaway ito ni Jacian kaya agad ding tumahimik. Umupo ito sa baba ng sofa habang nanginginig parin sa galit, pumuputi rin ang mata nito dahil tinitingnan nito si Just sa gilid ng kanyang mata.

Hindi maiwasan ni Just ang hindi matawa dahil sa tapang ng aso ni Jacian. Pinatay niya ang kanyang cellphone at kumuha ng tinapay para ibigay kay Spree ngunit hindi siya pinansin ni Spree. Nainis si Jacian kaya kinuha niya ang tinapay sa kamay ni Just at pwersahang binuka ang bibig ni Spree at pinasakan ng tinapay. Hindi naman nanlaban si Spree at masunuring nginuya.

Just: "..."

More Chapters