Saktong pagsabi nun ni Commentator Zia ay kinuha nga ng FTT si Dharma para kay Blue.
Commentator Zia: "Oh, sabi na nga ba. Dharma nalang talaga ang choice."
Commentator Waver: "Wow! 100 percent na yung prediction rate mo. Ang galing mo manghula noh?"
Commentator Zia: "Syempre, kailangan sa trabaho."
Pareho silang tumawa at muling bumalik sa kanilang trabaho.
Kinuha ng FTT si Lam para kay Just at Lady Zhen naman kay Jacian, ang naisip nila kanina gagamit si Boss ng Yixing dahil bukas pa naman si Yixing pero hindi siya makakasabay kay Just kung Yixing ang gagamitin ni Boss. Dahil ang gusto ni Lam ay skills combo sabay retreat kaagad, lalo na't wala si Liu Bang na p'wedeng sumagip sa kanya kaya hindi ligtas si Just kung gagamit si Boss ng Yixing. Pero kung Lady Zhen, malakas ang CC niya, kaya niyang guluhin ang posisyon ng mga enemies at makakasabay siya kay Just.
Si Dun ang pinili ni Lessen na isang tank jungler, madalas kapag assassin ang mid laner laging tank ang jungler para mayroong tagapigil na ma-gank ang mid laner. Hindi na muna pinayagan ng Coach ng GOT-G na gumagamit si Lessen ng assassins dahil sa pagiging agresibo nito kanina at baka madala nanaman nito ngayong game. Maging agresibo man si Lessen gamit ang hawak niyang hero ngayon ay madali lang siyang makakatakas dahil may pantakas si Dun at tanky, hindi siya bast basta mamamatay.
Ito ngayon ang magpapahirap sa FTT at kitang-kita naman na hinayaan nalang ni Just na makuha ni Lessen ang isa niyang jungle creeps na nasa clash lane. Nauna ang GOT-G sa tyrant at hindi hinayaang makahanap ng advantage ang FTT sa mga objectives, makikita ang kalamangan ng GOT-G pagdating sa gold at halos 10k na ang lamang. Nakuha na ni Shadow ang kanyang mga core items at isang skills combo lang ang ginawa niya kay Lucky nang pumunta siya sa farm lane para i-gank ito. Nag-tower dive siya sabay skills combo at sa isang kisap ng mata patay na si Lucky.
Lucky: "..."
Kanina pa siya nag-paplay safe para itabi ang kanyang damage mamaya sa late game sa puntong halos yumakap na siya sa tower, ngunit sa paraan ng pag-gank sa kanya ni Shadow para bang walang tower. Literal na hindi siya naka-pindot ng kanyang skills o di kaya'y flash para sana iwasan ang combo ni Shadow.
Hindi maiwasan ni Lucky ang hindi mapamura. Holy shit! Si Boss lang ang alam niyang gumagawa nun!
Ngunit hindi doon nagtatapos ang laban dahil paglabas ni Shadow sa tower gamit ang kanyang flash, ginamitan siya ni Jacian ng CC kaya bahagya siyang napatalon, mabilis namang nag-react si Shadow at nag-dash palayo ngunit hinabol siya ni Jacian gamit ang flash at ultimate.
(FTT.Boss) Unstoppable! (GOT-G.Shadow)
Tumago si Jacian sa damuhan para mag-recall ngunit biglang sumulpot si Lessen sa harapan niya, ini-freeze niya kaagad ang kanyang sarili para hindi tamaan ng skills ni Lessen at sakto namang dumating si Just. Palitan lamang ng skills ang nangyari dahil sobrang tanky ni Lessen at parehong nag-retreat. Nagawang paabutin ng FTT sa late game ngunit mababa ang damage ni Lucky dahil siya ang target locked ni Shadow, hindi siya makalabas ng tower at hindi makakuha ng jungle creeps dahil baka may tumatagong Mai Shiranui sa damuhan at gamitan siya skills combo.
Nagkaroon ng teamfight sa high ground ng FTT nang magsimula silang mag-defend dahil nag-push na ang GOT-G sa kanilang high ground, unang namatay si Lucky, sumunod si Jacian hanggang sa si Just nalang ang naiwan mag-isa sa kanilang crystal kasama ang mga minions at sa isang bala ng marksman ng GOT-G namatay si Just at na-ACED ang FTT.
DEFEAT
Madilim ang screen ng kanilang mga gaming phone. Tinanggal nila ang kanilang noise-cancelling headphones at bumaba ng stage para pumunta sa break room, dumeritso sila sa sofa para umupo at pag-usapan ang susunod nilang plano. Nakuha ng GOT-G ang game 2 kaya kasalukuyang 1-1 ang score.
Sa game 3, hindi na p'wedeng gamitin ni Shadow si Nuwa at Mai Shiranui dahil ginamit niya na iyon sa game 1 and 2 kaya hindi narin iyon binan ng FTT ngunit binan naman ng GOT-G. Binan ng GOT-G si Mai Shiranui para hindi magamit ni Jacian.
"I-baban ba natin si Shangguan, malakas ang Shangguan ni Boss, nagawa niya iyon ng maayos nung opening." Saad ng kanilang coach.
Samantala, sumama naman ang mukha ni Lessen. "H'wag mo namang ipaalala yung opening coach para namang hindi friendly match yun." Ani Lessen at nilapag ang tumbler sa sahig.
"Friendly match yun? Bakit parang totoong durog na durog kayo dun?"
Lessen: "!!!"
Tumawa naman si Shadow.
"Kahit hindi na i-ban si Shangguan, sayang sa ban spot. Hayaan niyong kunin ni Boss para malaman niya kung gaano ako ka aggressive at madurog ang signature hero niya." Ani Lessen.
"Kapag dinurog mo si Boss, ikaw na ang target locked ni Just." Sambit naman ni Shadow.
Lessen: "..."
Makikita sa ban spot ng GOT-G na binan ang mga hero ni Just at ang mid lane hero na si Mai Shiranui. Ngunit sa side naman ng FTT ay nanatiling naka-ban si Heino, nag-ban din ang FTT ng marksman hero dahil malakas ang marksman ng GOT-G. Gamit ni Shadow si Princess Frost at gamit naman ni Jacian si Yixing, sa line-up ng dalawang teams mukhang i-dadrag nila ito sa late game dahil parehong late game core ang kanilang line-up.
Sa nagdaang game 1 at game 2, halatang parehong may natutunan ang dalawang teams dahil nanatiling tahimik ang mapa at kalmado ang mga players. Parehong 1-1 ang score at kailangan nilang makakuha ng 3 points para manalo, kapag nanalo ang FTT isang game nalang sila na ang mananalo at secured na sa grand finals, ngunit kung matatalo ang FTT ngayong game 3 kailangan nilang makuha ang game 4 at 5 para ma-secured at hindi mahulog sa lower bracket.
Ngunit makikita ang lungkot sa mata ng mga fans ng FTT nang mag-collapse kaagad ang farm lane. Si Lucky nanaman ang naging target locked ng GOT-G at mukhang i-pupush nanaman nila ito hanggang sa magipit si Lucky sa high ground.
Nang umabot ng late game ang match nagawa namang i-defend ng FTT ang farm lane at jungle kaya bumalik narin sa kani-kanilang jungle ang GOT-G hanggang sa mag-enhance ang overlord/tyrant. Binasag ni Blue ang tower sa clash lane gamit si Sun Ce habang nasa teamfight ang FTT sa mid lane, tumagal ang teamfight sa mid lane hanggang sa dumating si Blue gamit ang kanyang set sail at binangga iyon sa mismong gitna. Kumalahati kaagad ang HP ng mga players ng GOT-G ngunit buhay pa naman ang kanilang support na si Dolia kaya nagawa nitong dagdagan ang HP ng GOT-G.
Tinarget ni Just ang marksman ng GOT-G at nagawa niya naman iyon ng maayos ngunit na-shutdown siya ni Shadow. Napatay ni Jacian si Shadow ngunit napatay din siya ni Lessen, namatay ang dalawang support hanggang sa ma-ACED ang FTT.
Malakas na sigawan ang maririnig sa venue dahil tanging si Lessen nalang ang naiwang buhay sa kanilang lahat, kasama niya ang tatlong minions habang patungo sa mid lane.
"Wala na end na." Nakangiting saad ni Lessen at binasag ang high ground sa mid lane. Nag-push na siya sa crystal hanggang sa umilaw iyon at sumabog.
VICTORY!
Panalo ang GOT-G sa game 2 at kasalukuyang 2-1 ang score, isang panalo nalang secured na nila ang grand finals.
Nababakasan ng kaba ang mukha ng mga fans ng FTT ngunit naniniwala naman silang makakabawi pa ang FTT, imposibleng hindi nila maipanalo ang susunod na game dahil mayroon pang Da Qiao si Boss at Dolia si Gem. Ilang beses ng naging domestic champion ang GOT-G at marami ng experience sa global tournament, kahit ang HUV ay hindi magawang talunin ang GOT-G ng isang series kaya alam ng mga fans ang bigat ng pressure ngayon sa FTT.
Ilang minuto ang makalipas nang umakyat na sa stage ang mga players ng dalawang teams para sa game 4. Tuloy parin ang support ng mga fans nang magsimula na ang 5 seconds countdown sa big screen.
Commentator Waver: "Pasok na tayo sa ating ban/pick phase para sa ating game number 4. Blue side parin naman ang pinili ng GOT-G at red side para sa FTT. Kasalukuyang 2-1 ang score at alam natin na isang panalo nalang ng GOT-G ay secured na sila para sa ating grand finals."
Commentator Zia: "Yeah, at dito na nga natin malalaman kung sino ba ang makakakuha ng unang slot para sa grand finals. Mukhang kinakailangan pang pag-isipan ng mabuti ng dalawang coach kung sino ba ang tatanggalin at sino ang pipiliin, kasi nagkakaubusan na ng mga hero. Ngunit hindi parin naman magbabago ang unang first ban spot ng GOT-G at agaran na nga nilang tatanggalin si Augran."
Commentator Waver: "Tinanggal din ng FTT si Heino, syempre hindi nila 'to ibibigay kay Shadow. Hindi nila hahayaang makapag-time travel si Shadow at i-revive ang tower. Nakakainis nun eh yung nabasag niyo na yung tower tapos biglang ni-revive ulit ni Heino, sayang lang yung pagbasag, paalala lang po sobrang kunat ng tower ng HoK kapag walang minions."
Commentator Zia: "Ay totoo yan. Pero ito na nga ang first pick ng GOT-G ay napunta kay Arli." Bahagyang nagulat ang dalawang commentators. "Naku, nakalimutang i-ban ng FTT si Arli."
Ngunit kaagad din namang sinagot iyon ng FTT ng Arke at Lian Po. Nang makita ang 2 picks ng FTT doon lang napagtanto ng dalawang commentators na sinadyang pakawalan ng FTT si Arli dahil kukunin nila si Arke para kay Just. Isang assasins jungler na maraming dash at may kakayahan ding habulin si Arli.
Isa si Arke sa mga hero na hindi nakikita sa mga tournament kaya ikinagulat nanaman iyon ng mga audience dahil panibagong mukha at gameplay nanaman ang makikita nila. Ang inaasahan ng mga audience ay si Luna ang kukunin ng FTT para kay Just dahil malakas ang mobility ni Luna at kahit saan pumunta si Arli kahit tawirin niya pa ang pangalawang turrets ay maabot parin siya ni Luna dahil sa dami ng mobility. Ngunit sinong mag-aakalang makakakita sila ng Arke, ang hero na hindi pa ginagamit sa tournament at may zero win rate sa PKL, kahit sa ibang region ay hindi rin ito ginagamit kaya hindi alam ng mga fans ng FTT kung matutuwa ba sila dahil makakakita nanaman sila ng bagong hero o kakabahan kung gagana ba ang bagong hero ni Just.
Ngayong season lang gumamit ng assasins si Just pero kung makalabas ito ng mga hero parang ginawa niya lang rank game ang tournament, gagamitin niya kung anong gusto niyang gamitin. Parang yung mga random sa rank game na finiflex yung mga hero, halos lahat i-show pero isa lang naman ang kukunin.
Commentator Waver: "Grabe naman talaga ang ating Great Demon King napakalalim ng hero pool. Hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon si Arke."
Commentator Zia: "Ako rin eh, at ito nanaman ang FTT, papasakitin nanaman ang ulo natin kakaisip kung paano gagana ang kanilang line-up. Pero buti nalang binan nila si Liang, ayaw din talaga nilang ibigay si Liang sa GOT-G para magawa lang ni Just ang mga gusto niyang gawin."
Commentator Waver: "Nakakahinga ka kasi ng maluwag kapag naka-assasin ka tapos ban si Liang. Parang ang sarap gumala sa mapa."
Commentator Zia: "Walang pumipigil talaga eh noh?"
Commentator Waver: "Yeah."
Sa match area ng FTT, nakasandal si Jacian sa kanyang gaming chair habang hinihilot niya ang kanyang palad. Tinanong ni Coach Dang si Just kanina kung Luna o Arke ngunit hindi makapagdesisyon si Just kaya tinanong niya si Jacian kung anong hero ang mas safe at makakakuha ng advantage at sinagot naman ni Jacian na mas prefer niya si Arke.
