Cherreads

Chapter 143 - Chapter 141: Just, may girlfriend ka na ba?

Tuluyan nang binawi ni Jacian ang kanyang kamay at sumandal ng maayos sa sofa para kausapin si Just.

"Hindi lang ito ang unang beses na hindi mo sinusunod ang command ko, kahit nung mga matches natin nung regular season hindi ka nakikinig. Wala ka bang tiwala sa command ko?" Deritsong tanong ni Jacian at sa tono niya palang ramdam ni Just kung gaano kabigat ang nararamdaman nitong inis ngayon.

Pumikit si Just kasabay ng maliit na tango. "Mn. Aayusin ko na next time." Sagot niya.

Nakakunot parin ang noo ni Jacian nang sumandal ulit siya sa sofa, hindi niya binalingan si Just at deritso lang ang kanyang tingin. Ngunit maya-maya lang hinila siya ni Just palapit para yakapin siya.

"Ang away natin tungkol sa match, sinasabi ko sa'yo hindi gagana yan." Saad ni Jacian ngunit siniksik ni Just ang kanyang ulo sa kanyang leeg, mariing pumikit si Just habang nasa ganun silang posisyon.

Ramdam ni Jacian ang kalmadong paghinga ni Just at dahil doon hindi niya namalayang unti-unti narin siyang kumakalma, nawala ang nakakunot niyang noo at dinama ang tahimik na sandali. Makalipas ang ilang nang gumalaw si Just at inangat nito ang kanyang ulo, hinawakan ni Just ang kanyang baba ang hinalikan siya nito sa labi. Pumikit si Jacian at umayos siya ng upo, nilagay niya ang kanyang kamay sa leeg ni Just masunuring tumugon. Mas lumalim pa iyon at hindi na namalayan ni Jacian na sumunod din siya sa galaw ni Just nang i-angat siya nito para i-upo sa kanyang kandungan, lumabo ang paningin ni Jacian nang buksan niya ng kunti ang kanyang mga mata para tingnan si Just. Sa sobrang lapit ng kanilang mukha kitang-kita ni Jacian ang makapal na kilay ni Just at ang pilik-mata nito, nagbanggaan ang kanilang ilong nang lumihis siya at muling pumikit.

Binuka ni Jacian ang kanyang bibig at hinayaang gawin ni Just ang gusto nitong gawin, humigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang bewang at mas hinapit siya palapit, sinuklay pa ni Just ang kanyang buhok at pilit siya nitong pinapatingala. Hindi naman nanlaban si Jacian at tumugon kay Just hanggang sa masatisfied ito. Pareho na silang nakaramdam ng init at tuluyan ng nablanko ang isip ni Jacian, samantalang, humiwalay na si Just at marahan nitong inupo si Jacian sa sofa. Tumayo siya at nagpaalam na gagamit ng CR, pinaglapat naman ni Jacian ang kanyang labi at tinanguan si Just.

Pinahid niya muna ang pawis sa kanyang leeg bago niya kinuha ang kanyang cellphone para aliwin ang sarili, nakakaramdam ng init at gusto niya ng maligo pero nasa CR pa si Just at hindi pa ito lumalabas hanggang ngayon. Makakita ang ilang minuto nang mapansin niyang hindi parin lumalabas si Just sa CR kaya pumunta na siya doon at kinatok ang pinto. Ngunit nakaisang katok lang siya nang bumukas din kaagad ang pinto.

Napakurap si Jacian habang nakatitig kay Just. "Tapos ka na?" Awkward na tanong niya.

"Mn." Tugon ni Just.

Lumabas na ito ng CR at pumasok naman si Jacian para maligo. Kakaligo niya lang kanina kaya hindi na siya nagtagal at lumabas din kaagad, paglabas niya ng CR sakto namang may kumatok sa pinto ng kanyang dorm. Naka-upo si Just sa sofa habang nag-cecellphone at luminga din ito sa pinto nang marinig niya ang katok, si Jacian na ang bumukas nun at bumungad sa kanya ang mukha ni Lucky.

"Hi, Boss. Kanina pa nag-chachat si Coach Dang na bumaba para kumain ng in-order niyang late night snacks." Saad ni Lucky.

Hindi naman sumagot si Jacian at nagpakawala lang ito ng mahinang 'mm'

Kumunot naman ang noo ni Lucky. "May samaan pa ba kayo ni Cap Tin? Hindi rin siya bumaba." Ani Lucky. Kanina pa sila naghihintay at gutom na gutom na siya pero sabi ni Coach Dang hintayin muna ang dalawa bago sila kumain, hindi na siya nakatiis at inakyat ang dorm ni Jacian at Just para katukin iyon. Habang nagrereklamo siya sa harapan ni Jacian bumukas ng malaki ang pinto at tumambad si Just.

Lucky: "..." Kumurap siya at nagtatakang binalingan si Just. "Cap Tin, nandito ka?" Gulat na tanong niya, hindi niya inaasahang makikita niya si Just sa loob ng dorm ni Jacian. Kaya pala walang bumubukas sa kwarto nito kahit na kumatok siya ng ilang beses. Pero anong ginagawa ng kanilang captain sa dorm ng kanilang mid laner? Pumunta ba dito si Just para makipag-ayos? Pinaglipat-lipat ni Lucky ang tingin sa dalawa na animo'y hindi nakumbinsi ng naisip niyang dahilan. Ngunit hindi niya na iyon binigyan ng atensyon at sinabihan ang dalawa na sumunod na dahil nagugutom na siya.

Nasa living room sila habang kumakain ng in-order ni Coach Dang na late night snacks na nakalapag ngayon sa mesa, naka-play sa big screen ang match ng RG at HUV na kakatapos kanina. Hindi naman sila nagtaka nang manalo ang RG sa HUV dahil kitang-kita naman ang naging improvement ng RG day 1 palang ng playoffs. Team RG ang nanalo at sila ang makakalaban ng FTT sa semi-finals. Kapag nanalo ang FTT sa semi-finals pasok na sila sa grand finals at maglalaban sila ng GOT-G, nasecured na ng GOT-G ang grand finals kaya naghihintay nalang sila kung sino ang makakalaban nila sa pagitan ng FTT at RG.

Hindi naman nila masyadong binigyan ng atensyon ang laban ng RG at HUV dahil gusto ni Coach Dang na panoorin ang replay ng kanilang match ngayon sa GOT-G. Hindi sila sinermonan ni Coach Dang dahil alam ni Coach Dang na maayos ang naging laro ng FTT ngayon, sad'yang nagkaproblema lang ang equipment ni Just kaya sila natalo sa huling game, nandun parin ang panghihinayang ngunit pinaalalahanan ni Coach Dang si Just na i-double check ang mga equipment o di kaya'y mag-request ng pause dahil minsan hindi rin napapansin ng mga referee. Tumango si Just at inabutan si Jacian ng fries.

"Parang unfair naman yun, Coach. Hindi naman kami matatalo kung hindi late ang noise-cancelling headphones ni Cap Tin. Dapat may rematch." Reklamo ni Lucky. Nakasalampak siya sa carpet habang nakasandal sa hita ni Gem.

Tiningnan naman siya ni Coach Dang. "Kung mag-rerequest tayo ng rematch ano sa tingin mo ang iisipin ng mga fans? Sasabihin nila na ayaw nating pagpatalo. Ang mabuti pa mag-training nalang tayo kung paano niyo matatalo ang RG, hindi lang RG, kung talagang kaya nating talunin ang GOT-G kailan nating mag-training para mapatunayan natin sa mga fans na late ang noise-cancelling headphones ni Just."

Sumang-ayon si Lucky. "Sabagay, mas maganda nga, mas natraining tayo. Baka may mas magagaling pa tayong makakalaban sa global." Saad ni Lucky.

"Okay naman yung game natin sa GOT-G, hindi nakakakaba. Feeling ko matatalo na natin sila next time." Lintaya ni Blue.

Tumango si Coach Dang at binalingan ang dalawa nilang teammates na nagkasamaan ng loob kanina. "Teammates tayo dito, magkakasama tayo manalo man o matalo. H'wag tayong magsisihan, alright?" Ani Coach Dang.

Tahimik naman si Jacian habang naka-upo sa sofa, kumuha siya ng sabaw na niluto kanina ng kanilang lead coordinator at hinigop iyon ngunit napa 'Ah!' siya at kaagad itong nailayo.

Nagulat sila dahil sa naging reaksyon ni Jacian kaya nagtataka nila itong binalingan.

"Bakit? Kinagat ka ng sabaw?" Tanong ni Coach Dang.

Nilapag ni Jacian ang mangkok sa mesa at kinapa ang kanyang labi, ngunit kinabig ni Lucky ang kanyang balikat para iharap siya at bahagya itong nagulat nang makita ang labi niya.

"May sugat ang labi mo, sinong nakahalikan mo?" Kantyaw ni Lucky.

Mabilis na tumibok ang puso ni Jacian at bahagya siyang natigilan ngunit kaagad niyang kinawag ang kanyang balikat nang makabawi, ramdam niyang nanghina ang kanyang tuhod at animo'y nawalan siya ng buto dahil bigla siyang nanginig. Hindi niya naramdaman na may sugat pala ang labi niya at dahil iyon sa panggigigil sa kanya ni Just kanina at kung hindi niya pa ito kinurot hindi pa ito babalik sa reyalidad.

Nawalan na ng gana si Jacian at hindi na ginalaw ang sinandok niyang sabaw, kumain nalang siya ng plain na fries dahil hindi niya rin iyon masawsaw sa mainit na sauce.

Pagkatapos nilang manood ng match at magmeryenda sinabihan sila ni Coach Dang na bumalik na sa kani-kanilang dorm dahil maaga pa ang training nila bukas, sa susunod na araw kaagad ang laban nila sa RG kaya wala na silang oras para magpa-schedule ng practice match, mukhang wala ring balak magpa-schedule ng practice match ang Coach ng RG dahil hindi man lang ito nagpaparamdam sa gc nilang mga coach at abala sa pagpapatraining sa kanyang team.

Nang mag-alisan na ang mga players ng FTT para pumunta sa kani-kanilang dorm, tinawag ni Coach Dang si Just at sinenyasan itong lumapit. Bumalik naman si Just na siyang paakyat na sana ng hagdan at nilapitan si Coach Dang.

"Just, may girlfriend ka na ba?" Tanong ni Coach Dang.

Hindi naman sumagot si Just at nilagay lang ang kanyang kamay sa kanyang bulsa.

"Alam ko na, halata naman na may binibigyan ka ng atensyon. Nag-away ba kayo? H'wag mong ibubuntong sa ka-teammates mo kung may problema kayo at nagawa mo pang..." Huminto si Coach Dang at nilinga ang hagdan kung saan umakyat si Jacian patungo sa second floor. "Nagawa mo pang patulan si Boss." Hindi makapaniwalang saad ni Coach Dang habang nakatitig kay Just.

Just: "..."

"Hindi ko kayo hinihigpitan pagdating sa pakikipagrelasyon pero h'wag niyong dadalhin kapag may match tayo, naiintindihan mo ba ako?" Tanong ni Coach Dang habang nakahawak sa bewang.

Tumango naman si Just at hinawakan ang balikat nito. "H'wag kang mag-alala, Coach. Hindi naman maaapektuhan ang training." Sagot ni Just at tuluyan nang umakyat sa second floor.

Napailing si Coach Dang, hindi siya makapaniwalang may girlfriend na si Just, after 22 years nagkagirlfriend narin ang kanilang team jungler. Umiikot lang sa e-sports ang buhay ni Just at wala itong oras makipag-relasyon at sa kanya mismo nanggaling ang salitang yun, ngunit ngayon may girlfriend na ito. Nilamon tuloy ng kuryusidad si Coach Dang kung sino itong nakakuha ng atensyon ng kanilang team jungler.

Maagang nagsimula ang kanilang training at inabot pa sila ng gabi bago iyon natapos, malungkot ang ibang fans ngayon dahil sa pagkatalo ng HUV at na-eliminate sa season, sa loob ng ilang taon ng HUV sa e-sports ngayon lang sila na-eliminate ng ganito kaaga. Madalas tuwing semi-finals at grand finals natatalo at na-i-eliminate ang HUV ngunit ngayon quarterfinals palang ay na-i-eliminate na kaagad sila. Dalawang teams ang nakapasok sa semi-finals at iyon ay FTT at RG, samantalang nanatili paring nasa trono ang GOT-G at nakaraang araw pa sila naghihintay ng kanilang makakalaban.

Parehong nakalaban ng GOT-G ang FTT at RG at parehong nagawa ng dalawang teams na makakuha ng kalahating points sa GOT-G ngunit hindi nila natalo ang GOT-G at parehong bumagsak sa lower bracket. Ngayon, inaabangan ng mga fans kung sino ang mananalo sa pagitan ng FTT at RG na nagawang pabagsakin ng GOT-G at maglalaban ngayon sa lower bracket, kung sino ang mananalo sa dalawang teams na ito sila na ang makakatungtong sa grand finals at kasama sa global competition. Dalawang teams lang ang slot ng PKL at ang dalawang teams na maglalaban sa grand finals ay iyon ang makukuha sa global.

Halatang puspusan din ang training ng RG dahil ilang araw ng tahimik si Water sa kanilang gc, tatlong araw na itong hindi nag-oonline kaya hindi maiwasan ng mga pro players ang hindi mag-alala at tanungin si Crowd kung anong nangyari kay Water. Ngunit isang araw pa ang makalipas bago sila makatanggap ng reply kay Crowd at puro 'hahaha' ang intro nito. Sinabi ni Crowd na tatlong araw nang nakaupo sa gaming chair si Water para mag-training nang mag-training, ginugugol nito sa training ang buong oras niya dahil gusto nitong makapasok sa global competition at makaharap ang dati nilang top-tier clash laner na si Ning. Si Ning na lumipat sa European division at captain ng Team Silence.

More Chapters