Cherreads

Chapter 80 - chapter 40 (TAGALOG)

Kabanata 40: Ang Digmaan ng mga Sugo

Sa pagpapatuloy ng nagaganap na labanan sa plaridel. Sa gitna ng kaguluhang ito, ang tatlong sugo—si Ifugao, Hustisya, at ang heneral mula sa espanya na si Salazar—ay nagtagpo sa iisang lugar, ang bawat isa ay may dalang layunin na magpapasya sa kapalaran ng Plaridel.

Sa gitna ng nagliliyab na labanan, nakatayo si ifugao sa pagitan ng dalawa habang nagliliwanag ang kanyang pulang espada ng asul na enerhiya, Alam nya na lalong lumalala ang sitwasyon at hinihintay niya ang mga susunod na aksyon ng dalawa,

Ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon, ngunit may bahid din ng pag-aalala habang tinitingnan ang mga nagkakagulong tao sa paligid.

Humarap siya kay General Salazar, ang kanyang boses ay may tapang ngunit puno ng pagsusumamo. " mister Salazar, nakiki usap po ako, itigil nyo na ang pagpapahirap sa mga Pilipino!" sigaw niya.

"Itigil nyo na rin ang pagdakip at pagpatay sa mga inosente! Hindi ito ang tamang paraan upang pamahalaan ang bayan!"

Ngunit tumawa lamang si Salazar, ang kanyang tawa ay malamig at puno ng pangungutya. "Ano ang gusto mong gawin ko, Indio?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki.

"Hayaan ko na lang makatakas ang mga rebelde na pumatay sa mga tauhan ko at matulog sa kanilang mga bahay ngayong gabi na parang walang nangyari? "

" Hindi matatapos ang gabing ito hangga't hindi ko nauubos ang lahat ng mga Indio sa Plaridel!" Ang kanyang boses ay parang kulog, puno ng pananakot, habang ang kanyang mga kristal na halimaw ay nakatayo sa kanyang likuran, handang sumunod sa bawat utos.

Bigla naman sumiklab ang galit ni Hustisya dahil sa narinig kay salazar na pagbabanta. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pulang apoy, at ang kanyang higanteng kalansay, na nag-aalab sa parehong kulay, ay umamba upang salakayin si Salazar.

"Demonyo ka!" sigaw niya, ang kanyang kalaykay na sibat ay umiilaw dahil sa enerhiya habang sumusugod siya. Ngunit bago pa siya makalapit, biglang humarang si Ifugao, ang kanyang espada ay nakataas upang pigilan ang dalaga.

"Huminahon ka, Hustisya!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsusumamo.

"Huwag mo daanin sa dahas ang lahat! Hindi ito ang solusyon!"

Dahil sa pagpigil nito dito ay napunta muli ang galit ni Hustisya kay Ifugao habang ang kanyang mga mata ay puno ng matinding poot.

"Huminahon?!" sigaw niya, ang kanyang boses ay basag sa galit. "Paano ako hihinahon, Ifugao, kung ang demonyong general na ito ay balak imasaker ang mga Pilipino?! "

"Ipipilit mo ba sa akin na makipagpayapaan sa mga Kastila habang pinapatay nila ang mga pilipino sa bayan ko?!" Ang kanyang mga kamay ay nanginginig, at ang pulang apoy sa kanyang kalansay ay lalong sumiklab, na parang sumasalamin sa kanyang nagliliyab na damdamin.

Hindi agad nakasagot si Ifugao, ang kanyang puso ay nahati sa pag-aalala at tungkulin. Alam nya na may punto ang sinasabi ni hustisya pero alam nya rin na kung patuloy na makikipaglaban si Hustisya kay Salazar, ang labanan ay hindi kailan man matatapos at maraming inosente ang madadamay.

Humarap muli siya kay Salazar upang muling subukan itong kumbinsihin, ang kanyang boses ay matatag ngunit puno ng pagsusumamo. "mister Salazar, tingnan mo ang bayan mo, ang plaridel!" sabi niya, itinuro ang mga nasirang gusali at ang mga katawan ng mga namatay, Kastila man o Pilipino.

"Dahil sa pag-atake ng mga rebelde, maraming Kastila ang namatay. Oo, ang mga Pilipino ang gumawa nito, pero hindi ba't dapat mong alamin kung bakit ito nangyari? Hindi nila ninanais ang katanyagan o kayamanan—ang gusto lang ng mga Pilipino ay maayos na buhay at pantay na pagtrato sa lipunan!" Naki-usap si Ifugao, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa na pakikingan sya nito.

"Alang-alang sa mga inosenteng pwedeng madamay, itigil mo na ito, mister Salazar!"

Ngunit bago pa makatapos si Ifugao sa kanyang salita, isang matulis na kristal na spike ang biglang tumama sa kanya at iniangat, naipit sya sa mga napakaraming cristal spike dahilan para di sya makagalaw

Ang sakit ay parang kidlat na dumaloy sa kanyang katawan, ngunit ang kanyang proteksyon ay nagbigay-daan upang hindi siya masugatan.

Sa gitna ng kanyang pagkabigla, nagsalita si Salazar, ang kanyang boses ay puno ng paghamak. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng mga Indio na katulad mo!" sigaw niya.

"Hangga't ang España ang nagmamay-ari ng Pilipinas, kami ang tanging masusunod sa lupaing ito! Walang karapatan ang mga basurang Indio na diktahan kung ano ang gusto naming gawin sa bayang ito!"

Galit na galit si Hustisya sa kanyang mga naririnig, ang kanyang mga mata ay nagliliyab habang sumigaw siya, "Walang kwenta ang makipag-usap sa isang demonyo!" Ang kanyang boses ay parang kulog, puno ng poot at determinasyon.

"Isa lang ang paraan para matigil ang pagdanak ng dugo—ang patayin ang puno't dulo ng kasamaang ito!"

Sa isang iglap, sumugod siya kay Salazar, ang kanyang kalaykay na sibat ay nag-aalab ng pulang apoy. Labis itong ikinatuwa ni Salazar, ang kanyang ngiti ay puno ng panunuya. "Gawin mo ang lahat, Hustisya!" hamon niya, ang kanyang mga kristal na halimaw sa kanyang likuran ay nakahanda ng umatake..

"Ipapakita ko sa'yo kung gaano ka kahina laban sa akin!"

Sumabog ang labanan sa pagitan nila, ang kalaykay ni Hustisya ay umiilaw dahil sa enerhiya habang hinampas niya ang mga kristal na spike ni Salazar. Ang bawat pagtama ay nagdudulot ng malakas na pagsabog, na nagpanginig sa lupa at nagpapalipad sa mga bagay sa paligid.

Habang nagaganap ang labanan, dahan-dahang bumaba mula sa kristal na spike si ifugao, ang kanyang katawan ay walang kagalos galos dahil sa kanyang matibay na proteksyon sa kanyang katawan.

Ngunit ang kanyang isip ay gulong-gulo at hindi alam ang gagawin. Alam niya na ang simpleng pakikipag-usap ay hindi na gagana para mapigilan ang labanang ito—parehong determinado sina Salazar at Hustisya na magpatuloy hanggang kamatayan.

"Ano ang dapat kong gawin?" bulong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan. Sa sandaling iyon, isang malakas na hampas ng stick ang tumama sa kanyang ulo, kasabay ng isang boses na nagsabi,

" Hindi ito ang oras para mawalan ng loob, Ifugao!" Napalingon siya at muling nakita si Hiyas, ang kanyang malamig na tingin ay puno ng intensidad.

"Bakit palagi ka na lang sumusulpot bigla?!" tanong ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigo.

Hindi sumagot si Hiyas sa kanyang tanong. Sa halip, kalmado siyang nagsalita. "Kung ilulusob ni Salazar ang kanyang mga kristal na halimaw para ubusin ang mga Pilipino, mas mahihirapan kang iligtas ang Plaridel," sabi niya.

"Kailangan mo nang kumilos ngayon, Ifugao." Alam ni Ifugao na may katotohanan ang sinabi ni Hiyas, ngunit nag-aalala siya.

"Hindi ko kayang labanan ang heneral," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalinlangan. "at isa pa kung sakaling mapatay ko siya, ako nanaman ang magiging kriminal sa mata ng lahat ng tao!"

Ngunit ipinaalala ni Hiyas ang mas malaking panganib. "Kung si Hustisya ang makakapatay sa heneral, mas malaking problema ang darating,"

Ipinaliwanag nya na sa oras na mahigop ni Hustisya ang enerhiya ng isang namatay na sugo, titindi ang kanyang kapangyarihan ng double.

" Sa estado ng isip ngayon ni hustisya, hindi ko nakikitang hihinto ito sa pagpatay sa lahat ng Kastila." Ang mga salita ni Hiyas ay parang kidlat na tumama kay Ifugao. Alam niya na kailangan niyang pigilan si Hustisya, ngunit nag-aalala siya kung paano ito gagawin.

"Mas malakas si Salazar kesa sa akin sa labanan, at puno naman ng enerhiya si Hustisya," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigo.

"Ano naman ang kaya kong gawin para mapigilan sila?"

Napabuntong-hininga si Hiyas, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng diin. "Masyado mong minamaliit ang sarili mo, Ifugao," sabi niya.

"Marami kang kayang gawin, at magtatagumpay ka kung kikilos ka." Ipinaalala niya na hindi siya nag-iisa sa labanang ito.

"Huwag mong kalimutan na hindi lang ikaw ang lumalaban para sa Plaridel."

Naguluhan si Ifugao. "Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.

"May iba pa bang tutulong sa atin?" Ngunit sa halip na sumagot, muling hinampas ni Hiyas ang ulo niya ng stick, na nagpapabilis sa kanyang galaw. " Wag ka ng maraming tanong dyan at kumilos ka na!" sambit ni Hiyas, habang patuloy na hinahampas si Ifugao hanggang sa mapilitan itong tumalon palayo.

Kahit naguguluhan, walang nagawa si Ifugao kundi tumalon palayo at magtungo sa labanan. " Napaka sadista nya para sa isang diwata, mabuti na lang hindi sya ang diwata ko. "

Habang tinitingnan niya ang nag-aalab na sagupaan nina Salazar at Hustisya, sumagi sa isip niya ang trahedya sa Urdaneta.

"Hindi ko hahayaang maulit ang nangyari noon," bulong niya, ang kanyang puso ay puno ng determinasyon.

Sa gitna ng labanan, habang nagsasabayan sina Salazar at Hustisya gamit ang kani kanilang mga sandata, nang biglang humarang si Ifugao sa pagitan nila, ang kanyang dalawang arnis ay nagliliwanag ng asul na enerhiya. Napatigil ang dalawa at nagulat sa muling pagpigil ni Ifugao.

Galit na sumigaw si Hustisya, "Bakit ka na naman nakikialam, Ifugao?!" .

"Kung hindi mo tutulungan ang mga Pilipino sa plaridel, umalis ka na lang!"

"Narito ako para iligtas ang mga Pilipino, tulad mo, Hustisya!" sagot ni Ifugao ng may matapang na tono

"Pero kung balak mong idamay ang mga inosenteng Kastila, handa akong pigilan ka!" Sumigaw si Hustisya, hindi makapaniwala sa narinig.

Bakas sa mukha ni hustisya ang pagkadismaya at pagkalito dahil sa mga sinasabi nito. "Itigil mo ang kabaliwan mo, Ifugao!" sigaw niya.

"Paano mo ipipilit ang kapayapaan sa gitna ng digmaan? May mga nasawi at nawalan ng minamahal dahil sa mga kastila! "

" Kaya mo bang harapin ang mga naulila at sabihin sa kanila na makipagkaibigan sa mga demonyong Kastila na parang walang nangyari?!"

Ipinaalala ni Hustisya ang nararamdamang pagdurusa ng mga Pilipino.

"Hindi ginusto ng mga Pilipino na mamatay o maulila! Ayoko rin sanang may mamatay, pero paano natin mapipigilan ang trahedyang ito kung mananatili ang mga Kastilang gumagawa ng kasamaan laban sa atin?!"

Ang kanyang boses ay puno ng pait. "Hindi mo kailanman mauunawaan ang pinaglalaban namin, Ifugao! Wala na akong pakialam sa mga pananaw mo bilang bayani—isinusumpa ko na igagawad ko ang hustisyang nararapat para sa mga biktima, kahit pa pigilan mo ako!"

Umatake si Hustisya kay Ifugao, ang kanyang kalaykay na sibat ay nag-aalab ng pulang apoy. Mabilis na nasalag ni Ifugao ang atake gamit ang kanyang espada, ngunit ang tindi ng enerhiya ni Hustisya ay nagpabigat sa bawat hampas.

Halos bumakat ang kanyang mga paa sa lupa habang sinasalag niya ang isa sa mga atake ni hustisya. Hindi naman agad na nagpadaig si Ifugao, sinabayan niya ang bawat galaw ni Hustisya.

Nagsimulang umatake ang higanteng kalansay ni Hustisya, ang napakalaking kamao nito mabilis na bumubulusok papunta kay Ifugao, ngunit mabilis itong naiwasan ni Ifugao.

"Nagkakamali ka, Hustisya, kung inaakala mong hindi ko nauunawaan ang pinaglalaban mo!" sigaw ni Ifugao, habang umiiwas sa isa pang atake.

"Pilipino rin ako, at naaawa ako sa mga kababayan natin! Pero hindi tama ang basta na lang pumatay! Kung gaganti ka sa mga Kastila, kahit sa mga inosenteng sibilyan, wala ka nang pinagkaiba sa mga terorista o sa mga Kastilang kinamumuhian mo!"

Hindi tinanggap ni Hustisya ang sinabi ni ifugao at lalo siyang nagalit sa pagbibigay ng saloobin nito at kasabay nun ay isang malaking anino ang lumitaw sa lupa sa ilalim ni Ifugao, at mula rito, isang higanteng braso ng kalansay ang sumulpot para suntokin si Ifugao.

Nasalag ito ng espada ni Ifugao, ngunit sa sobrang lakas ng suntok ay nagawa nitong mapatalsik si Ifugao at tumagos ang kanyang katawan sa pader ng isang gusali.

Ang impact ay nagdulot ng malakas na pagsabog, at ang mga piraso ng pader ng gusali ay nagkalat sa paligid. Habang naglalabas ng napakalakas na awra si Hustisya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab. "Wala kang karapatang pigilan ako, Ifugao!" sigaw niya.

"Mas mabuti pang umalis ka na, dahil kung hindi, papatayin kita!"

Habang naglalaban sina hustisya at Ifugao ay biglang tumawa si Salazar, ang kanyang tawa ay puno ng kasiyahan. "Natutuwa akong makitang nagpapatayan ang mga daga sa harapan ko!" sabi niya, ngunit agad niyang idinagdag,

"Pero gusto ko rin sanang ako ang pumatay sa inyong dalawa!"

Nag-apoy sa galit si Hustisya. "Ikaw ang unang mamamatay, Salazar!" sigaw niya habang muling sumugod, ang kanyang kalaykay ay nag-aalab. Muli namang naglabas ng mga kristal na spike si Salazar sa kanyang kamay para sabayan ang atake ni Hustisya.

Ang kanilang labanan ay nagpatuloy, ang bawat hampas ng kalaykay ay sinasalag ng mga kristal, na nagdudulot ng mga pagsabog sa paligid. Ang higanteng kalansay ni Hustisya ay patuloy rin sa pag atake, hinampas ang mga kristal na halimaw na patuloy na nabubuo kahit mawasak ng paulit ulit.

Sa gitna ng labanan, biglang lumabas sa gusali at sumugod si Ifugao, ang kanyang dalawang arnis ay nagliliwanag ng asul na enerhiya. Mabilis niyang sinalag ang atake ni Hustisya at ang kristal na spike ni Salazar, na nagdulot ng malakas na pagsabog sa pagitan nila.

Galit na sumigaw si Hustisya, "Bakit ka na naman nakikialam, Ifugao?!"

Ngunit kahit na pinagbabawalan ay itinuloy ni Ifugao ang pakikipaglaban. Nakakita ng pagkakataon si Salazar na umatake kay Hustisya, ngunit nagulat sila nang sinalag ito ni Ifugao upang pinoprotektahan ang dalaga.

" Hahahaha ano? Seryoso ka ba sa ginagawa mo? "

Tumawa si Salazar ng malakas, ang kanyang tawa ay puno ng pangungutya. "Gusto mong protektahan si Hustisya, pero gusto ka naman niyang patayin!" sabi niya.

"Narito ako para iligtas si Hustisya at pigilan siyang gumawa ng kasamaan!" sagot ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon.

"Baliw!" sigaw ni Hustisya. "Hindi ko kailangan ng kaligtasan—hustisya para sa mga pilipino ang kailangan ko!"

Sinipa niya si Ifugao, na nagpatalsik sa kanya sa pasubsob sa lupa. Kasunod nito, muling umatake si Hustisya kay Salazar, ang kanyang kalaykay ay umiilaw ng mas matinding apoy. Hindi nagsayang ng oras si Ifugao at mabilis siyang tumayo para sumugod ulit, sinasabayan ang labanan ng dalawa.

Mabilis na sinalag ni Ifugao ang isang kristal na spike ni Salazar na dapat ay tatama kay Hustisya, habang sabay-sabay niyang iniiwasan ang kalaykay ng dalaga na patama sa kanya.

Ang kanyang mga arnis ay muling umiilaw na nagpapakita ng kanyang bilis at husay. "Hustisya, itigil mo na ito!" sigaw niya, ngunit patuloy lang ang dalaga sa pag-atake, ang kanyang galit ay nagpapadilim sa kanyang isip. Ilan saglit pa ang higanteng kalansay ni Hustisya ay sumuntok kay Ifugao, ngunit mabilis siyang tumalon para umiwas sa kamao at kasabay nun ay sinalag nya ang isang kristal na spike na inilabas ni Salazar papunta sa kanya.

Ang impact ay nagdulot ng malakas na pagsabog, at ang lupa ay nag angatan sa lakas ng labanan. "Hindi ko kayo hahayaang magpatuloy!" sigaw ni Ifugao, habang sinasalag niya ang mga atake mula sa dalawang panig.

Ang kanyang katawan ay unti unti na rin napapagod, ngunit ang kanyang determinasyon ay hindi nawawala. Naiinis si Hustisya dahil hindi nya ma atake si salazar dahil sa pag harang ni ifugao, dahil doon ay naglabas ng napakalakas na matinding awra ang dalaga, at ang kanyang kalansay ay nagpalabas ng pulang apoy na tumama sa paligid.

"Tigilan mo na ang kalokohan mo ifugao!"

Isang malaking suntok mula sa kalansay ang tumama kay Ifugao, ngunit mabilis niyang sinalag ito gamit ang kanyang arnis, habang sabay-sabay niyang iniiwasan ang mga kristal na spike ni Salazar.

"Hustisya,kung gusto mo akong tumigil ay ihinto mo muna ang pag atake sa mga kastila!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsusumamo.

Ngunit ang galit ni Hustisya ay hindi natitinag, at patuloy siyang umatake, habang si Salazar ay tumatawa, na parang nasisiyahan sa kaguluhan. " Pinapahanga mo ako bata pero hangang kelan mo kaya ito makakayanan? "

Habang nagaganap ang labanan sa lugar, sa bubong ng city hall, nakatayo sina Apyong, Hiyas, at Jana habang nanonood na tila may inaabangan na mangyari, ang kanilang mga mata ay nakatuon sa nagaganap sa ibaba.

Tinanong ni Jana si Apyong, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "General, okay lang ba na hindi tayo kumikilos? Napakabata pa ni Ifugao para pasanin ang ganitong responsibilidad!" Ngunit ngumiti lamang si Apyong, ang kanyang ekspresyon ay kalmado.

"Hindi natin kailangang kumilos, Jana," sagot niya.

"Una sa lahat, hindi tayo dapat narito sa lugar na ito. Pumunta lang tayo dito dahil gusto kong makita ng personal kung ano ang gagawin ni Ifugao sa mga oras na ito."

Napabuntong-hininga si Jana, ngunit ang kanyang mga mata ay namamangha sa nag-uumapaw na enerhiyang inilalabas ni Ifugao. " Hindi ko kayo maintindihan pero aaminin ko na hindi ako makapaniwala sa taglay na enerhiya ng batang ito," sabi niya.

"Ang enerhiyang taglay niya… parang hindi pangkaraniwan sa isang batang sugo na kagaya nya!"

Biglang sumagot si Hiyas, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng kumpiyansa. "Higit pa dyan ang tinataglay ni Ifugao," sabi niya.

"Ang nakikita natin ngayon ay hindi lamang isang ordinaryong sugo. Ang kapangyarihang iyan ay nagmumula sa mga tao sa Plaridel na naniniwala na kaya niyang iligtas sila mula sa kaguluhang ito."

" Ang nakikita natin ay isang bayani ng Pilipinas." Sambit nya habang pinagmamasdan ang napakalakas na asul na enerhiya na nillabas ng katawan ni ifugao na halos higitan ang nilalabas nila salazar at hustisya.

Wakas ng kabanata.

More Chapters