Kabanata 64: Ang kaguluhan sa bayan ng Cavite
Isang tahimik na gabi sa General Trias, Cavite ang nagbabadyang maging lugar ng kaguluhan. Minuto lang ang lumipas kasabay ng pag kilos ng mga rebelde ay nagbago ang katahimikan ng bayan at biglang nabalot ng mga sigaw, pagsabog, at amoy ng nasusunog na mga gusali.
Ang mga rebelde ng Katipunan, na may mga pulang bandana na nakatali sa kanilang mga braso, ay parang mga anino sa dilim, mabilis at walang awang kung kumilos.
Bawat gusali na kanilang nadadaanan ay nagiging biktima ng kanilang galit—winasawak ang mga pintuan at bintana ng mga unit , at ang mga ari-arian ay hinahayaan na lamunin ng apoy.
Ang mga residente ng lugar na iyon ay pinalabas mula sa kanilang mga tahanan, ang kanilang mga mukha ay puno ng takot at pagkalito habang ang mga rebelde ay maingat na inihihiwalay ang mga Pilipino mula sa mga Kastilang kanilang binibihag.
Naging agresibo ang mga rebelde, at walang makapigil sa kanilang puwersa sa pag sakop sa lugar. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang karahasan, may sistematikong layunin ang kanilang mga kilos. Ang mga Pilipinong kanilang nasagip mula sa mga bahay ay pinalalaya at pinapatakas habang ang mga Kastila ay ginawang bihag,
"Hoy ikaw, bakit ka nandyan? "
" Teka sir, pilipino rin ako at kakilala ko ang iba sa pinalaya nyo. " Sambit ng binatang may kulay asul na buhok.
" Pilipino ka? Eh bakit ganyan ang buhok mo? At mukha kang kastila. " Sambit ng rebelde.
" Teka, hindi naman dahil maputi ako at iba ang buhok ko ay kastila na ako. Kasalanan ko ba na gwapo ako? "
Nagtinginan ang mga rebelde at hindi alam ang gagawin. Lumapit si Emil sa kanila para harapin ang mga ito.
" Tumahimik ka, para patunayan kung pilipino ka ay sagutin mo ito. Kung mayroon kang apat na libo at bumili ka ng pitong mansanas na may presyong limangou bawat isa at labing walong orange na may presyong trenta pesos. Magkano ang isusukli sayo ng tindera. "
Napaisip ang lalaki habang napapakamot ng ulo. " Ah.. Eh... Teka seryoso? Magtatanong kayo saakin ng ganyan sa gitna ng kaguluhan? "
Nagalit sa kanya ang mga rebelde at sinigawan sya. " Sagutin mo na lang, kundi masasaktan ka. ".
Nagbilang sa kamay ang lalaki pero bakas sa mukha nya na hindi nya alam ang sagot.
Dahil doon inaasar sya ni emil at pinuna na hindi ito marunong magbilang.
" Wag mong sabihin sa tanda mong yan hindi ka pa marunong magbilang? " Tanong ni emil.
" Huh? Ano bang sinasabi mo? Ano ang palagay mo saakin bobo? Hindi sa hindi ko kayang sagutin yan pero bakit parang napakamahal naman ng prutas ng tindera? "
" Bakit naman ako bibili ng mansanas sa tindahan na yun eh sobrang mahal nila magpresyo. "
Nagalit ang isangbrebelde sa kanya at umakmang sasaktan ito dahil sa oagiging pilosopo pero pinahinto sya ni emil.
" Tama na yan, pakawalan nyo na sya at paalisin. "
Agad naman sinunod ng ilang rebelde si emil at hinayaan nilang tumakbo ang binatang iyon paalis ng lugar.
" Bakit nyo sya pinakawalan? Mukha namang hindi sya pilipino. " Tanong ng isa sa mga rebelde.
" Tama, likas sa pilipino ang may kulay kayumangi na balat at maliit na pangangatawan pero may mga pilipino na may lahing Kastila, kung nagmula sya sa mayamang kastila ay hindi sya magrereklamo sa presyo ng mansanas. Kaya masasabi kong pilipino ang isang iyon. " Natatawang sambit ni emil.
Sa ibang parte ng syudad ay nagpapatuloy ang pag salakay. Pinapalawak ng mga rebelde ang mga sakop nilang lugar.
Ginagamit din nila ang mga kastila bilang human shield upang pigilan ang mga pulis na mahuli sila. Ang taktika ay epektibo laban sa mga pulis, bagamat armado at sinanay, ay natitigilan sila labanan ang mga rebelde dahil natatakot ang mga ito na makasakit ng mga inosente.
Ang buong bayan ay nahulog sa kontrol ng Katipunan, ang kanilang presensya ay parang isang makapal na ulap ng takot na bumalot sa General Trias. Sa mga pangunahing kalsada patungo sa bayan, ang mga rebelde ay walang habas na sumunog ng mga sasakyan, lumilikha ng mga harang na nagpahirap sa mga karagdagang pwersa ng pulisya mula sa kalapit na mga bayan na makapasok.
Nagsunig din sila ng mga sasakyan oara iaharang sa mga kalye kaya naman kumalat ang usok nito sa paligid.
ang ingay ng mga pagsabog ay umalingawngaw sa buong probinsya.
Sa likod ng kaguluhang ito, pinamunuan ng mga sugo ng diwata ang mga rebelde. Ang kanilang presensya ay nagbigay ng kakaibang bigat sa labanan, dahil ang kanilang mga kakayahan ay hindi maipapantay ng ordinaryong sundalo o pulis.
Ilang sandali pa, dumating sa lugar ang mga sasakyang na may mga sundalo at nagsipag handa. Sa gitna ng kaguluhan, agad na dumatinh para pamunuan ang militar at pigilan na mas lumawak pa ang sakop ng mga rebelde.
Ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. "Nakakagulat, napaka tapang nila para lumusob sa lugar na ito," bulong ni Romeo, ang kanyang boses ay mabigat habang pinagmamasdan ang nagliliyab na paligid.
"Umatake sila sa mismong puso ng Cavite." mabilis naninutis ni Romeo ang mabilis pag kilos ng kanyang mga tauhan, Ang kanilang pagsasanay at koordinasyon ay nagbigay sa kanila ng kalamangan laban sa mga rebelde.
Sa bawat galaw, ang mga sundalo ni Romeo ay nagagawang mahuli ang mga rebelde na nagtangkang tumakas, ang kanilang mga kilos ay mabilis at tumpak.
Ang mga rebelde, bagamat agresibo, ay hindi makaporma sa harap ng organisadong pwersa ni Romeo. Sa bawat atake ng kanyang grupo ay mabilis na nagagapi ang mga rebelde at napipilitan na umalis.
Ngunit sa gitna ng kanilang unti unting tagumpay na mabawasan pwersa ng mga rebelde, isang kakaibang presensya ang bigla nilang naramdaman. Isang makapal na pulang usok ang kumalat sa paligid, nagmumula sa isang madilim na sulok ng bayan.
Ang pulang usok na ito ay hindi ordinaryo—ito ay may kakaibang amoy tila isang metal at mararamdaman mo sa paligid ang enerhiya na nagbibigay ng kaba kay Romeo.
Alam niya agad na ito ang gawa ng isang sugo ng diwata, isang tanda ng pambihirang kapangyarihan.
"Mag-ingat kayo!" sigaw ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa usok.
Ang kanyang mga sundalo ay agad na huminto, ang kanilang mga baril ay nakaamba sa para sa biglaang oag atake ngunit may bahid parin ng kaba sa kanilang mga mukha.
Mula sa makapal na usok, tatlong pigura ang dahan-dahang lumitaw. Si Von, na may matigas na ekspresyon at pulang bandana sa braso, ay humakbang pasulong, kasama si Hulyo, ang sugo ng Pasig, at isang babaeng may makintab na pulang buhok na nagbigay ng pangamba kay Romeo.
Ang kanilang mga aura ay parang mga alon ng enerhiya, nararamdaman nya ang lakas ng mga ito na nagpapatunay na sila rin ay mga sugo ng diwata, katulad niya.
"Ano na naman ang plano ninyo ngayon?" sigaw ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng galit at pagkabigo.
"Hindi ba talaga kayo titigil sa panggugulo sa bansa?"
Napangiti si Von, isang ngiting puno ng determinasyon at pait. "Hindi kami nanggugulo, heneral," sagot niya, ang kanyang tono ay kalmado ngunit may diin. "Binabawi lang namin ang bansang nararapat sa amin."
Sa isang iglap, libu-libong balisong ang nagtipon sa paligid ni Romeo, na parang isang buhay na bagyo ng metal. Ang mga balisong ay agad umatake patungo sa tatlo, ngunit bago pa man tumama, isang portal ang biglang lumitaw sa harapan ni Von.
Demeretso ang mga balisong papasok sa portal at nawala, na parang nilamon ng isang itim na butas.
" Masyado kang mainit, heneral. " Nakangiting sambit ni hulyo. "
Ang kapangyarihan ni Hulyo ay may kakayahang lumikha ng mga portal patungo sa isang malawak na dimensyon. Ang mga portal na ito ang ginagamit ng Katipunan upang makatakas o makalipat sa ibang lugar nang mabilis.
"Napakapambihira ng kapangyarihan mong gumawa ng portal, sayang," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay may halong paghanga ngunit puno ng pait. "Kung ginagamit mo lang ito para sa kabutihan, mas marami kang matutulungan."
Ngumiti lang si hulyo, isang ngiting may bahid ng pag-uyam. "Magamit sa kabutihan? Pasensya na, Heneral, pero magkaiba tayo ng paniniwala tungkol sa salitang iyan."
Pumikit si Romeo, pinipilit nya ang kanyang sarili huminahon upang pakalmahin ang sitwasyon. "Hindi ko nais makipaglaban sa kapwa ko Pilipino," sabi niya ng may sinseridad.
"Ngunit hindi ko rin kayang hayaang magpatuloy ang mga krimen ninyo na sumisira sa kapayapaan ng bansa."
Tinanong niya ang tatlo kung naniniwala ba silang ang mga ginagawa ng Katipunan ay tunay na makakabuti para sa lahat. Ang tanong ay parang isang punyal na tumusok sa katahimikan, hindi iyon nasagot ni Von gayong alam nya ang kalabisan na ginagawa ng kanyang grupo,
Sa halip, nagtanong siya pabalik kay Romeo, ang kanyang mga mata ay puno ng paghamon. "Sabihin mo sa akin, Heneral," sabi ni Von. "Ano ang plano mo para sa mga Pilipinong patuloy na inaabuso ng mga Kastila? Kung tunay kang nagmamalasakit sa bansa, bakit wala kang ginagawa para tulungan ang mga mahihirap?"
Hindi agad nakasagot si romeo. Alam niya ang katotohanan sa likod ng mga nabanggit ni von— batid nya na totoo ang mga daing ng mga inaapi, ang mga pamilyang nawalan ng tahanan at ang mga batang nagugutom sa maraming kalye sa bansa.
"Alam ko ang sinasabi mo," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay mabigat at puno ng emosyon. "Katulad ninyo, nagmamalasakit ako sa ating mga kababayan. Pero hindi nangangahulugan na kailangan kong pumatay o sumira ng mga ari-arian."
Biglang sumigaw si Von at galit na galit. "Hindi sapat ang pagmamalasakit kung wala ka namang ginagawang aksyon!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagniningas.
"Sinubukan na rin naming manahimik, magtiis alang-alang sa sinasabi mong kapayapaan. Pero hanggang kailan kami magtitiis? Sabihin mo, Heneral—magbubulag-bulagan na lang ba kami sa mga nangyayari? Ang pananahimik ba ang tunay na sagot para mabuhay kami ng payapa?"
Ang mga salita ni Von ay lalong dumurog sa puso ni Romeo. Ang mga imahe ng mga nagdurusa ay sumagi sa kanyang isipan—mga batang umiiyak sa gutom, mga inang nawalan ng anak, mga amang walang magawa kundi magtiis.
Ang sakit sa kanyang dibdib ay lalong nagbibigay ng pagduda sa kanyang mga pinaglalaban na kapayapaan sa ilalim ng gobyerno ng espanya.
"Hindi ko alam…" bulong ni Romeo, ang kanyang boses ay halos nawala sa hangin, puno ng pagkadismaya sa kanyang sarili.
"Hindi mo alam?" galit na sagot ni Von sa narinig na sagot mula kay Romeo. "Kalokohan! Alam kong alam mo na hindi na tama ang nangyayari, pero nagbubulag-bulagan ka dahil sa salapi na natatanggap mo bilang aso ng mga Kastila!"
Dahil sa narinig na pang iinsulto laban kay romeo, hindi na nakapagpigil si Abby na hindi sumabat sa usapan. "Hindi totoo 'yan!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng galit habang ipinagtanggol ang kanyang heneral.
Ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa determinasyon. "Wala kang alam sa mga sakripisyo ni heneral Romeo para sa mga Pilipino! Nagsusumikap siya para mailigtas ang ating mga kababayan, araw-araw syang nagsusumikap kahit na alam niyang hindi ito madali!"
"Kung totoo iyan, bakit patuloy na nagdurusa ang mga Pilipino?" hamon ni Von, ang kanyang tono ay puno ng pait. "Bakit hindi ninyo naririnig ang mga daing nila?"
Agad na sumagot si Abby, ang kanyang boses ay puno ng sigasig. "Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo, Von! Walang duda na maraming nagdurusa sa bawat sulok ng bansa, pero hindi ito bagay na madaling masosolusyunan.
Wala kaming sapat na kapangyarihan para magawa ang bagay na iyon sa bansang pinatatakbo ng mga Kastila."
Ipinaliwanag niya na ginagawa ni Romeo ang lahat para pairalin ang batas at panatilihing ligtas ang mga Pilipino, ngunit hindi ito nangangahulugan na kaya niyang pigilan ang bawat Kastilang gumagawa ng mali.
"Kailangan nating tanggapin na sakop ng Espanya ang Pilipinas," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng bigat. "Kung makikipagdigma tayo sa kanila, maaari nilang ipapatay ang lahat ng Pilipino sa isang iglap."
Ngunit hindi tinanggap ni Von ang paliwanag ni abby. Sa halip, itinuring niya itong kaduwagan. "Kung tanggap ninyo na magiging alipin na lang ang mga Pilipino ng mga Kastila, pwes, ako hindi!" sigaw niya, ang kanyang boses ay umalingawngaw sa paligid.
"Tama si Martin—kailangan ng bansang ito ng kalayaan para makamit ang tunay na kapayapaan!"
Napahiyaw si Romeo, ang kanyang galit ay sumabog. "Mga hangal!" sigaw niya, ang kanyang boses ay parang kulog na yumanig sa paligid.
"Hindi ninyo alam kung ano ang hinihiling ninyong mangyari! Nais ninyo bang dumanak ang dugo sa bansa? Kung maniniwala kayo kay Martin, na isang berdugong handang gumamit ng mga tao para sa kanyang sariling layunin, para na rin kayong pumayag na mamatay ang mga kababayan natin sa digmaang hindi nila pinili!"
Hindi naman nagdalawang-isip si Von na sagutin si Romeo at patuloy na pinanindigan ang pag kampi kay martin. "Kahit na berdugo si Martin, siya lang ang maaasahan namin at makakapag bigay ng bagay na gusto namin!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay puno ng desperasyon at determinasyon.
"Sabihin mo, Heneral, kung maniniwala ba kami sa'yo, kaya mo bang wakasan ang paghihirap ng lahat sa bansang ito?"
Hindi nakasagot si Romeo sa tanong ni Von. Bumalot sa paligid ang katahimikan at mababakas sa mukha ni romeo oagkadismaya sa sariling nyang kahinaan lalo na wala syang kayang tuparin sa mga ipinangako sa mga ito.
Yumuko siya, ang kanyang mga mata ay puno ng galit at pagkadismaya sa kanyang sarili. Ang mga sinasabi ni Von ay parang punyal na tumusok sa kanyang prinsipyo, at alam nya na wala siyang maisasagot sa tanong nito.
"Wala kang kakayahan, Heneral," sabi ni Von habang ang kanyang boses ay malamig . " siguro nga na mabuti ang hangarin mo para sa iba, at sinusubukan kitang unawain. Gusto ko rin ang mapayapang bayan kagaya mo, pero kung hindi namin ito gagawin, sino ang tutulong sa mga kababayan natin?"
Biglang lumitaw ang makapal na pulang usok sa paligid, habang ang pulang aura ni Von ay kumalat na parang apoy.
Nanahimik siya sandali na tila nag iisip, bumuntong-hininga bago magsalita muli. "Gawin mo ang tungkulin mo, Heneral. Pero kung nais mo kaming pigilan sa aming rebolusyon, kailangan mo kaming labanan—hanggang kamatayan."
Mula sa usok, lumitaw ang mga kasamahan ni Von, at unti-unting nababalot ang mga ito ng pulang usok na nagbigay ng panibagong anyo sa ibang taong naroon., naging mga maskuladong golem ang mga rebelde dahil sa kapangyarihan nya.
Ang mga golem na ito ay parang mga higanteng nilalang, na may katawang gawa sa usok pero kasing tigas ng bato. Ang kanilang mga mata ay nagniningas ng pulang liwanag, at ang kanilang presensya ay nagbigay ng kaba sa lahat ng sundalo ni Romeo.
Nagulat rin si Romeo sa nakitang pagpapalit anyo ng mga rebelde, ngunit mabilis niyang inihanda ang kanyang mga tauhan.
"Maghanda kayo!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.
Ngunit bago pa man sila makakilos, isa-isa silang nahulog sa mga butas na biglang lumitaw sa lupang tinatapakan nila—mga portal na nilikha ni Hulyo.
Kabilang sina abby at peter sa mga nahulog. sinubukan pa ni Romeo na abutin si Abby ngunit nagsara na ang portal bago niya ito maabot.
"Hindi! Mga kasama!" sigaw ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala at galit. Sa paglingon niya, isang napakalaking kamao ng golem ang sumalubong, na nagpatalsik sa kanya palayo.
Ang impact ay nagdulot ng malaking pagyanig ng lupa sa pagtama nya sa pader ay agad syang bumagsak sa lupa, ang kanyang katawan ay nakaramdam ng sakit ngunit agad syang bumangon.
Nagawang makatayo ni Romeo, ngunit tatlong pulang golem ang mabilis na sumalubong sa kanyang harapan at umatake. Ang mga balisong naman niya ay agad na kumilos, bumuo ng isang proteksyon sa paligid niya upang salagin ang mga atake ng golem.
"Anong ginawa mo sa mga kasama ko?" galit nyang sambit.
Ngumiti lang si Von "Huwag kang mag-alala," sagot niya, ang kanyang tono ay may bahid ng kumpiyansa. "Marahil nga mga rebelde kami, pero pili lang ang aming pinapatay. Kung magpapakabait ang mga tauhan mo sa loob ng dimensyon ni Hulyo, tiyak na hindi sila mamamatay."
Muling lumusob ang mga golem, ang bawat suntok ng mga ito ay may lakas na kayang wasakin ang mga bato. kahanga-hanga rin ang kanilang bilis kahit na malalaki ang mga katawan ng mga ito ngunit para kay Romeo, ang mga atake ng mga ito ay parang padalos-dalos.
"Halos desperado lang silang tamaan ako,, wala silang alam sa pakikioaglaban. " bulong niya sa sarili, ang kanyang mga mata ay nakatutok sa bawat galaw ng mga golem.
"Bale-wala sa akin ang ganitong labanan."
Nagsimula syang umatake at bawat suntok at sipa ay napapa higa ang mga golem. Isa-isa niyang pinatumba ang mga golem gamit ang kanyang mga balisong.
Malaki ang nagagawa nyang pinsala sa bawat pag-atake niya sa mga golem dahil na rin napakadaling tamaam ng mga ito ng kanyang mga sandata. Ang mga balisong ay parang isang buhawi ng metal, na bumabaon sa katawan ng mga golem.
Pagkatapos paulanan ng mga balisong at matumba ay naglalaho ang pulang usok na tila tinatangay ng hangin.
Habang bumabagsak ang mga golem, napansin ni Romeo na bumabalik ang mga ito sa kanilang orihinal na anyo bilang mga rebelde.
"Nagsanay ako at nag-aral ng pakikipaglaban sa Espanya ng higit isang taon," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
"Mamamatay lang sila kung ipapaharap mo sila sa akin."
Itinaas niya ang kanyang kamay na tila naghihintay na harapin siya ni von.
"Wala akong personal na galit sa'yo, Von," sabi niya. "Pero hahayaan ko kayong subukan kung kaya ninyong labanan ang mga Kastila. Si Viceroy Magellan, ay isa sa mga espada ng Espanya na pinadala sa Pilipinas, "
Nagbuntong hininga si romeo. " . Nakakahiya mang aminin pero tatlong beses na mas malakas sya kaysa sa akin. Gusto kong patunayan mo sa akin ngayon kung kaya ninyong talunin ang Espanya."
Nabalot ng asul na aura si Romeo, at sa isang iglap, lumusob siya patungo kay Von.
Hindi naman nagpatinag si von at sinalubong niya ang pag atake ni Romeo.
"Yahh!! "
Ang banggaan ng kanilang mga kamao ay lumikha ng malakas na pwersa na naramdaman sa paligid, na parang isang pagsabog ng bomba na nagpayanig sa lupa.
Ang mga balisong ni Romeo ay muling umatake kay von, ngunit sinalag ito ng isang malaking braso ng golem na nilikha ni Von mula sa pulang usok. Nagawang makagawa ni Von ng mga golem gamit ang kanyang usok, ngunit hindi ito ikinabahala ni Romeo.
Sa halip, naglabas siya ng napakalaking pabo na gawa sa libu-libong balisong sa kanyang itaas na nababalot ng asul na enerhiya. Ang metal na pabo ay parang isang higanteng nilalang, na nagpaulan ng mga matutulis na balisong patungo kay Von.
Alam ni Von na hindi kakayanin ng kanyang golem ang mga balisong, kaya't mula sa usok, naglaho siya na tila naging bahagi ng makapal na pulang ulap.
" May kakayahan syang sumanib sa pulang usok, mukhang hindi sya madaling mahuli. " Bulong ni Romeo sa isip. "
Kahit hindi makita ni Romeo ang kalaban nya , naramdaman niya ang presensya nito sa paligid. Humanga siya sa kakayahan ni Von na gawing teritoryo ang buong lugar, na halos mabalot ng usok ang higit isang daang metro ang lawak, gamit ang pulang usok.
Alam niya na kung magpapatuloy ito, imposible para sa mga sasakyan at sundalo na makapagbigay ng tulong. Napansin ni Romeo na nawawala ang mga rebelde sa paligid, malamang inililipat ni Von sa ibang lugar gamit ang usok.
Habang nag-iisip, isang malaking kamay ang biglang nabuo mula sa usok at dinakma siya, hinila siya palabas sa loob ng kanyang pabo.
Hindi siya makawala sa higpit ng pagkakahawak ng higanteng kamay na iyon, at tuluyang inihampas siya sa isang gusali. Ang pwersa ng pagtama nya sa pader ay nagdulot ng malakas na ingay, tumagos sya sa pader at dumausdos sa sahig sa loob ng gusali, ang kanyang katawan ay nakaramdam ng sakit dahil narin sa lakas ng pag atake sa kanya.
"Pabor sa kanya ang laban sa ganitong lugar," bulong ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala ngunit mmay determinasyon.
Pagkatapos makabangon, sumalubong agad ang isang kamao ni Von at tumama sa kanyang mukha. Bahagyang napaatras naman si Romeo dahil sa pag tanggap ng suntok ngunit agad siyang sumipa bilang ganti.
Nasalag ni Von ang kanyang paa at hinila siya patungo sa pader, ngunit bago siya tumama, lumitaw ang mga balisong at bumuo ng proteksyon.
Binitiwan ni Von si Romeo at muling naglaho sa usok. Sa pagkakataong ito, ang pulang usok ay pumalibot sa buong silid, na parang isang makapal na ulap. Ilang sandali pa, lumitaw si Von sa itaas ni Romeo at tinangkang sipain ang heneral, ngunit nasalag ito ng braso ni Romeo.
Patuloy na naglaho at lumilitaw si Von sa iba't ibang bahagi ng silid, umaatake mula sa iba't ibang direksyon.
" Perpekto ang kakayahan nya para umatake sya sa ibat ibang dereksyon. " Bulong ni Romeo sa isip.
Gayunpaman, napansin ni Von na nasasalag ng kalaban nya ang bawat atake kahit na perpekto nyang nagagawa ang kanyang teknik sa pakikioaglaban. Nagsisimula na ring mangamba si Von, dahil napansin niyang mabilis na nauubos ang kanyang enerhiya sa paggamit ng teknik na ito.
"Ngayon lang nabale wala ang teknik na ito sa kalaban ko, nasasalag nya ang atake ko na para bang alam nya kung saan ako lalabas., kung magpapatuloy ito, mauubusan lang ako ng enerhiya," bulong ni Von sa kanyang sarili.
Sinubukan niyang lumabas sa harapan ni Romeo at dakmain siya sa leeg, ngunit bago pa man niya mahawakan, nagawang madakma ni Romeo ang kanyang braso.
"Napigilan niya ang atake ko nang ganoon kadali?" bulong ni Von habang gulat na gulat.
Tumalon si Von palayo, ngunit hindi siya binigyan ni Romeo ng pagkakataon na muling maglaho sa usok. Agad niyang hinarangan ang daan patungo sa usok gamit ang pag buo sa isang pader ng balisong.
Alam ni Von na limitado ang kanyang kakayahan—kailangan niya ng makapal na usok para makapasok dito. Dahil sa paghadlang ni Romeo, napilitan siyang maglabas ng bagong usok mula sa kanyang katawan.
Ngunit bago pa man siya makakilos, sumalubong ang kamay ni Romeo at agad na dinakma ang kanyang leeg, para ihampas siya sa pader ng mga balisong.
"Akala mo ba magiging madali lang para sayo na labanan ako?" sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa at galit.
Naglabas siya ng napakalakas na aura, na nagpasindak kay Von. Ang mga mata ni Romeo ay nagniningning dulot ng asul na awra na parang nag-aapoy na enerhiya.
Pagkatapos nun ay libu-libong balisong ang lumitaw sa paligid nila, umikot sa paligid na parang bagyo na winawasak ang loob ng gusali.
Ang ingay ng mga balisong habang humahampas ito sa mga pader ay parang isang orkestra ng pagkasira, at makikita sa bawat paggalaw ng mga ito ang lakas nito.
Ilang sandali pa, isang malakas na pagsabog ang naganap sa loob ng gusali at isang kumpol ng pulang usok ang lumabas mula sa gusali.
"Asar!" bulong ni Von, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigo. Nagawa nyang makalabas sa gusali pero puno sya ng sugat sa katawan, alam nyang nanganganib syang matalo sa laban na iyon.
"Hindi ko inaasahan na kaya niya akong sugatan gamit ang mga balisong." Alam ni Von na hindi siya madaling masaktan, kahit ng mga bala ng baril ng mga pulis, dahil rin sa tinataglay nyang enerhiya sa kanyang katawan. Ngunit ang mga balisong ni Romeo ay nagmula rin sa kapangyarihan ng diwata kaya naman nababasag nito ang kanyang proteksyon sa katawan.
Habang nakatayo sa kalye, pinagmasdan niya ang kanyang duguan na katawan, puno ng mga hiwa.
" Wala akong sapat na oras para pagalimgin ang sarili ko. " Bulong nya sa isip.
Bagamat napigilan ng kanyang enerhiya ang pagdurugo, natatakot siya na maubos agad ang lakas nya bago nya pa matalo ang kalaban. " Kailangan ko syang matalo bago maubos ang enerhiya ko sa katawan. "
Muli niyang naramdaman ang matinding aura mula sa gusali, at mula sa loob nito, nakita nya naglalakad palabas si Romeo, nababalot ng asul na enerhiya.
"Anong problema?" tanong ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng hamon. "Mukhang hindi mo napaghandaan ang atakeng iyon. Mali—wala kang alam na paraan para labanan iyon, dahil wala kayong sapat na kaalaman sa tamang paggamit ng inyong kapangyarihan mula pa noon."
Nagtipon ang libu-libong balisong sa paligid, bumuo ito ng isang napakalaking kabalyero na may hawak na espada na pitong metro ang taas. Ang kabalyero gawa sa balisong ay agad na umamba kay Von, nakahanda na sa pag atake.
"Umaasa lang kayo sa inyong mga kapangyarihan, pero hindi ninyo kayang kontrolin ang chakra sa inyong katawan," sabi ni Romeo.
"Paano ninyo matatalo ang mga Kastila gamit ang kakarampot ninyong kaalaman sa pakikipaglaban?" Ibinagsak ng kabalyero ang espada patungo kay Von,
Tumama ito at lumikha ng malakas na pagsabog na nagpayanig sa paligid. Agad na kumalat ang usok at alikabok, at ang tunog ng pagsabog ay umalingawngaw sa buong General Trias.
--- Samantala, sa loob ng dimensyon ni Hulyo, habang nakakulong sina Abby at Peter, bakas sa kanikang mga mukha ang pagkagulat sa kanilang nakikita sa loob.
Ang demensyon ay tila isang walang katapusang kadiliman at ang tanging nagbibigay liwanag sa lugar ay ang mga nagliliwanag na cristal na tila bituwin.
Nakatayo sila sa harapan ng isang napakalaking halimaw, ang mas pinalakas na Ursarion na nababalot ng nag uumapaw na enerhiya— ito ay ibang-iba sa dating anyo nito.
May taas itong labingwalong metro at lapad na sampung metro, na may mga galamay na parang mga ahas na kumikilos at gumagalaw.
Ang mga galamay nito ay kumukuha ng mga Kastilang nakahandusay sa lapag at deretso sa bibig ng halimaw para kainin ang mga ito, na parang mga laruan lamang.
Ang bawat galaw ng halimaw ay nagdudulot ng takot, at ang mga sigaw ng mga bihag ay umalingawngaw sa madilim na dimensyon. Ang mga Kastilang nakahandusay ay ang mga bagong bihag ng Katipunan mula sa Cavite.
Nakatayo sina Emil at Hulyo sa harapan ng dalawa habang ipinaliwanag ang mga nangyayari sa paligid nila. "Nakikita ninyo ba ang sandata na magpapalaya sa Pilipinas?" sabi ni Hulyo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
"Ito ang natitirang pag-asa natin laban sa mga Kastila."
Galit naman na sumagot si Peter habang nag papalabas ng awra, "Anong kalokohan ito?" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagniningas sa galit.
Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang nakayukom, handa na sanang umatake, ngunit pinigil siya ng kanyang sariling pag-iingat. Pinakiusapan naman siya ni Hulyo na huminahon, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may awtoridad.
"Hindi mo kailangang maging marahas," sabi niya. "Nasa loob tayo ng aking dimensyon. May sampung libong tulog na tao ang narito, at hindi magiging maganda kung mamamatay sila dahil sa labanan natin."
Nakita nya na hindi parin kumbinsido si peter sa sinabi nya kaya naman bahagya nyang itinaas ang kamay nya na tila ba sumusuko.
Nagbuntong hininga sya at inamin kay peter na ang kapangyarihan nya ay hindi bagay para sa pakikipag laban at alam nya na hindi sya mananalo sa isang sundalo na bihasa sa pakiki pag laban.
Idinagdag niya na kung sakaling mapapatay siya ni Peter, isang mas malaking problema ang kakaharapin ng lahat, dahil ang Ursarion ay lilitaw sa gitna ng Cavite, na magdudulot ng mas malaking kaguluhan.
"Kung sakaling mapatay mo ako, ang halimaw na ito ang magpapakawala ng lagim sa labas," sabi ni Hulyo, ang kanyang mga mata ay puno ng babala.
Tinanong ni Abby kung ano ang tunay na plano ng Katipunan. "Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan ninyong idamay ang mga inosenteng tao," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala at kalituhan.
Agad syang tumingin sa Ursarion, at ang bawat galaw nito ay nagdudulot ng matinding takot. Sumagot si hulyo na may kalmadong tono.
"Kung ipapangako ninyo na hindi kayo gagawa ng marahas na aksyon, sasabihin ko sa inyo," sabi niya.
Ipinaliwanag niya na ang Katipunan ay isang alyansa na nabuo upang tulungan ang mga bayan na panatilihin ang katahimikan ng mga tao.
"Naniniwala pa rin kami na hindi kami kaaway ng kahit sinong mga sugo ng diwata tulad ninyo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad.
"Sumunod sa batas at mamuhay nang payapa?" sabi nya , "Payag kami sa ideyang iyan. Masayang isipin na makakabalik kami bilang normal na mamamayan. Pero hangga't narito ang mga Kastila, ilusyon na lang iyon. Hindi ninyo kami mapapaki usapan na manatiling bulag sa kalupitan ng mga Kastila."
Humakbang si hulyo at tumingin sa Ursarion. "Hindi namin gusto ang ideya ng pagsasakripisyo ng buhay, isa yung krimen sa mata ng tao at sa diyos," sabi niya, ang kanyang boses ay mabigat. "Pero wala kaming choice kundi sundin si Martin. Alam natin na gusto rin ninyo na lumaya ang Pilipinas, pero natatakot kayo na mabigo sa laban at mapuksa ang mga Pilipino."
Inamin ni hulyo na nauunawaan nila ang takot na makagawa ng pagkakamali. "Hindi kami mangangahas na sumugal dahil lang sa galit," sabi niya. "Ngunit pinatunayan ni Martin na may kakayahan siyang magtagumpay at gawin ang mga bagay na hindi natin kaya."
Itinuro niya ang Ursarion, ang kanyang mga mata ay puno ng kakaibang determinasyon. "Ang kapangyarihan ni Martin ang syang lumikha sa halimaw na ito. Kinakain nito ang mga nilalang at ginagawang power source. Sa ngayon, limampung libong tao na ang nasa loob nito, at nadadagdagan ito bawat oras."
Ibinunyag niya sa dalawa ang balak ni Martin na pakainin ang Ursarion ng isang daang libong Kastila bago ito iharap sa laban.
Nagulat sina Abby at Peter, ang kanilang mga mukha ay puno ng gulat at galit. "Isang daang libo?" sambit ni Peter, ang kanyang boses ay puno ng galit. "Nasisiraan na kayo! Magsasakripisyo kayo ng ganoong karaming buhay para sa plano ninyo?"
Napangiti si Emil, isang ngiting puno ng pait. "Kababaliwan nga ito at hindi makataong bagay, wala itong kasing sama," sabi niya. "Ngunit sa limang daang taon ng pananakop ng mga Kastila, sigurado akong higit ilang milyong pilipino na ang namatay sa kanilang pang-aabuso at hindi makataong pagtrato saatin. Ano ang isang daang libong Kastila kumpara sa milyon-milyong Pilipino pinatay at papatayin pa nila sa hinaharap?"
Pinagmamasdan nina Abby ang Ursarion, ang mga galamay nito ay puno ng mga bahagi ng katawan ng mga tao na binihag ng katipunan. Alam nila na mali ang kanilang nakikita, ngunit wala silang magawa kundi manood habang patuloy na kumakain ang halimaw.
Ang bawat galaw nito ay nagdudulot ng kaba at takot sa kanila ngunit ang kanilang mga puso ay puno rin ng pagkadismaya sa kanilang sariling kawalan ng kakahayan matulungan ang mga ito.
--- Samantala, sa labas ng dimensyon, napansin ni Romeo na hindi na gumagamit si Von ng pulang usok upang makatakas. Hingal na hingal na ito, at alam ni Romeo na tinitipid na nito ang kanyang enerhiya.
"Malaki ang kinukuhang enerhiya ng pulang usok mo bilang sandata, tama?" sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.
"Kung ganoon, wala ka nang ibang magagawa kundi gumamit ng pisikal na lakas."
Naglabas siya ng matinding aura habang pinatunog ang kanyang mga daliri. "Masyado kang umaasa sa iyong kapangyarihan, Von," sabi niya.
"Sampung minuto lang ang kaya mong itagal sa laban. Kumpara sa mga heneral ng Espanya na sinanay na makipaglaban ng higit isang oras."
" Subukan natin kung kaya mong labanan ako gamit ang kamao. " Hinamon niya si Von na makipaglaban gamit ang kamao, upang patunayan ang kanyang kakayahan.
" Wag mo akong minamaliit! " Nagalit si Von sa natanggap na pang iinsulto at sa isang iglap, lumusob siya, naglabas ng matinding enerhiya at sumuntok nang buong lakas. Sinalubong lang ito ni Romeo, ang bawat suntok at sipa nito ay matapang nyang sinabayan niya parang nakikipag sayaw sa labanan.
Bagamat natatamaan si Romeo ng ilan sa pinakakawalan na suntok ni Von, hindi na ito gaanong iniinda ng heneral dahil mahina na ang mga atake ng kanyang kalaban. Bumabagal na rin ang kilos ni Von, at hindi na niya kayang salagin ang mga atake ni Romeo.
Ikang minuto lang ang lumipas ay makikita na pagod na pagod na ang katawan ni Von at halos hindi na makaatake ng mabilis.
Dahil sa nakikitang pang hihina ng kanyang kalaban ay apabuntong-hininga na lang si Romeo. "Hindi ko gustong pumatay ng mas mahina sa akin," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng awa. "Sumuko ka na, Von. Makipagtulungan ka sa akin, at mamuhay nang payapa."
"Sumuko?" sagot ni Von, ang kanyang boses ay puno ng pagtutol habang dumudura ng dugo. "Wala akong balak sumuko. May pangarap pa akong dapat maabot. "
" Pangarap? Kaya mo pa iyon makuha kung makikipagtulungan ka, hindi pa huli ang lahat para sayo. Itigil mo ang pakikibahagi sa mga rebelde at tutulungan.."
Bago pa matapos si romeo sa pagsasalita ay bigla na syang sinigawan ni Von " Tumagil ka! sinusubukan mo ba akong suhulan at alokin maging honorary Spaniard? Hindi ako magiging tuta ng mga espansya katulad mo. " Sigaw ni Von.
" Gusto kong bigyan ng maayos na buhay ang pinakamamahal ko. Gusto ko siyang makasama araw-araw hanggang sa pagtanda, sa isang bansang malaya mula sa panganib at mangyayari lang iyon kapag nawala na ang mga kastila dito sa pilipinas."
" Alam ko na hindi mo ako maiintindihan, pero gagawin ko ang lahat para matupad iyon!"
Naglabas siya ng pulang aura na bumalot sa kanyang katawan, at tinangkang umatake muli.
Alam ni Romeo na sinasagad na ni Von ang kanyang enerhiya, humahanga ito sa pinapakitang katatagan ng kalaban nya at nanghihinayang. Gayunpaman kailngan nyang mapigilan ang kaguluhan kahit pa ang ibigsabihin nito ay ang pagpatay sa mga kapwa Pilipino.
Ngunit bago pa man siya makakilos ang dalawa para muling umatake ay isang portal ang lumitaw sa kanilang gilid, dahilan para mapahinto sila sa pag lusob.
Lumabas doon si Hulyo, kasama sina Abby at Peter. "Pasensya na kung puputulin ko ang labanan ninyo, pero wala na kaming oras," sabi ni Hulyo, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may diin.
" Tapos na ang trabaho namin, wag kayong mag aalala aalis na kami. "
Muling pumasok si Hulyo sa portal at lumitaw sa likod ni Von para hinila ito papasok sa loob.
"Pakakawalan ko mamaya ang ilan sa mga tauhan mo, Heneral," sabi ni Hulyo. "Kaya sana hayaan mo rin kaming umalis dito." Itinulak niya si Von sa portal at magiliw na nagpaalam kay Romeo.
" Akala mo ba hahayaan ko kayong basta makatakas. " Sambit ni romeo habang napapalibutan ng mga balisong na handa ng umatake.
Gayunpaman agad syang binalaan ni hulyo na isipin mabuti ang gagawing pag atake sa kanya.
" Kung ako sayo hindi ko itutuloy yan, Ang mga kasamahan mo na ang magpapaliwanag sayo ng aming mga pinag usapan sa loob, malaking pabor ang ibinigay kong impormasyon para sainyo kaya paki usap, hayaan mo na lang kami sa ngayon na makatakas. "
Tumingin si Romeo kanila abby na ngayon ay tahimik na nakayuko at puno ng pagkadismaya. Walang ideya si Romeo sa sinasabi ni hulyo pero alam nya rin na mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng mga kapatid nya.
"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, magiting na Heneral. Papalapit na ang malaking laban, at inaasahan kong gagawin mo ang nararapat para sa bansa." serysosong sambit ni hulyo.
Walang nagawa si Romeo kundi panoorin ang pagsara ng portal. Hindi na sya nagtangka pang umatake at imbis na pigilan ay agad syang lumapit kanila abby para tulungan ang mga ito.
Agad naman na humingi ng tawad sina Abby at Peter sa kanilang heneral dahil sa hindi sila nakatulong sa laban, ang kanilang mga mukha ay puno ng pagkadismaya at pagkabigo. Hindi nila napigilan ang Katipunan sa binabalak nito sa cavite at sa muling pagkakataon, nagtagumpay ang mga rebelde na makatakas at makakuha ng mga bihag.
" Wag kayong mag alala nauunawaan ko, ang mahalaga ay ligtas parin kayong nakabalik, kumilos na kayo at sumama sa rescue team para tulungan ang mga tao. " Seryosong sambit ni Romeo.
Nagpatuloy ang abalang gabi sa cavite, at mababakas ang matinding labanan sa maraming lugar habang ang mga alalahanin ni Romeo dulot ng walang katapusang labanan ay nananatili sa kanyang isipan.
Dulo ng Kabanata
