Cherreads

Chapter 139 - chapter 70 (TAGALOG)

Chapter 70 " Ang gobernador-heneral ng Pampanga "

Kinagabihan pagkatapos ng mahabang araw, dahil sa pagtulong sa pag-aayos sa base militar ng Cavite—pagbubuhat ng mga sirang piraso, pagtulong sa mga nasugatan, at pag-organisa ng mga sundalo—

Umuwi sya bakas ang sobrang pagod. Mag-isa lang siya sa kanyang condo nya sa kawit, at dahil wala syang makausap na kahit sino ay nakadama siya ng kalungkotan na bumabagabag sa kanyang isip.

Pinagmasdan niya ang tahimik na paligid at sinilip ang kwarto na tila ba may inaasahan na makita, nagbabalik sa kanyanh alaala si Adelina habang magiliw syang pinag hahanda at kinakausap sa loob ng bahay.

 Napabuntong-hininga siya at umupo na lang sa sofa, ang kanyang katawan ay pagod na pagod. " Bakit ba namimiss ko kaagad sya? Masyado na akong na aattach sa kanya. "

Dahil hindi sya mapakali ay naisipan niyang tumawag sa cellphone pero walang sumasagot dito. Halos paulit-ulit siyang tumawag at naghintay na may sumagot. 

Labing-limang minuto ang lumipas ay sumagot sa kabilang linya si Adelina. Agad na napaupo sa pagkakahiga si Romeo ng masagot ito ng dalaga, ang kanyang mukha ay napuno ng ngiti.

"Mabuti naman at sinagot mo na, napakatagal mong sumagot. Sinasadya mo ba na pag-antayin ako?" tanong niya, ang kanyang tono ay may biro ngunit may bahid ng pag-aalala.

Bigla naman nagulat si Adelina sa pangbibintang ng binata at nagdahilan na nasa kwarto ang cellphone niya kaya hindi niya narinig na may tumatawag, ang kanyang boses ay defensive.

Hindi naman pinaniwalaan ni Romeo ang sinabi nito at sinabi sa dalaga na tila nananadya itong iwasan ang binata at pag-antayin dahil lang alam nitong mag-aantay siya. 

"A-ano bang sinasabi mo? Bakit ko naman gagawin iyon? Alam mo nawe-weirduhan na ako sayo. " sagot niya, ang kanyang pisngi ay namumula sa hiya.

Agad siyang nagpaliwanag na wala naman siyang inaasahang tawag ngayong gabi at ipinaalala na madalas na ang binata ang hindi sumasagot sa tawag.

 "Kapag ako ang pinag-aantay mo ng pagsagot sa telepono ay parang ok lang pero kapag ikaw ang nag-aantay saakin ay nagagalit ka kaagad?" Galit na sambit ni Adelina, ang kanyang tono ay may inis ngunit may lambing.

Humingi naman ng tawad si Romeo at sinubukan na kumalma habang nagpapaliwanag na hindi lang siya sanay na nag-aantay. Napagtanto niya na hindi dapat siya nagagalit pero agad syang humihiling ng oras para tawagan ito kada gabi.

 "Mula ngayon gusto ko na sasagot ka kapag tumatawag ako at wag mo naman akong pag-antayin."

"Aba, kung makapag-utos ka ngayon ay para kang amo ko. Teka bakit ka ba napatawag, may nangyari bang masama?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.

"Hm.. Wala lang, malungkot lang ako," sagot ni Romeo, ang kanyang tono ay malungkot at pagod.

Nagulat si Adelina sa sagot nito at nairita kung bakit naman ito tatawag sa kanya kung wala itong importanteng sasabihin pero may bahid ng pag-aalala sa kanyang isip.

" Wag mong isipin na naiinip lang ako kaya ako napatawag sayo, sabi ng doktor ko na mahalaga parin na may makausap akong kaibigan kapag naguguluhan ang isip ko. " 

Agad naman sinabi ni Romeo na importante sa kagaya niya na mabawasan ang stress dahil komplikado ang trabaho niya bilang sundalo at dapat lang tulungan siya ni Adelina na maibsan ang kalungkutan niya bilang kaibigan nito. 

Ipinaalala niya na ang dalaga mismo ang nagsabi nitong nakaraan na kailangan ni Romeo ng masasabihan ng problema para gumaan ang loob nito, inaasahan ni Romeo na bilang kaibigan ni Adelina ay handa itong tumulong sa kanya.

Napabuntong-hininga ang dalaga at sinabi na wala naman siyang problema sa ideya na makakatulong siya sa binata at tinanong kung ano ba ang gusto niyang gawin oara dito. " Syempre naman, gusto kong makatulong hanggat kaya ko, ano bang gusto mo? " 

 "Hm.. Una sa lahat gusto ko na ang bungad mo sa akin tuwing mag-uusap tayo ay itanong mo muna sa akin kung ok lang ako at kung ayos lang ang araw ko." Sambit ni romeo. 

"A-an-ano? Bakit ko naman gagawin yun? Nagpapatawa ka ba?" sagot ni adelina, ang kanyang mukha ay namumula sa hiya.

Sinabihan siya ni Romeo na masarap sa pakiramdam kung ang unang maririnig niya sa taong mahal niya ay ang pag-aalala nito sa kanya.

 Agad na nanamula ang dalaga sa narinig niya at sumisigaw habang pinapatigil si Romeo na magbangit ng mga weird na bagay." A-an-ano? Tigilan mo nga ang pagsasalita ng mga nakakahiyang mga bagay. " 

Gayunpaman sinabi ng binata na seryoso siya sa sinasabi niya at tinanong ang dalaga na kung bakit hanggang ngayon ay naiilang pa rin siya na marinig na may gusto siya dito gayung matagal niya ng inaamin ito. 

Nagbiro ang binata at nabanggit na sa mga pinapanood niyang mga palabas ay madalas ay kailangan magkamustahan ang dalawang tao at ikwento ang mga nangyari sa araw nila at para na rin lumalim ang kanilang samahan.

" Mas ok sana kung kagaya ng mga bidang babae sa palabas ay maging malambing ka saakin. " 

Gusto niya na pilitin ng dalaga maging malambing kagaya ng mga babae sa mga palabas para mas maganda ang simula ng kanilang pakikipagkwentuhan sa isa't isa. Inamin naman ng binata na hindi niya alam kung paano maging malambing na tao sa iba pero susubukan niya rin ang lahat ng makakaya niya para maging patas para kay Adelina.

Kinilabutan naman si adelina at natataranta dahil sa hiya, hindi nya alam kung ano ang dapat sabihin sa binata para pahintuin ito sa kalokohan. 

"T-tu-tumigil ka nga sa mga sinasabi mo. Hindi pa tayo magkasintahan para gawin natin ang sinasabi mo," sagot niya, ang kanyang boses ay nanginginig sa hiya.

"Ang alam ng lahat ay magkasintahan tayo at sa totoo lang ikaw na lang ang hindi pa nakakaalam na tunay na tayong magkasintahan," sagot ni Romeo, ang kanyang tono ay may biro ngunit seryoso.

Biglang pinutol ni Adelina ang tawag dahilan para mapahinto sa pagsasalita si Romeo.

"Pinatay nya ang tawag sa telepono? "

Ilang saglit pa ay muling tinatawagan ni Romeo si Adelina.

Sa pagsagot ulit ni Adelina ay agad na humingi ng tawad si Romeo at tinanong kung bakit niya ito binabaan ng telepono. 

"Alam mo kung pagtitripan mo lang ako ay humanap ka na lang ng ibang guguluhin," masungit na sambit ng dalaga.

"Ok, nauunawaan ko na. Wala akong alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo pero para malinaw sa'yo hindi ako ang klase ng taong mag-aaksaya ng oras para lang pagtripan ang ibang tao," sambit ni Romeo, ang kanyang boses ay seryoso.

Nairita naman si Adelina dahil malinaw sa kanya na ginagawa na ito mismo ng binata at pinagbintangan na natutuwa itong nakikita ang dalagang naiirita. 

Hindi naman itinanggi ng binata na natutuwa siya makita ang reaksyon ni Adelina lalo na hindi niya inaasahan na maaaring kiligin ang isang tomboy na kagaya niya.

" Kasalanan mo rin naman dahil ang cute mo kapag naiirita ka. " 

Muling pinatay ni Adelina ang tawag dahilan para mapabuntong-hininga si Romeo. Wala siyang ibang nagawa kundi tawagan ulit ang dalaga at humingi agad ng tawad. 

Sa pagsagot ng dalaga ay agad niyang sinabi na kapag may narinig pa siyang hindi niya gusto ay papatayin na niya ang cellphone at matutulog na lang. 

"Wag mong isipin na pwede mo akong pag tripan kahit kelan mo gustuhin. " 

Naki-usap naman si Romeo na wag msyadong magalit at humingi na lang ulit ng tawad, ipinaliwanag niya na wala naman siyang masamang intensyon sa mga sinasabi niya. Wala syang dapat ikagalit dahil nagbibiro lang sya para matuwa si adelina. 

"Ok, ok, kalimutan mo na lahat ng sinabi ko. Basta sa ngayon gusto ko lang ng may makausap hanggang makatulog ako," sabi niya, ang kanyang tono ay pagod.

Napabuntong-hininga si Adelina pero pumayag din sya sa gusto ng binata na makipag usap at tinanong kung ano ba ang gusto nilang pag-usapan. 

Sinabi naman ng binata na dahil ayaw pag-usapan ni Adelina ang nararamdaman nila sa isa't isa ay mas mabuti pang kwentuhan na lang niya ito ng nakakalibang na bagay.

"Ano? Seryoso ka ba? Ano naman ang ikukwento ko?" tanong niya.

"Kahit ano, gusto ko lang malibang lalo na pagod na pagod ako sa trabaho lalo na may baliw na babaeng nanira ng isang buong base militar," sagot niya, may bahid ng biro.

Bigla naman naalala ni Adelina na isang sundalo si Romeo at tinanong ito para kumpirmahin kung nasa base militar ng cavite ito. Malinaw sa isip niya na hindi niya nakita sa base militar si Romeo nung umatake siya bilang si Indang pero tinanong niya pa rin kung ayos lang ba ito sa trabaho niya.

"Balita ko may nangyari daw sa isa sa base militar ng Cavite. Buti hindi ka nadamay," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.

"Wala roon ang opisina ko kaya hindi nadamay ang unit ko pero halos magkatabi lang ito kaya naabutan ko pa ang kaguluhan bago matapos," sagot niya.

Napabuntong-hininga ang binata habang sinasabi na dahil sa ginawa ng baliw na babaeng umatake sa kanilang base ay naobligang magbuhat ng mga bato ang binata para tumulong. 

Nairita naman si Adelina ng tawagin ni Romeo na baliw na babae si Indang. Dahil na rin hindi naman alam ng binata na si adelina at indang ay iisa ay nagsasalita si romeo laban dito. 

Gayunpaman, biglang nagbago ang tono ng pagsasalita ni Romeo na nabalot ng kalungkutan.

"Alam ko na lahat kami ay biktima ng pangmamalupit at wala akong karapatan na husgahan siya sa gusto niyang mangyari," sabi niya, ang kanyang boses ay malungkot.

Napabuntong-hininga si Romeo at sinabi na lalong nagiging komplikado ang lahat sa trabaho niya at hindi na niya alam kung anong gagawin para maging nakatwiran at iligtas ang lahat, kaya naman inamin ni Romeo na kailangan niya si Adelina para malagpasan ang pagkabagabag at kalungkutan na nangyayari sa kanya.

"Wag ka ngang maging martyr. Bakit ba masyado mong piniproblema ang ibang tao? Oo isa kang sundalo pero hindi ako naniniwala na kailangan mong problemahin pati ang problema ng iba," sagot ni Adelina, ang kanyang tono ay prangka.

"Trabaho ko na pangalagaan ang mga tao Adelina, normal lang na alalahanin ko rin ang problema ng ibang tao," sagot ni Romeo.

Hindi naman sumang-ayon si Adelina sa sinabi ni Romeo at sinabi na may limitasyon ang lahat ng bagay at hindi dahil isa siyang sundalo ay maaari na rin niyang iligtas ang lahat. 

Nagtaka naman si Romeo sa sinabi nito dahil ibang-iba ito sa alam niyang tamang gawin bilang sundalo at naitanong sa dalaga na kung sakaling may kakayahan ang dalaga na magligtas ay magdadalawang-isip ba ito na kumilos at magsakripisyo para sa iba.

Napangisi naman ang dalaga habang sinasabi na magkaiba sila ng pananaw lalo na hindi naman siya sundalo dahil para kay Adelina ay mas matimbang pa rin ang kapakanan ng pamilya at ng sarili kesa sa ibang tao. 

" Ewan, pero para saakin wala akong responsibilidad na maging Martyr para sa iba kasi hindi naman nila iyon gagawin para saakin. " 

Hinding-hindi siya makikielam sa problema ng iba kahit na may kakayahan siyang tumulong, gayunpaman ay nilinaw niya na sa oras na tungkol na sa kaligtasan ng pamilya niya ang usapan ay hinding-hindi siya magdadalawang-isip na kumilos at ipaglaban ang mga bagay-bagay alang-alang sa mga mahal niya sa buhay.

Napangiti naman si Romeo at hinangaan si Adelina sa tapang nito pero naisip niya rin na tama lang na unahin ang sarili at pamilya kesa sa lahat ng bagay. 

Gayunpaman, bilang sundalo ay may sinumpaan silang tungkulin kaya mahirap para sa kanya na talikuran ang iba.

Bigla naman pumasok sa isip ni Adelina ang tungkol sa ginagawa ni Romeo na paraan para mahuli si Don Felidemo. Alam niya na masyado itong mapanganib at hindi madali kaya pinag-iingat niya ito. " Mapanganib na taobsi feldelimo kaya hanggat maaari mag iingat ka. "

 Sumang-ayon naman si Romeo na hindi iyon madali lalo na ang nag-iisang paraan para maikulong ito ay ang pagbibigay sa hukuman ng sapat na ebidensya na totoong may kinalaman sa ilegal na droga si Don Felidemo na labag sa batas ng hari na kahit ang viceroy ay hindi pwedeng baligtarin

 ang batas.

Gayunpaman may inaalala lang siyang pwedeng maging problema dahil sa oras na may kasangkot na ibang gobernador-heneral sa negosyo nilang ilegal na droga ay tiyak magiging malaking problema ito at dadanak ng dugo.

Bigla namang natahimik si Adelina dahil sa pag aalala at pangamba . Agad naman itong mapansin ng binata ang pananahimik ni adelina at nagtanong ito kung bakit ito natahimik.

 "Alam mo, aaminin ko na kailangan ka ng pamilya ko at ikaw lang ang inaasahan namin pero sigurado ka bang magiging ayos ka lang sa ginagawa mo para saamin? Hindi kaya masyado na itong delikado para sa'yo?"

Napangiti si Romeo habang tinatanong ang dalaga kung nag-aalala ba ito sa kapakanan ni Romeo. Biniro niya ito na dahil sa pag-aalala ni Adelina. " Alam mo lalo akong nahuhulog sayo kapag naririnig kong nag aalala ka saakin. "

"T-tu-tumigil ka na sa kalokohan mo, seryoso ako! Syempre nag-aalala ako. Malaki ang utang na loob namin sa'yo kaya normal lang na mag-alala ako sa'yo," sagot niya, ang kanyang boses ay seryoso ngunit may lambing.

"Masaya akong marinig yan, wag kang mag-alala dahil alam ko ang limitasyon ko at sa tingin ko kaya ko pa naman itong tapusin."

Nagyabang ang binata na kailangan niyang magsikap at ipagpatuloy ang laban hanggang sa magtagumpay sya dahil kailangan niyang magpakitang-gilas sa babaeng nililigawan niya.

Dahil sa mga narinig ay biglang namula ang mga pisngi ni Adelina at hindi napigilan na tawaging baliw si Romeo. Napangiti lang si Romeo ng marinig ito mula kay adelina at sumang-ayon sa itinawag sa kanya ng dalaga.

"Tama, siguro nga nababaliw na ako, ang dami ko ng problema sa mundo pero dinadagdagan ko pa pero wag kang matakot dahil hindi ako mapapahamak."

"Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan pa kitang mapakasalan at magkaroon ng masayang pamilya na may maraming anak," pagbibiro ni Romeo, ang kanyang tono ay puno ng paglalambing.

Biglang pinatayan ng tawag sa cellphone ng dalaga si Romeo at nang subukan itong tawagan ulit ng binata ay nakapatay na ang cellphone nito at di na makontak.

"Pinatay niya ang cellphone niya. Pambihira talaga siya."

Lumipas ang mga araw. Ipinagpatuloy ni Romeo ang pag aasikaso sa kaso tungkol ka felidemo. Habang nasa opisina at naka upo sa kanyang mesa ay lumapit sa kanya ang isa sa mga tauhan nya para mag report. 

Ayon dito nais ng gobernador-heneral ng Pampanga na maki pag kita sa kanya at imbitahan ito sa pampanga. 

Agad naman naghinala si peter sa narinig nya at masama ang kutob lalo na ngayon mainit ang balita na isa sa mga lumapit sa viceroy ang heneral ng Pampanga para makalaya si Felidemo. 

" Alam ko na gusto nyang pag usapan namin ang tungkol kay Felidemo." 

 Ayon sa heneral ay hindi dapat paniwalaan ang mga pilipinong nag aakusa kay Felidemo lalo na marami sa mga ito ay may utang at galit sa mga kastila. 

" Isang kastila si heneral angeles at sa tingin ko magkaiba kayo ng mga pninidugan at paniniwala. Kapag kinausap nyo sya tiyak magtatalo lang kayo. " 

" Alam ko naman hindi ito magiging madali pero kung gusto ko talagang matapos ang usapin na ito ay hindi ko sya dapat iwasan. " Sagot ni Romeo. 

Tumayo si Romeo sa kanyang upuan at kinuha ang coat na nakasabit sa gilid. 

" Alam kong may lakad ka, ako na lang muna ang pupunta sa pampanga. "

Hindi mapalagay si peter at pinaalalahanan na mag ingat si Romeo lalo na kung totoong kasabwat ni Felidemo si heneral angeles sa mga ilegal na negosyo ay tiyak na pipigilan nya si romeo sa kahit na ano mang paraan. 

Agad naman sinabi sa kanya ni romeo na hindi nya inaaalis ang posibilidad na pag tangkaan ng heneral ng Pampanga ang kanyang buhay pero wala syang nakikitang rason para matakot dahil kaya nyang pangalagaan ang sarili. 

Hindi na nag aksaya pa ng oras si romeo, pagkatapos mag iwan ng mga bilin ay agad syang sumakay sa kanyang sasakyan at pumunta sa pampanga. 

Ilang oras lang ang lumipas ay nakarating sya sa angeles pampanga. Hindi sila dumeretso sa base militar kundi sa isang malaking bahay. 

Napansin ni romeo na lahat ng mga tauhan ng heneral na naroon sa lugar ay hindi nakasuot ng uniporme ng pang sundalo. Naisip nya agad na isa itong private army ng heneral. 

Pagbaba nya sa sasakyan ay hinarang na sila ng ikan sa mga tauhan ng heneral at nagbilin sa kanila na tanging si romeo lang ang maaaring pumasok. 

Kahit na kahina hinala ang kanilang mga inuutos ay hindi natakot si romeo, iniwan nya ang dalawa nyang kasama sa sasakyan at sinabihan na mag antay na lang. 

Sumama mag isa si romeo at pumasok sa mansion, kapansin pansin sa loob ang mga magagarang kagamitan at mga naglalakihang painting. 

Sa pag pasok nya sa isang malaking kwarto ay naabutan nyang nakaupo sa isang malambot na sofa ang heneral. 

Isang matandang heneral na may puting buhok at nakasuot ng puting uniporme ng militar. Isa rin syang sugo ng mga diwata ngunit kasalukuyan syang nasa normal nyang anyo bilang tao katulad ni romeo. 

Agad syang binati nito at pinaupo. 

" Nagagalak ako at pinaunlakan mo ang hiling ko na makipagkita heneral romeo, halika at maupo ka muna. " 

Hindi naman nagdalawang isip si romeo na umupo at nagoasalamat dito. 

" Ang totoo abala ako ngayong araw kaya naman gusto kong matapos ito ng maaga. " 

Hindi pa man nagtatagal sa upuan ay direkta ng tinanong ni romeo kay heneral angeles ang kanyang pakay at nais pag usapan. 

Napangiti naman si angeles habang kalmado na tila kampanteng kampante sa kanyang upuan, hinahangaan nya ang kasipagan ni romeo sa trabaho. Pinuri nya rin ang maayos na pag papatakbo sa lalawigan ng batanggas. 

" Nabalitaan ko na inutusan ka ng viceroy na dakpin ang rebeldeng grupo na katipunan, Isang napaka hirap na trabaho iyon lalo na masyadong mailap ang kanilang grupo. " . 

Naikwento ni angeles na minsan na nyang nakabangga ang rebeldeng grupo at wala sa mga tauhan nya ang kayang humuli sa mga ito kahit na dalawa sa kanyang tauhan ay mga sugo rin. 

Habang tumatagal ay lalong nagiging makapangyarihan ang pwersa ng katipunan at nagiging malaking banta na sila sa gobyerno. 

Malaki ang nagiging papel ni romeo para mapanatili ang kaayusan sa bansa at maging ligtas ang mga mamamayan. 

" Sa totoo lang hinahangaan kita sa pagiging matyaga mo na pangalagaan ang mga pilipini at ayaw kong makita na balang araw ay masisira ang lahat ng pinag paguran mo dahil lang sa.. " 

Hindi nagustuhan ni romeo angga naririnig nya kaya naman pinutol nya ang pagsasalita ni angeles. 

" Paumanhin heneral angeles pero hindi ako nandito para marinig ang papuri mo, sabihin nyo na ang kailangan nyo. " 

Sandaling natahimik ang lugar sa hindi pagtugon ni angeles at napangiti na lang. 

Tumayo ito sa upuan at kumuha ng mamahaling bote ng wine para magsalin sa mga baso. Nanatili namang tahimik lang si romeo habang pinagmamasdan si angeles na nagsasalin ng wine at ilang saglit lang ay lumapit ito kay romeo para iabot ang baso ng wine. 

" Alam mo may mga bagay sa mundo na kailangan natin tanggapin at alam kong alam mo ang bagay na yan. " 

Muling pumunta si angeles sa sofa habang umiinom ng wine. " Saluhan mo ako, tikman mo itong Romanée-Conti Grand Cru., isa sa pinaka mahal na wine sa boung mundo. Nagkakahalaga ito ng higit isang milyon kada bote. " 

Bilang pagrespeto na rin ay tinanggap ni romeo ang baso ng wine. Umupo si angeles sa sofa at napapikit habang tila ninanamnam ang lasa ng wine. 

" Kumikita ang negosyo ko ng dalawampung milyong piso kada buwan kaya barya lang saakin ang mga bagay na kagaya nito. Alam mo masaya sa pakiramdam na nakukuha mo ang mga bagay na gusto mo. " Dagdag ni angeles. 

Ipinaalam nya kay romeo na marami syang kilalang negosyante na pwedeng ipakilala dito para mag invest sa Batangas. Handa ang mga negosyanteng magbigay ng pera sa mga kagaya nilang gobernador kapalit lang ng mga permit at proteksyon. 

Napabuntong hininga si romeo habang naririnig ang mga sinasabi ni angeles at ibinaba ang kanyang baso. 

" Paumanhin pero hindi ko trabaho ang bagay na yan, nasa mayor parin ng mga lungsod ang desisyon kung papayagan nila ang isang negosyo sa kanilang nasasakupan. "

Napangiti naman si angelea at sinabi na alam nya ang bagay na iyon ngunit ang mga katulad nila ay parating naninigurado. May mga bagay na hindi kaya ng mga mayor at isa na doon ay ang proteksyon. 

Kinutuban si romeo sa mga tinutukoy ni heneral angles at direkta pinuna ni romeo ang mga nais nitong ipahiwatig. 

" Sinabi ko na hindi ko trabaho ang mga bagay na yan at isa pa ayokong ayoko ang nakikipag negosasyon lalo na kung ang pinag uusapan natin dito ay mga ilegal na bagay. " Seryoso nyang sambit. 

" Tatapatin na kita heneral angeles, wala akong balak na maging katulad mo na yumayaman sa mga ilegal na negosyo, wag na wag mong ipapasok sa Batangas ang ano mang bagay na labag sa batas dahil hinding hindi ko ito kailan man kukunsintihin at papayagan sa bayan ko. " Banta ni romeo. 

Natahimik ang boung kwarto sa hindi pagtugon ni angeles, ramdam sa kanilang titig na pareho silang hindi nagpapatinag. 

Ilang saglit pa ay ibinaba ni angeles ang baso ng wine at bumuntong hininga. 

Ngumiti ito at sinabihan si romeo na balang araw ay mauunawaandin ni romeo na ang pera ang pinakamahalagang bagay sa mundo, ayon sa kanya ay walang hindi kayang gawin ng pera at kapag mayroon ka nito ay kaya mong paikutin ang lahat sa palad mo. 

Sumang ayon naman si romeo sa sinabi ni angeles at ipinaalam na hindi nya ipag kakaila na marami syang kayang gawin kapag may pera gayunpaman, ipinaalala nya rin na hindi tungkol lang sa pera ang buhay. 

" Magkaiba tayo heneral angeles, hindi ko ipagbibili sa demonyo ang sarili ko para lang sa pera. Maraming buhay ang sinisira ng droga, maraming kababaihan ang inaabuso dahil sa prostitusyon. Hindi ko matatanggap kailan man ang mga bagay na sumisira sa buhay ng mga tao. " Seryosong sambit nya. 

Naglaho ang ngiti sa mukha ni heneral angeles at naging seryoso ang mga tingin nya kay romeo habang nag iisip. 

" Masyado kang mabait heneral romeo at sa totoo lang iyan ay hindi makakabuti para sayo. Hindi ka pwedeng maging tupa sa gubat ng mga leon. Mas mabuti pang pag isipan mo mu.... " 

Bago pa matapos sa pagsasalita si heneral angeles ay agad na sumabat si romeo at matapang itong sinagot. 

" Buo na ang pasya ko at hindi na magbabago pa. Hindi ko papayagan ang ano mang ilegal na negosyo sa nasasakupan ko. " Sambit ni romeo. 

Ilang saglit pa tumayo na si romeo para mag paalam. " Paumanhin, kung wala na kayong gustong sabihin ay aalis na ako. Marami pa akong gagawin mas mahahalagang bagay ngayong araw. " 

Napuno ng katahimikan ang lugar sa hindi pagtugon ni Angeles, mararamdaman ang tensyon na namumuo sa kwarto. Ilang saglit pa ay humakbang na paalis si romeo pero bago pa sya makalapit sa pinto ay muling nagsalita si angeles. 

" Sandali, may gusto pa akong sabihin. " 

Napatigil si romeo sa paglalakad para pakinggan si angeles. Sa pagkakataon na iyon ay nais ni heneral amgeles na tigilan ni romeo ang pangingi elam sa kaso ni felidemo. 

Ipinakilala ni angeles si felidemo na isa sa mga kaibigan nyang negosyante at malaki ang ibinibigay nitong pera para sa proteksyon. Hindi kailan man ito nagpupunta sa batangas kaya naman wala itong kinalaman kay romeo. 

Humarap si romeo kay angeles at ipinaalala dito na si felidemo ay tahasang nilalabag ang batas at bilang tagapag patupad ng batas ay kailangan nyang parusahan ito. 

Dahil sa sagot ni romeo ay hindi na napigilan ni heneral angeles na mairita. 

" Wag mong paki elamanan ang mga bagay na hindi mo sakop, manahimik ka lang sa batangas at isipin ang mga tao sa nasasakupan mo. " 

" Tigilan mo ang kapangahasan mo para manatiling maayos ang lahat . " Dagdag ni angeles

" Pasensya na pero hindi ko mapagbibigyan ang paki usap mo heneral angeles. " Matapang na sagot ni Romeo. 

Biglang nagdabog sa mesa si angeles. 

" Hindi ako nakikiusap, inuutusan kitang gawin iyon heneral romeo. " Galit na sambit ni angeles. 

Muling natahimik ang buong kwarto sa hindi pagtugon ni romeo. Alam ni romeo na malaki ang pwedeng mawala kay angeles at handa itong gawin ang lahat para pangalagaan ang mga negosyanteng kasabwat nya sa ilegal na negosyo. 

" Tandaan mo isa ka lang honorary Spaniard at hinding hindi ka papanigan ng viceroy sa oras na kalabanin mo kami." Galit na sambit nito. " Gawin mo ang mas makakabuti sayo at pangalagaan ang posisyon mo hanggat hindi pa nawawala sayo ang lahat. " 

Napangisi naman si romeo na tila ba pinagtatawanan lang ang nasabi ni heneral angeles at binalaan si heneral angeles na wag syang takutin dahil hindi sya ang taong manginginig at luluhod sa harap ng isang kastila. Ipinaalala nya na hindi man sya kayang panigan ng viceroy ay kaya nyang gawin at ipatupad ang batas ng hari. 

" Hindi ako naniniwalang kaya akong tanggalin ng viceroy bilang gobernador-heneral ng batangas gayung malaki ang paki nabang ng espanya saakin. "

 nagkatitigan sila at walang gustong magpatinag. Nanginginig naman ang kamao ni angeles habang nakayukom ito dahil sa galit. Gayunpaman wala syang maaaring gawin sa pag kakataon na iyon dahil alam nya rin na hindi biro kalaban si romeo. 

Ilang saglit pa ay biglang may tumawag sa telepono ni romeo at agad nya itong sinagot. Isa sa mga tauhan nya ang nagreport sa kanya. 

" Pasensya na heneral angeles pero kailangan ko ng bumalik sa batangas. " 

Muli syang tumalikod para umalis. 

Paglabas nya ng pinto ay ibinato ni angeles ang baso ng wine sa pinto habang galit na galit. 

" Sinubukan kong maging mabait sayo heneral romeo pero mas pinili mo akong kalabanin. Pwes, ibibigay ko sayo ang gusto mong mangyari. " Galit na sambit nya. 

More Chapters