Cherreads

Chapter 2 - CHAPTER 2

( When Loyalty Becomes Blindness)

Makalipas ang ilang araw, paulit-ulit pa rin ang nangyayari.

Hindi na nakakasama ni Kiya si Alex kahit papasok o pauwi.

Nagcha-chat lang si Alex kapag may kailangan:

"Kiya, gawa mo 'to."

"Kiya, send mo sagot dito."

"Kiya paki-print."

At wala nang iba.

Si Kiya? Hindi makatanggi.

Kasi kahit nasasaktan… mas pipiliin pa rin niyang maging useful kay Alex kaysa tuluyang mawala ito sa buhay niya.

( School )

One afternoon, nasa tambayan sila sa likod ng school grounds.

Magkakasama sina Alex, ang tropa, at si Kiya.

"Guys, may hihingin akong tulong," sabi ni Alex, halatang kinakabahan.

"Para saan?" tanong ni Justin habang nginunguya ang fries.

"Plano ko kasi i-surprise si Ashley. Gusto ko na siyang… i-ask."

Napakamot si Alex sa batok, namumula pa.

"FINALLY!" sigaw ni Dave.

"Tagal mo nang baliw diyan!"

Pero biglang sumabat si Kevin.

"Wait lang… bakit pa kailangan ng surprise? Direct mo na, 'pre. Tsaka

ano? Bago ka lang magtatanong kung pwede maging girlfriend mo, e para naman kayong mag-jowa araw-araw."

Nagtawanan silang Lahat.

Pati si Alex.

Pati si Kiya…

kahit ramdam niyang may humihiwa sa dibdib niya.

( THE PLAN)

Plano ng boys:

Gagawa sila ng malaking cartolina na may nakasulat na:

"CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?"

At syempre… walang ibang gagawa ng design kundi si Kiya Aldeverre.

Dahil:

‌Siya ang pinaka-creative

‌Magaling sa calligraphy

‌Magaling sa kahit anong talent, kahit ayaw niyang i-flex

‌Siya ang kayang umubos ng oras para kay Alex… kahit masakit

( POV: Apartment ni Kiya)

Pag-uwi niya, umupo siya sa desk, hawak ang cartolina.

Tinitingnan niya ito na parang kalaban.

Parang gusto niyang gusutin, punitin, sunugin…

"Bakit ako?"

"Bakit ako gumagawa nito para sa babaeng mahal mo?"

"Bakit ako pumapayag?"

Pero huminga siya nang malalim.

At sinimulan pa rin niya.

Linaw ng stroke.

Ayos ng letters.

Perfect ang design.

saad niya habang tumutulo ang luha niya.

Napuyat si Kiya.

Pero napakaganda ng kinalabasan.

( THE DAY OF THE SURPRISE)

Gising si Kiya ng 6 AM.

Inaantok, pero pinilit gumising para dalhin ang ginawa niya.

Pagdating niya sa school, sinalubong siya ni Alex.

"WOW! Grabe, Kiya! Ang ganda! Ginalingan mo talaga, thank you!"

Ngumiti siyang pilit.

"Walang anuman…"

At yun na.

( 1 PM — The Fake Fight)

Sa harap ni Ashley, kunwari nag-away sina Kevin at Alex.

Planado.

"Hoy Alex! Hindi ka kasi marunong makinig!" sigaw ni Kevin.

"Ano bang problema mo?" sabay kunwaring irita ni Alex.

Nagsimula ang eksena.

At dumating ang cue.

Lumapit si Alex kay Ashley, hawak ang bouquet.

"Ashley Lopez… will you be my girlfriend?"

At sa gilid, hawak ng tropa ang cartolinang ginawa ni Kiya, pinagtulungan pa nilang itaas na parang concert banner.

Lahat masaya.

Lahat excited.

Lahat present…

Maliban kay Kiya.

Nagpaalam siyang uuwi nang maaga.

"Sumasakit ang tiyan ko…"

Yun ang palusot niya.

Pero ang totoo?

Ayaw niyang masaksihan ang moment na hindi niya kailanman makukuha.

(POV: Condo ni Kiya)

Pagdating sa kwarto niya, duffel bag pa lang hinuhubad niya pero napahiga na siya sa kama.

"Bakit ganito?"

"Bakit ang sakit?"

"Ano bang karapatan ko?"

"Hindi ko naman siya boyfriend…"

"Kaibigan lang ako sa kanya."

Habang sinasabi niya iyon sa sarili, mas lalo siyang napahagulgol.

Hanggang sa napagod.

Hanggang sa nakatulog na umiiyak.

( MONTHS LATER)

Routine.

Cycle.

Walang bago.

Si Alex at Ashley—laging magkasama.

Si Kiya—laging mag-isa.

Minsan kasama ang tropa, pero madalas wala.

Tumatahimik.

Lumalalim ang eyebags.

Lumalayo sa lahat.

Hindi na siya tinitingnan ni Alex.

Hindi na niya hinahanap.

( A Saturday at the Mall)

Nagpunta si Kiya sa mall para i-check ang jewelry stall ng family nila.

Nasa business sila kahit hindi halata sa simpleng pamumuhay niya.

Habang naglalakad siya, nakita niya si Ashley.

Wala si Alex.? Mag-isa raw dapat.? tanong sa isip ni kiya.

Pero…

May lumapit na lalaki kay Ashley.

At bago pa man makapag-react si Kiya—

Hinalikan ng lalaki si Ashley sa lips.

"I love you, baby… ang tagal natin di nagkita."

Natigil ang mundo ni Kiya.

Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Hindi niya pinigilan ang sarili.

Tinawagan niya si Alex.

1 missed call.

2 missed calls.

3 missed calls.

Hanggang sa sinagot ni Alex, irita ang tono.

"Ano ba, Kiya?"

"Alex… nasaan ka?"

"Dito sa bahay. Bakit? Kung nagyayaya ka lumabas, hindi ako pwede. Pagod ako, nag-ride kami ni Ashley kanina."

"Alex… pumunta ka dito sa mall. Please. May sasabihin ako. Importante."

"Sabihin mo na sa phone. Ka-chat mo naman ako."

"Hindi pwede. Dali na… please…"

Napabuntong-hininga si Alex.

"Fine. On the way."

Pagdating ni Alex, agad nagsalita si Kiya.

"Alex… nakita ko si Ashley. May lalaki—hinalikan siya. Sinabi pa na 'I love you babe'—"

But Alex's face darkened.

Parang demonyo ang galit.

"Hindi totoo yan."

"Totoo, Alex. Nakita ko mismo."

"No. Huwag kang gumagawa ng kwento. Text ko si Ashley—nasa bahay daw siya."

"Alex, nagsisinungaling siya—"

Pero hindi na siya pinatapos.

"ALAM KO NAMAN NA MAY GUSTO KA SA AKIN, KAYA KA NAGIIMBENTO NG KWENTO!" sigaw ni Alex.

Parang tinamaan si Kiya ng sampung kutsilyo.

"At simula ngayon…"

malamig ang boses ni Alex.

"Tapos na tayo. Tapos na yung friendship natin." At umalis siya.

Iniwan si Kiya sa gitna ng mall.

Naka-upo sa malamig na tiles.

Nanginginig.

Umiiyak nang walang boses.

Walang masakit na salita ang hindi niya narinig.

At walang mas masakit sa pakiramdam na…

Pinili ng taong mahal mo na saktan ka…

para protektahan 'yung taong nambababae sa kanya.

More Chapters