Cherreads

Chapter 751 - Chapter 751

"Wag ka ng manlaban binata. Kita mo naman na natatalo ka na hahaha!" Negatibong saad ng kalaban ni Wong Ming habang makikitang naging matagumpay siya nadurugin ang binata.

"Kung gayon ay nanalo ka na. Manlalaban pa ba ko?!" Ani ni Wong Ming habang makikitang tila sumusuko na ito.

SLASH!!!

SA isang iglap ay nakita na lamang ng nasabing kalaban ni Wong Ming ang pagkahati sa dalawa ng Shadow Entity nito nang makita ang pagtubo ng isang mahabang buntot ng Shadow Entity ni Wong Ming.

Gamit ang nasabing buntot ng Shadow Entity ni Wong Ming ay nagawa nitong pinasalain ng isang segundo lamang ang kalaban nito.

BUAAACCCKKKK!!!!

Kitang-kita ang pagbulwak ng sariwang dugo mula sa bibig ng evil Shadow Practitioner.

Ang kanang kamay nito ay nakaduro pa kay Wong Ming habang makikitang nagpupumilit pa itong magsalita muli.

"Ss- sino k-ka b-binata?! Bakit na-nnapakalak-kas mo-oo!" Tanging nasambit ng evil shadow practitioner ng pautal-utal habang tuluyan na itong nawalan ng hininga habang nakadilat ang mga matang gustong paslangin si Wong Ming kahit na wala na itong buhay.

Nagbago ang anyo ng Shadow Entity na meron si Wong Ming at tila sa mala-itim na bilog nitong kaanyuan ay madali nitong in-absorb ang labi ng napaslang na Shadow Entity ng kalaban nito.

Natawa na lamang si Wong Ming nang mapansing lumakas pa lalo ang kontrol niya sa Shadow Entity niya 

Ang totem mark niya ay masasabi niyang umuunlad pa lalo sa kaniyang sariling pangangalaga.

Tama nga ang sabi sa kaniya ng mismong faction master Zhiqiang ng Flaming Sun Faction.

Masasabing napatunayan niya kung gaano kalakas at kaimportante ng Totem mark na meron siya.

Gamit ang mismong mas pinalakas na Shadow power niya ay kitang-kita na bago niyang ipinawalang-bisa ang shadow domain na ngayon ay pagmamay-ari niya na ay nagpawakala siya ng makapal na maiitim na usok.

Dahil dito ay halos walang makita ang lahat hanggang sa nakita na lamang ng lahat ang nakahandusay na binatang si Wong Ming sa nasabing lupa.

Namimilipit ito sa sakit at kitang-kita ang sariwang dugong umaagos sa bibig nito.

Ang lahat ng naririto ang mga buhay na saksi at naging konklusyon nila ay tinuruan lamang ng mga ito ng leksyon si Wong Ming na tila nangialam sa laban.

Ang iba ay tila sumang-ayon na tumakas ang mga evil shadow practitioners dahil na rin sa labis na kahihiyan at ayaw nilang madamay o madungisan ang sariling reputasyon ng mga ito.

"Hmmp! Sayang lamang ang panahon namin na naigugol sa walang kwentang laban na ito. Sa susunod ay wag kang magyabang binata kung hindi mo sila kayang labanan!"

"Tama ka diyan, buti ma lamamg at naawa pa ang mga iyon. Nakakatakot pa naman sila. Sana lang ay hindi ako magkaroon ng kaaway na kagaya ng mga iyon!"

"Maswerte pa rin iyon. Kung ako sa mga ito ay pinaslang ko na ang katulad ng binata na ito, napakahina!"

Puro mga negatibong bagay at mga salita ang naririnig ni Wong Ming lalo pa't sa katunayan na hindi siya kinitlan ng buhay ng mga nakalaban nito.

Agad na umalis ang mga manonood sa lugar na ito at makikitang nawalan na sila ng gana sa biantang ito.

Para sa kanila ay duwag at walang lakas ang binata na ito. Puro gulo ngunit tila naunawaan nila na parang walang silbi ang binatang ito.

Kitang-kita ang psgkadisgusto ng halos lahat ng mga disipulong naririto na kabilang sa Vermilion Sect.

Ang pasaring ng ibang mga miyembro ng organisasyon ay tila ininsulto pa ang pagiging mahian sa pagpili ng hihiranging disipulo ang Vermilion Sect.

Ngayon lamang nila napatunayan na isang katawa-tawa ang organisasyong ito. Mahina!

Umalis na rin ang mga disipulo ng Vermilion Sect habang masakit na tiningnan ang nasabing binata na tila kakagising lamang.

Imbes na magalit si Wong Ming ay tila sumilay ng palihim ang nasabing ngiti sa mga labi nito.

Sanay na rin siya sa pagiging two-faced ng mga nilalang na kasama niyang naglalakbay para sa misyong ito sa Alchemy Island.

Wala siyang pakialam sa mga ito. Ang importante sa kaniya ay natabunan niya ang nasabing insidenteng ikakapahamak niya sana.

Kapag lumabas na napaslang niya ang apat na evil shadow practitioners na higit na mataas ang lebel ng cultivation kumpara sa kaniya ay mabubuking siya.

Ang maliligayang araw niya bilang outer disciple ay siguradong mawawala na. Dadami ang mga matang magmamasid ng bawat kilos at gagawin niya sa hinaharap. Iyon ang pinakaayaw niya sa lahat.

Ang tanging natira na lamang sa lugar na ito ay si Wong Ming, Earth Dawn at ang binatang nagpanggap bilang Light Prime.

Walang karea-reaksyon ang pagmumukha ni Light Prime habang nakatingin kay Wong Ming na ngayon ay dinaluhan na ni Earth Dawn na nakaalalay.

Agad namang sinabi ni Wong Ming na okay na siya at hindi niya kailangang alalayan lalo pa't uminom na rin ito ng pambihirang recovery pill.

Tatalikod na sana si Wong Ming upang sundan ang direksyon ni Earth Dawn nang magsalita si Light Prime.

"Maligayang pagwawagi binata, hindi ko aakalaing nagtagumpay ka nang hindi napapansin ng sinuman. Natago mo man sa iba ang buong katotohanan ay ibahin mo ako!" Matapang na sambit ni Light Prime na makikita ang seryosong ekspresyon sa pagmumukha nito.

Agad na natigilan si Wong Ming at muli nitong hianrap ang nasabing direksyon ng binata.

"Bakit hindi mo ako sinumbong kung alam mo pala?! Sa lahat ng naririto ay ikaw lamang ang saksi sa huling outcome ng laban kanina. Tinatakot mo ba ko?!" Seryosong saad ni Wong Ming habang matalim itong tumingin kay Light Prime.

"Hindi kita tinatakot. Nagpapaalala lamang ako na mag-ingat ka mamaya, hindi ka ba natatakot na paslangin kita katulad ng mga evil shadow practitioners na mga iyon?!" Naniningkit ang mga mata ni Wong Ming habang nagtatanong ito.

"Gusto ko lamang magpasalamat binata. Yaman lamang ang meron ako sa kasalukuyan binata ngunit hindi ako makakabalik kaagad sa aking Light Family. Niligtas mo ako sa kamay ng mga Evil shadow practitioners na iyon. Mahihirapan pa kong makabalik sa pamilya ko lalo pa't napaslang lahat ng mga tauhan ko!" Pag-amin naman ng nagpanggap na Light Prime habang nakaluhod na ito sa harapan ng binata.

Imbes na magulat si Wong Ming ay kalmado lamang itong nakatingin sa nasabing binata.

"Alam ko. Hindi ako tanga upang hindi mapansin iyon. Light Family sa isang malaking siyudad sa pambihirang lokasyon sa hilagang bahagi?! Siguradong malaki ang pakinabang mo sa akin sa hinaharap. Maniningil pa ko sa hinaharap!" Seryosong wika ni Wong Ming at malawak pa itong napangiti.

"Tutal tinulungan mo ako ay hindi ako mapang-abusong nialang. Siguradong may silbi din ang isang katulad ko lalo na kung sasama ako sa paglalakbay mo!" Seryosong saad naman ng binata na nagpanggap na Light Prime.

"Walang problema, maniningil pa naman ako sa'yo at may silbi ka sa akin. Pwede mo ring ibayad ang buhay mo sa hinaharap. Hindi ako mangingiming ipalit ang buhay mo kumpara sa akin!" Nakangising pahayag naman ni Wong Ming upang alamin ang pakay ng Light Prime na ito.

Naiinis at halos kumulo man ang dugo ng binata ay alam niyang mayroon ding point ang nasabing sinavu ng binatang nagligtas sa kaniya.

Wala din siyang mapagkakatiwalaan at ayaw niyang mapaslang ng mag-isa noh. Mas malaki ang tsansang makaligtas siya kung hindi siya nag-iisa.

Di siya tanga kung gaano kadelikado ang lugar na kinaroroonan niya maging ang pamumuhay sa lugar na ito.

Napatango na lamang si Light Prime dahil wala siyang pagpipilian. Di ito bukal sa loob niya ngunit wala siyang pagpipilian kundi ang kumapit sa patalim.

Sa oras na makahanap siya ng pagkakataon na makabalik sa teritoryo kung saan namamayagpag ang pamilya niya ay iiwan niya na ang presensya ng binatang ito maging ang tila kasama nitong babaeng kakaiba ang pananamit at kung paano ito tumingin.

More Chapters