Cherreads

Chapter 750 - Chapter 750

"Ngunit bago ka namin paslangin ay uunahin ko ang isang pakialamerong kaedaran mo. Hindi ko aakalaing may kasama ka pala sa paglalakbay mo patungo rito hahaha!!!" Nakangising turan naman ng isa sa mga Shadow Practitioners at napatingin ito bigla sa gawi ni Wong Ming.

Kalmado lamang na nakatingin sa kanila si Wong Ming at makikita na wala itong pakialam sa teoryang namumuo sa isipan ng mga Shadow Practitioners na ito.

Agad na sumenyas ito at kitang-kita kung paanong may nagpormang tatsulok ang tatlong Shadow Practitioners at sa isang iglap ay gumapang ang maitim na anino sa lupa at namuo ang malaking mala-aninong nilalang.

Napakataas nito at mataba habang may mga nagtatalimang mga kuko.

Mula sa likuran ni Wong Ming ay gumapang sa lupa ang nasabing mala-aninong pigura mula sa likuran niya patungo sa direksyon ng mala-anino ring nilalang.

Kitang-kita kung paanong tumusok ang mga malalaki at matatalas na mga kuko ng halimaw na pagmamay-ari ng kalaban.

Bumawi naman ang nasabing Shadow Entity na pagmamay-ari ni Wong Ming sa pamamagitan ng pagsuntok ng nilalang sa kalaban nitong anino.

Nagpagulong-gulong ang mga ito ng makipagbuno muli ngunit sa huli ay kitang-kita kung paanong na-corner ang nasabing aninong pagmamay-ari ni Wong Ming.

"Tapos ka ngayon binata, sigurado ako na magiging maganda ang kahihinatnan ng na-cultivate mong Shadow Entity na iyan. Mas madagdagan ng lakas namin hahahaha!" Nakangising demonyong wika ng kalaban ni Wong Ming.

Ngunit agad na napawi ang pagkangisi nito nang makitang makahulugang ngumiti si Wong Ming.

"Tapos na ba ang laban? Mukhang kahit magsanib-pwersa pa ang lakas ng tatlong iyan at ikaw ay wala kayong panama sa akin!" Seryosong saad ni Wong Ming habang hindi mawala-wala ang pagkakangiti ng labi nito ng malawak.

Hindi niya aakalaing hindi natuto ang mga ito sa kakalabanin nila. Puro na lamang sila atake at paninindak ang alam na gawin ng mga ito.

Masasabi na walang gustong palampasin ang mga ito lalo na pagdating sa bibiktimahin at papaslangin ng mga ito.

Mga evil shadow practitioners ang mga ito, ano pa aasahan niya hindi ba.

halos magpantig ang tenga ng mga lalo na ang isang Shadow Practitioners na puro utos lamang ang ginagawa.

"Ano'ng tinatawa-tawa mo binata, ha?! Hindi ko aakalaing gusto mong maturuan ng leksyon ng maaga pa sa iyong inaasahan." Nakangising ani ng Shadow Practitioner na halatang may halong panggigigil sa naging pahayag ng binatang kapwa nito Shadow Practitioner.

"Nakalimutan kong sabihin na kakaiba ang Shadow Entity na meron ako. Nangangagat yan gamit ang dila ahahaha!" Nakangising wika ni Wong Ming habang makikitang ikinagulat ito ng Shadow Practitioner.

Huli na upang mapagtanto nito ang ibig sabihin ni Wong Ming.

Sa isang iglap ay nilabas ng Shadow Entity na pagmamay-ari ni Wong Ming ang dila nito dahilan upang tumusok ito mula sa bibig ng dambuhalang shadow entity patungo sa bungo nito.

Biglang lumayo ang nasabing Shadow Entity ni Wong Ming at sinuntok ang ulo ng aninong nilalang na pinagsamang lakas ng tatlong Shadow Practitioners.

Sumabog ang bungo nito at kitang-kita kung paanong bumalik ang atake ng Shadow Entity ni Wong Ming sa mismong tatlong Shadow Practitioners.

Agad na bumagsak ang mga katawan ng mga ito sa kalupaan.

Hindi na nakayanan ng mga ito ang labis na sakit nang makitang kinain ng Shadow Entity ni Wong Ming ang nasabing aninong nilalang ng tatlong Shadow Practitioners.

Sa hindi malamang dahilan ay nakita na lamang kung paanong binawian kaagad ang tatlong Shadow Practitioners matapos makain ng tuluyan ang shadow entity ng mga kalaban ng binata.

"Hindi ko aakalaing mapapaslang mo ang mga mahihinang kasamahan ko binata. Dahil diyan ay pinapasalamatan kita dahil wala akong kahati sa salaping makukuha ko kapag nailigpit ko kayong dalawa whahahaha!!?"

Sa pagpadyak ng natitirang Shadow Practitioner ay makikita ang pamumuo ng isang Shadow Entity na malahalimaw ang porma ng kaanyuan nito habang may pakpak ito at hawak na isang malaking sibat.

Halos mangilabot ang lahat ng nilalang na nanood sa kanilang nasaksihan lalo pa't ang kakayahan ng Shadow Practitioner na ito ay talagang nasa ibang lebel na.

Nakita na lamang ni Wong Ming na nasa kakaibang lugar habang nababalutan ng kakaibang maiitim na hamog.

Shadow Domain!

"Hindi ko aakalaing umabot pa tayo sa ganito binata dahil sa pangingialam mo sa mapagpanggap na nilalang na iyon." Seryosong saad ng kalaban ni Wong Ming.

"Kung gayon ay bakit ako ang inuuna mo? Wala ka namang mapapala sa akin pero sa totoong pakay mo ay meron, hindi ba?!" Seryosong wika din ni Wong Ming habang nagsusukatan sila ng tingin ng kalaban niyang napakatuso rin.

"Hahahaha... Nagpapatawa ka ba binata? Mas marami akong mapapala sayo kumpara sa salaping makukuha ko sa binatang nagmula sa Light Family na iyon. Isusunod ko na rin siya sa hukay pagkatapos kitang paslangin! Nakangising sagot naman ng kalaban ni Wong Ming.

Napangiti naman si Wong Ming sa naging pahayag ng masamang Shadow Practitioner na nasa harapan niya.

"Magaling, magaling! Hindi ko aakalaing napakaganid mo rin pala at gusto mong makuha ang lahat ng bagay na maaaring pakinabangan mo!" Ani ni Wong Ming sa kalmadong boses nito.

Tuso pa sa tuso ang nilalang na ito.

"Ganon talaga binata, hangga't gugustuhin ko at sasabihin ko ay magagawa ko! Mabuti na lamang at napaslang mo sila dahil hindi na ko mahihirapang paslangin ka na rin sa mga oras na ito!" Nakangising pahayag naman ng kalaban ni Wong Ming at handa na itong makipagbakbakan kay Wong Ming.

Sa tatlong pagpadyak nito ay kitang-kita kung paanong tumunog ang dulong talim ng hawak na sibat ng Shadow Entity ng kalaban.

Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay biglang nasa harapan ng kakaibang halimaw ang presensya ng Shadow Entity na pagmamay-ari ni Wong Ming.

TAH! TAH! TAH!

Nagpakawala ng atake ang nasabing malahalimaw na Shadow Entity ng kalaban ngunit naging maagap si Wong Ming sa pagkontrol ng Shadow Entity na meron siya.

Umilaw ang pares ng mata ng kalaban ng binata at sa pagkakataong ito ay kitang-kita na bigla na lamang lumiksi ang nasabing kilos ng Shadow Entity nito.

Sinubukan ni Wong Ming umatake ng harap-harapan sa Shadow Entity ng kalaban ngunit sa hindi nito inaasahang pangyayari ay umatake siya gamit ang dila ng mismong pagmamay-ari nyang Shadow Entity.

Sa liksi ng kalaban ng binata ay nakita na lamang na umatake ito.

SSCCHHHH!

Naputol ang mahaba at matigas na dila ng Shadow Entity ni Wong Ming.

Hindi pa nakontento ang nasabing masamang Shadow Practitioner na ito at umatakeng muli.

SLASH! SLASH! SLASH!

Sa dalawang naunang atkae ng kalaban ay naputol ang dalawang malalaking braso ng Shadow Entity ni Wong Ming at ang huling atake nito ay tumama sa kaliwang dibdib ng Shadow Entity ni Wong Ming.

Kitang-kita any pagkagulat sa mga mata ni Wong Ming nang makitang unti-unting nalulusaw ang nasabing presensya ng Shadow Entity niya.

More Chapters