Mabilis nitong iniwan si Jinron na nakaupo sa sahig habang nagpapadyak ng kaniyang paa habang sinusubukan nitong tanggalin ang Nullifying Tie.
Pumunta siya sa pwesto ng nakahigang binata na si Van Grego. Nalaman nito ang pangalan kanina ng tanungin niya si Jinron habang naglalakbay sila papunta sa tabing-dagat.
Mabilis nitong pinalabas ang kaniyang sariling enerhiya papunta sa binatang si Van Grego na hanggang ngayon ay wala pa itong malay. Nilalapatan niya kasi ng paunang lunas ang binata upang ma-cleanse ang enerhiya ng kadiliman na humahalo sa dugo ng binatang ito. Hindi niya kasi lubos maisip na animo'y sobrang lala pala ng natamo nito lalo pa't ang Moon Qi na patuloy na pumapasok sa katawan nito ay nagsasalpukan pa sa Dark Qi ni Jinron. Hindi man masyadong malala ito yun nga lang ay dalawang magkaibang dominanteng enerhiya ang pumasok sa katawan ng binata idagdag pang halos na-deplete din ang enerhiya nito noong nakikipaglaban ito kay Jinron.
"Ewan ko lang sayo Jinron kung matatakpan ko pa ang kabulastugsng ginagawa mo. Siguradong hindi lang simpleng parusa ang matatanggap mo sa iyong ama. Kung simpleng Moon Qi lamang ang pumapasok sa katawan ng binatang ito kundi napakapurong Moon Qi kaya hindi ko kayang balansehin ang enerhiya nito. Hindi rin masyadong gamay ang Dark Qi ni Jinron kaya hindi ko siya maaaring ipa-dispell ito dahil baka makombulsiyon pa at mas malala pa ang mangyari sa binatang ito at magself-destruct. May iba ring enerhiya sa loob ng binatang ito na nakakapangingilabot na hindi ko matukoy kaya hindi ko siya maaaring pakialaman at magself-medication." Sambit ni Kai habang nagulat siya sa kaniyang mga nadiskubre. Hindi maaaring makialam siya dito dahil napakakonti lamang ang alam niya patungkol sa panggagamot at medisina. Tanging ang mga paglapat ng paunang lunas lamang ang maaari niyang gamitin sa ngayon.
"Hindi ko aakalaing na darating ang araw na ipapamukha sa akin na wala akong magagawa kahit gusto kong tulungan itong taong ito." Tanging nasambit ni Kai sa kaniyang isipan habang mistulang laglag ang balikat nito.
"Hahahaha... Tingnan mo nga naman dahil naaayon ang aking ginawa para makita ang ganyan mong mukha. Hahahaha... Priceless!" Sambit ni Jinron habang animo'y natutuwa sa ekspresyon ng mukha ni Kai. Hindi niya aakalain na darating ang naaayon sa kaniya ang kaganapang ito.
"Hindi ka talaga titigil Jinron?! Nakikita mo ba nakikita ang ginawa mo?! Tatawa-tawa ka diyan ay baka mamaya lang ay sasabog ang katawan ng binatang iyan. Dibale dahil mayroon naman akong escaping talisman na diretso akong dadalhin nito sa Central Region. Eh ikaw?! Baka nga abo mo ay wala na hahahahaha!!!!" Sambit ni Kai habang humahalakhak sabay pakita ng isang pambihirang talisman sa kaniyang kamay.
Nagulantang naman si Jinron sa kaniyang nakita. Matalim naman nitong tiningnan si Kai na tumatawa pa rin hanggang ngayon na siyang kinaiinisan niya. Yung tipong siya ang nang-asar pero siya pa ang naasar kaya hindi ito matatanggap ni Jinron.
"Hmmmp! Paano naman ang kasamahan mong nagpapahinga ngayon?! Baka sumabog lamang sila kasama ko. Mukhang okay na rin hahahaha!!!!" sambit ni Jinron habang natutuwa ito. Alam niyang hindi naman ugali ni Kai na ito na iwan ang kaniyang mga kasamahan. Hindi katulad niya na kabaliktaran ang pag-uugali nila.
"At sinong nagsabi sa iyo na wala sila nitong pambihirang Escaping Talisman dahil meron ang bawat isa sa amin. At ang pinaka nakakamangha pa rito ay sagot lahat ito ng iyong ama gamit ang sariling bulsa nito hahahaha... Mahal na mahal ka talaga ng iyong ama to think na Escaping Talisman na ito ay sobrang napakamahal na kahit ako ay hindi ito mabibili ng sariling ipon ko lamang hahaha!!!!" Sambit ni Kai habang humahalakhak pa ito ng malakas.
Halos umusok sa galit si Jinron sa kaniyang narinig mula sa bibig pa mismo ng kinaiinisan niya ngayon na si Kai. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig na animo'y isa itong bombang paulit-ulit na sumasabog sa kaniyang tenga.
"Napakatuso mo talaga at wala kang kasing sama Kai! Hindi ko aakalain na dahil sa akin ay nakuha niyong huthutan ang aking ama para bilhin lamang ang pesteng bagay na iyan. Grrr... Hinding-hindi kita mapapatawad!" Sambit ni Jinron habang makikita na sobrang galit na galit ito sa kaniyang narinig na rebelasyon.
"Hahahaha... Hindi pa nga iyan ang dapat mong malaman. Sa ilang taon mong pagkawala ay walang tigil sa paghahanap ang iyong ama at ang nagagastos nito ay hindi na masusukat pa ng simlpleng halaga lamang. Isa pa ay naghihirap na ang iyong ama sa ngayon at last resort na nito ang paghire sa amin para hanapin ka hahahaha... Kaya tatakas ka pa ba at magmumukhang katatawanan ang iyong ama sa buong Black Raven Tribe lalo na sa iba pang Tribo na ang anak niya ang dahilan kung bakit nalugmok ito sa putikan hahahahaha...!!!!!" Malakas na tawa ni Kai habang makikita ang kakaibang ngisi sa mukha nito na siyang labis na ikinagalit ni Jinron.
"Hmmmp! Kalagan mo ko Kai! Humanda ka sakin pag nakawala ako dahil sisiguraduhin kong papatayin kita... Papatayin kita at uubusin ko ang lahi niyong mga White Raven sisiguraduhin kong kahit sa pangalawa mong buhay ay papaslangin kita!" Nagpupumiglas na sambit ni Jinron at mabilis na sinugod si Kai kung saan ito nakatayo ngayon.
Puah! Puah! Puahhh!
Mabilis at malalaking hakbang ang ginawa ni Jinron upang sugurin si Kai. Animo'y naglalagitnit ang barko sa bawat pagtapak nito sa sahig nito.
"Hahahaha... Wag mong subukan totoy dahil wala ka lang sa isang kalingkingan ko! Sariling mong desisyon ang paglalayas mo mula sa ama mo kaya wag mo kong pagbabantaan dahil wala kang kakayahan!" Sambit ni Kai habang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanya. Hindi niya rin mapigilang hindi magalit rito. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong taong binabantaan siya na wala namang binatbat sa kaniyang antas ng kakayahan sa kasalukuyan.
"Arrgghhhhhhh!" Sambit ni Jinron habang mabilis itong lumutang sa ere habang animo'y nahihirapan itong huminga.
"Lu-lumaban ka-ka n-ng p-patas K-Kai h-hindi y-yung ga-gagamitin m-mo la-lamang a-ako pa-para pa-pasunurin a-ang a-ama k-ko. Pag lumakas ako, itaga niyo sa bato, uu-ubusin k-ko k-ka-kayong m-mga p-peste ka-k-kayo!" Galit na galit na sambit ni Jinron habang nahihirapan itong huminga ngunit pinilit nitong sabihin ang gusto nitong sabihin kahit nauubusan na siya ng hangin dagdag pa na parang normal na tao lamang siya dahil sa Nullifying Tie.
"Sabihin mo yan kapag may lakas ka na at hindi yung salita ka lamang pero kulang naman sa gawa!" Sambit ni Kai at mabilis nitong ibinagsak ang katawan ni Jinron sa sahig ng Barko. Nawalan ito ng malay.
"Uuuwwkkk!"
Lumagitnit ng malakas ang barko at naramdaman din ni Kai na maraming mata ang nagmamasid sa kaniya.
Nakita niya ang mga ito na walang iba kundi ang kaniyang mga kasamang sampong martial artists na siyang alalay niya sa paghahanap sa suwail na anak ng malapit na kaibigan ng kaniyang ama.
Lumaki ang mga mata ng mga ito sa kanang nasaksihan. Nakanganga pa ang mga ito habang naglakihan ang kanilang mga mata.
...
Habang nangyayari ang bawat sagupaan at pagtatalo sa pagitan ni Kai at ang mapang-asar na si Jinron ay nagising ang sampong mga alalay ni Kai upang hanapin ang suwail na anak ng isang butihing opisyales.
Isa silang mga karaniwang kawal ng White Raven Tribe ngunit sila ang pinakamagaling sa pinakamagaling sa mga ito. Wala kasing nakakalamang sa kanila dahil ang ibang matataas na mga kawal na talentado ay naglakbay na sa ibang lugar na wala ng gampanin sa tribong kanilang kinabibilangan. Nagpapalakas man ito o nagkaroon ng pamilya ay wala ng pakialam pa ang kanilang tribo. Isa itong batas na siyang nagbibigay kalayaan sa sinuman. Marami rin namang nanatili sa kanilang tribo at nagiging ordinaryong mamamayan na lamang at ang bagong mga henerasyon ng magiging kawal ang siyang magiging susunod na hahalili sa kanilang pwesto. Sa madaling salita, ang White Raven Tribe ay isa sa mga masasabing Military Tribe kung saan ay dito nagkakaroon ng pagsasanay at pagtitipon upang turuan ang mga batang henerasyon sa maayos at organisadong pamamaraan. Mayroong tatlong uri ng iba't-ibang kasanayan rito at specialization.
Ang pinakauna o nangunguna sa listahan ay ang Weapon Type na mga kawal na siyang masusing tagapag-atake o bihisa sa anumang klaseng atake na epektibo sa isang sitwasyon kung saan masasabing close- combat sila lalo na ang mga gumagamit ng mga espada, palakol, gauntlet, claw, hammer at iba pa. mayroon ding long-ranged na klase ng mga martial artists na weapon type lalo na ang gumagamit ng mga mga pana, sibat, flying weapons at iba pa na siyang tinatawag na mga assasins at iba pa.
Pangalawa naman sa listahan ay ang mga Defensive Type kung saan sa salita palang na defense ay masasabing eksperto ang mga ito sa pagsangga, panangga at pagprotekta ng kanilang grupo. Dito nahahanay ang mga eksperto sa mga Defensive Combat, Defense Formation at Defense Array System. Hindi pwedeng baliwalain ito sapagkat kapag nagsama ang Weapon Type at Defense Type ay mahihirapan ang magiging kalaban ng mga ito.
Ang pangatlo sa listahan ang masasabing nakakamanghangha ngunit pinakakonti sa lahat at ito ay ang Skill Type na mga kawal. Ang kanilang mga Martial Spirits at Martial Soul ay sobrang compatible kung kaya't ang skills nila ay lubhang nakakamangha at napakabenepisyo. Dito nahahanay ang mga martial Artists na may malalakas na skills dahil sa pambihira nilang technique ngunit napakakonti lamang nila. Kaya nga kahit malalakas ang mga skills nila ay hindi nila mapapantayan sa bilang ang Defense Type na kawal at mas lalo na ang mga Weapon Type na mga kawal na kapwa nila martial artists dahil sila ang pinakamaraming bilang ayon na rin sa ranking na nasa listahan.
Kumpara sa mga departamento ng Alchemy Powerhouse Association na nasa maliit na kontinente ng Hyno ay walang-wala ang mga ito sa anumang aspeto ngunit sa paggawa ng Pills ay siguradong hindi magpapahuli ang nasabing Asosasyon. Ngunit sa pangkalahatan ay hindi mapapantayan ang White Raven Tribe ng isang Asosasyon na binuo lamang noong labindalawang taon na batang Van Grego.
Samantala...
Nag-umpisa mag-isip at magkuwentuhan gamit ang kanilang divine sense sampong kawal upang ipahayag ang kanilang saloobin.
"Grabe pala magalit si Boss noh... Katakot!" Sambit ng medyo payat na lalaking kasa-kasama ng iba pa na kapwa nito alalay sa ngayon. Siya ay si Julio na nabibilang sa hanay ng mga Skill Type na kawal. Kahit ganito ang katawan nito ay hindi naman nangangahulugan na napakahina nito.
"Sinabi mo pa, kung sino pa yung napakabait ay ito pa ang pinakagrabe magalit." Sambit naman ni Felipe na isang Weapon Type na kawal ng White Raven Tribe. Napakalaking bulas na tao nito halata rin na mahilig itong makipaglaban at magsanay ng pisikal na pag-eensayo.
"May katuturan ang sinabi niyo. Kung hindi ba naman tatanga-tanga ang Jinron na yan eh hindi sana siya nagkaganito." Sambit naman ni Ria na siyang isang babaeng kawal na nahahanay sa defense type. Hindi mo aakalain na isa itong Defense type na kawap at napagkakamalang lalaki dahil sa gupit nitong panglalaki. Siya ay sikat na kawal sa White Raven Tribe dahil hindi siya basta-batang mapapatumba ng iba. Hindi dahil sa kaya nitong pisikal na magdepensa kundi kung paano ito kagaling sa Defense Array System. Mahihiya ang sinumang sumubok sa galing nito sa pagdepensa. Pangarap din nitong makakilala ng malalakas na martial artists na bihasa sa Defense Array System. Paano pa kaya kung malaman niyang ang binatang si Van Grego ay kayang-kayang tapatan ang galing nito sa depensa?!
"Pinalaki kasing sunod sa luho at nakukuha ang lahat ng gusto nito kaya nga nagkakaganyan na yan!" Sambit ni Jason na isang Weapon Type na kawal ng White Raven Tribe. Likas na gusto nito ng ibayong katarungan at mabilis uminit ang ulo nito sa mga masasama ang pag-uugali kaya galit siya sa klase ng mga taong ito.
"Ewan ko ba pero naaawa ako sa kalagayan niya. Patong-patong na problema ang dinala at pinapasan ng ama nito dahil sa kalokohan niya." Pahayag naman ng saloobin ni Ronald na isang Defense Type na kawal. Ito ang may pinakamalaking katawan sa kanilang sampo. Binansagan ngang the Giant ito dahil malahigante nga ang taas nito maging ang katawan nito. Isang totoong Defense Type ito at animo'y isang malabakal na tanke sa mga labanan at kaguluhan ito. Halos magkasing lakas sila ni Ria pagdating sa depensa ngunit nangangarap na lamangan niya ang mga babaeng eksperto sa Defense Array Formation gamit ang kanilang pisikal na depensa.
"Ang sabihin mo nakakaawa nga pero nakakagigil din kasi yung mga kalokohan niya." Sambit naman ni Jon na isang Weapon Type na kawal ng White Raven Tribe. Kung sino ba naman ang maaawa sa isang suwail na anak na katulad ni Jinron na puro perwisyo ang dala nito sa butihin nitong ama. Kung anak niya ito sy malamang ay bibitin nitong patiwarik at ihagis sa mga grupo ng mga Martial Beast na uhaw sa dugo at laman.
