Nandito ngayon sina Kai at Jinron sa isang malaking barkong personal na pagmamay-ari ng tribong pinagmulan ni Kai, Ang White Raven Tribe na siyang kabaliktaran ng Black Raven Tribe. Mula pa lamang sa pangalan ng nasabing Tribo ay masasabing magkabaliktad talaga sila lalo na sa elementong gamit ng mga ito.
Ang Black Raven Tribe ay isang klase ng tribong nag-aaral at kilala bang bihasa sa paggamit ng konsepto ng Kadiliman o Darkness. Mas malakas sila kapag magtatakip-silim na lalo pa't ang kadiliman ng gabi ang kanilang natural na kakampi. Mula sa mga pag-aaral nila ng konseptong ito ay talagang napakalakas ng ganitong klaseng elemento. Hindi sa ipinagmamamyabang ngunit kilala ang tribong ito sa Central Region. Ang kanilang abilidad na pumatay at gumamit ng dark skills at forbidden techniques ay siyang kinakatakutan ng lahat pero hindi naman nila ito ginagamit ng palagian sapagkat ipinagbabawal na ito ng kanilang lahi dahil masyadong nakakapinsala ito hindi lamang sa katawan ng isang malakas na martial artist na gagamit ng mga dark skills at forbidden techniques ang maaaring mapinsala kundi maging ang matatamaan ng atake nito. Ibayong parusa ang maihahatol sa lalabag ng panuntunan ng datu ng Black Raven Tribe.
Hindi na rin kataka-taka na natalo si Van Grego dahil planado ang lahat ng ginawa ni Jinron upang paslangin ang binata.
Ang White Raven Tribe ay may mataas na antas sa larangan ng paggamit ng elemento ng Liwanag. Ito ang nagsisilbing nemesis ng Black Raven Tribe sa paggamit ng elemento pero magkaganon man ay hindi sila nagkaroon ng alitan sapagkat iisa lamang ang lahing pinagmulan nila lalo na sa nagtatag ng kanilang mga tribo.
Ito ay dahil sa kadahilanang ang kanilang lahi ay nagmula sa lahi ng napakalakas na Martial Beasts na may kakayahang maging tao na rin. Ito ay ang Black Raven at ang White Raven. Ang lahing pinagmulan nila ay isang malakas na Martial Beast ngunit hindi doon natatapos ang lahat. Nagkaroon ng kambal na anak ang White Raven at Black Raven na siyang may magkaibang elemento kagaya ng kanilang magulang. Ang panganay ay isang babae na may kakayahang kumontrol ng elemento ng Liwanag habang ang nakakabatang kambal nito ay isang lalaking mayroong kakayahang kumontrol ng elemento ng kadiliman.
Ngunit ang pinaka-nakapagtataka sa lahat ay ipinanganak ang magkambal na nasa anyong tao na siyang hindi maipaliwanag ng mag-asawang Black Raven at White Raven. Naisip nilang isa itong setback para sa kanila sapagkat nagmula sila sa magkaibang lahi at magkaibang elemento kaya ganon lamang ang naging resulta ng kanilang bunga. Ngunit magkaganon man ay nang lumakas ang dalawang magkapatid na iyon at tumuntong sa Martial God Realm ay nagkaroon sila ng kakayahang magtransform ng kanilang totoong anyong pinagmulan nila. Ang White Raven at Black Raven. Nagkaroon sila ng pamilya sa hanay ng lahi ng mga tao at doon ay itinatag ang kanilang malaking tribo.
...
"Nakita mo ba ang binatang iyon Jinron?! Kahit hindi mo sa akin sabihin ay gusto mong kitlan ng buhay ang binatang iyan at kung hindi ako dumating sa tamang oras ay baka naging abo na lamang ang buong Western Region!" Sambit ni Kai habang makikita ang sobrang pagkagalit rito.
Natahimik naman si Jinron ngunit maya-maya pa ay nagsalita rin ito dahil nawala na ang tumapal na enerhiya sa kaniyang bibig.
"Sa palagay mo ay ginusto kong mangyari iyon ha?! Napag-utusan lamang ako noh isa pa ay inosente ako sa mga pinagbibintang mo. Sa tingin mo ay gusto kong mamatay kasama ng binatang iyan?! Malay ko ba na sasabog pala ang katawan nito kapag inatake ko!" Sambit ni Jinron habang makikita ang labis na inis. Ikaw ba naman ang pamukhain sa'yo ang kapalpakan na hindi mo naman alam. Gusto niya sanang umalis na rito ngunit mayroong berdeng taling gumagapos sa kamay niya at ayaw niyang sini-sermonan siya ng kahit na sinuman. Kung walang nullifying effect ito ay kanina pa siya umalis dito dahil naririndi na siya sa sinasabi ni Kai.
"Poookkkkkk!"
Isang malakas na batok naman ang binigay ni Kai sa noo ni Jinron na siya namang ikinabuwal ni Jinron at napatumba ito sa sahig ng barko.
"Aray ko naman! Masyado ka ng namumuro ah!" Sambit ni Jinron habang matalim itong tiningnan si Kai.
Parang wala namang narinig si Kai na salita ni Jinron at nagsalita itong muli.
"Kung pinag-aralan mo sanang mabuti ang binkgay sa'yo na leksyon ng iyong Master ay hindi ka sana sobrang mangmang at ignorante sa bagay na kagaya ng Moon Qi. Pansin mo ba na may pulang enerhiyang pumapasok sa katawan ng binatang iyan?! Dahil sigurado akong bago pa lang nitong nakuha ang ganoong abilidad na tinatawag Moon Qi Gatherer. Nagmimistulang sisidlan ng enerhiya ang katawan nito upang mas lumakas pa ito. Pero dahil sa kamangmangan mo ay muntik pa kong mamatay sa ginawa mong iyon! Tanging ang Martial Dominator Realm pataas lamang ang maaaring makaligtas sa pagsabog ng katawan ng binatang iyan." Sambit ni Kai habang ipinaintindi ang mali ni Jinron na siyang isang malaki talagang kamangmangan. Kung sineryoso lamang nitong pinag-aralan ang mga bagay-bagay na importante ay masasabi mong complete package na ito ngunit mas gusto kasi nito ng mga gulo at pisikalan na labanan kaya ganito na lamang ang resulta ng binatang si Jinron na madaling mauto ng mga mapagsamantalang nilalang.
"Hmmp! Ano naman ang makukuha ko sa paaral-aral na yan eh hindi naman magagamit yan sa totoong labanan. Balewala rin naman yang mga basurang papel at impormasyon na yan!" Sambit ni Jinron habang naiinis itong tumingin kay Kai. Sinubukan niya pang kalasin ang animo'y buhay na berdeng tali sa kaniyang kamay ngunit hindi nito magawang makawala.
"Ang lala mo na talaga Jinron. Akala ko ay magbabago ka pa pero tingnan mo ang buhay mo? Kung umayos ka lang sana ay magkasinglakas na tayo ngayon. At wag mo na ring subukang makatakas diyan. Higit na mas malakas ang resistant ability nito sa inaakala mo. Tanging ang lakas ng Martial Sacred Realm lamang ang makakatanggal ng kusa diyan na walang iba kundi ako kaya wag mo ng subukang tumakas dahil sa ayaw at sa gusto mo ay ibabalik na kita sa ama mo!" Sambit ni Kai habang nakangisi. Dito lang talaga siya nahirapang hanapin at sumakit talaga ulo niya sa kasuwailan ng pag-uugali nito.
