Whooosh! Whooosh! Whooosh!
Nakita na lamang ng binatang si Van Grego na malapit na siyang iluwa ng nasabing Portal ay mabilis niyang inihanda ang kaniyang sarili upang lumapag sa kakaibang lugar na pupuntahan o babagsakan niya. Tiyak siyang hindi magandang lugar ang babagsakan niya kundi isang napakadelikadong lugar.
"Kung minamalas ka nga naman. Bakit ba puro malalakas lamang ang palaging nasasagupa ko pero isa rin oportunidad sa akin. Sisikapin kong magpalakas pa lalo sa madaling panahon. Kung panghihinaan ako ng loob ay wala rin naman akong mapapala." Sambit ni Van Grego habang makikita ang nag-aalab na determinasyon sa kaniyang mukha.
Napahawak si Van Grego sa kaniyang kaliwang dibdib. Napinsala kasi siya ng suntok ng Martial God Realm Expert na iyon kani-kanina lamang. Hindi niya mapigilang hindi magalit o makaramdam ng inis rito. Tunay na napakababa ng kaniyang Cultivation Level upang labanan o madepensahanan man lang ang atake ng binatang halos matanda lamang sa kaniya ng konti. Hindi siya makapaniwalang hindi niya malabanan ang mga ito ng harap-harapan. Nagpapasalamat pa rin siya dahil buhay pa siya at hindi ganoon kalaki ang pinsalang kanjyang natamo. Itinatak niya sa isipan niyang magpupursigi siya at patuloy na tahakin ang pagpapalakas ng kaniyang Cultivation Level at kanyang mga abilidad.
Pooohhhh....
Mabilis na lumapag si Van Grego sa hindi pamilyar na lugar. Napakadilim ng paligid at Napahinga siya ng maluwag ng makita ang malaking buwan sa itaas ng kalangitan at napahinga siya ng maluwag.
"Akala ko talaga ay nasa lugar ako na kung saan ay walang buwan o kaya ng oras at panahon. Mabuti na lamang at nasa parte parin ito ng mundo. Hmmp! Kung kaya ko lang labanan ang mga iyon ay hindi ako mapupunta sa lugar na ito." Himutok ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang.
"Eeeerrrrccckkkkkk!!!!!!!!"
Isang malakas na huni ng isang nilalang ang biglang narinig ni Van Grego mula sa himpapawid.
Agad siyang napatago sa isang malaking patay na punong nakatayo. Nakaramdam si Van Grego na napakadelikado ng lugar na ito.
Maya-maya pa ay inabangan niya ang paparating na nilalang at doon ay nabigla ang binatang si Van Grego sa kanyang nakita.
"Isang Four Winged Colossal Moa"
Halos manindig ang balahibo ni Van Grego sa kaniyang nakita. Isang Warrior Beast na naman ang kaniyang nakita na siyang ikinaalarma niya. Alam niyang kahit saang anggulo tingnan ay mas malakas ito ng di hamak sa Primal Golden Apes kung pagbabasehan ang bloodline ng dalawang halimaw. Masasabing kapag lumaki sila ng tuluyan at lumakas ay magiging King Beast ang mga ito.
Nang makalayo na ang nasabing ibon ay saka na lamang umalis sa lugar na ito si Van Grego upang maghanap ng ligtas na lugar na kaniyang tutuluyan. Alam niyang ang umaga at gabi rito ay napakadelikado lalo pa't narinig niya na isa itong Battlefields na siyang masasabing malawak na Forbidden Areas. Ang nalalaman niya ay patungkol lamang sa paunang mga impormasyon at maaaring lugar ito ng labanan o kaya ng malawakang giyera ng lahi.
Ilang minuto lamang ang nakalilipas ay mabilis rin siyang nakahanap ng abandonandong lugar kung saan ay isang maliit lamang itong bitak sa gilid ng maliit n burol. Makapal ang Heaven and Earth Qi sa lugar na ito kaya nakakasigurado siyang mainam ang lugar na ito sa gustong magcultivate ngunit ang lugar na ito ay napakadelikado dahil maraming pagala-galang mga nilalang siyang namataan at napakataas ng antas ng mga Cultivation Levels ng mga mababangis na halimaw.
Whooosh! Whoosh! Whooosh! ...!
Agad na gumawa si Van Grego ng mga mumunting Seals at mga matitibay na Array Formation maging ng mga concealment array at iba pa upang itago ang kaniyang sarili laban sa mga halimaw o mga nilalang na pagala-gala sa lugar na ito.
Agad niyang binuksan ang nakuha niyang lumang libro na pagmamay-ari ng dating Stardust Envoy Silent Walker. Agad niyang pinatuluan ng kaniyang sariling dugo ang animo'y lumang libro at bigla na lamang nagliwanag ito.
Unti-unti itong umangat sa ere at lumitaw ang isang kulay berdeng animo'y ugat at nagporma ng mga linya at nagkaroon ng malaking pabilog na hugis sa gitnang bahagi ng libro.
"Isang Book Artifact?! Kung siniswerte ka nga naman hehehe..." Sambit ni Van Grego na may manghang ekspresyon sa mukha nito. Napakaraming uri ng Book Artifact at masasabi niyang isa siyang napakaswerteng nilalang. Napakarami man nang Book Artifact ngunit pili lamang ang nakakahanap at nagmamay-asri nito.Mayroong book artifact na naglalaman ng iba't ibang mga Technique, mayroon ding book artifact na naglalaman ng Sacred drawings ng mga halimaw, mayroon ding Book Artifact ng mga nakaguhit na mga iba't-ibang mga armas, meron ding purong impormasyon lamang at iba pang klase ng mga nkakamanghang bagay na nasa loob ng nasabing pambihir artifact na libro.
Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay biglang nagulat si Van Grego ng magsalita ang libro.
"Magandang gabi Master, kung may katanungan ka po ay maaari kong sagutin sa pamamagitan ng aking malawak na kaalaman." Sambit ng Book Artifact.
Nagulat naman si Van Grego dahil marunong magsalita ang nasabing artifact. Yun nga lang ay parang mechanical voice lamang ito kung magsalita.
"Bakit ka naging Book Artifact?! Saan nagmula ang mga katulad mo?!" Sambit ni Van Grego habang nagtataka.
"Ang mga Book Artifact Master ay hindi po kami natural na ginawa kundi ay mismong residual soul lang kami ng nagmamay-ari sa amin. Kami ay mismong kaalaman ng yumaong malakas na Cultivators. Kaming mga Book Artifact ay ordinaryong libro lamang noon pero dahil ayaw ng isang malakas na nilalang na mabura ang lahat ng kaniyang existence dito sa mundo ay ginawa niya ito upang maging gabay sa tagapagmana nito." Sambit ng Book Artifact habang makikita ang saya sa boses nito.
"Kung ganon pala ay residual soul pala ito ni Stardust Envoy Silent Walker para maging gabay ko sa paglalakbay kong ito. Kung gayon ay hindi pa siya tuluyang nabura mundong ito." Sambit ni Van Grego habang malawak na napangiti.
"Book Artifact, ano'ng klaseng lugar ako naroroon ngayon?!" Sambit ni Van Grego habang nagtatanong ito sa libro.
Biglang nagliwanag ang buong katawan ng nasabing Book Artifact at mabilis na nagwika.
"Master, ang iyong lugar na kinaroroonan ngayon ay isang Battlefield. Ang tawag sa lugar na ito ay Tombstone Battlefield. Napakalawak ng lugar na ito na hindi ko masukat kung gaano." Sambit ng Book Artifact.
"Ano ba ang Tombstone Battlefield?!" Sambit ni Van Grego habang nagtataka.
"Ang Tombstone Battlefield ay isa sa mga Forbidden Areas ng Central Region. Pinaniniwalaang ang lugar na ito ay naging labanan at naging libingan o graveyard ng mga malalakas na nilalang noong nakaraang siglo. Ang labanan ay nagdulot ng malawakng casualties.ang ibang detalye ay hindi na sakop ng aking kakayahan." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.
"Hmmm... Kung gayon ay may limitasyon rin pala ang impormasyong nalalaman nito pero mabuti at may nakuha akong impormasyon patungkol rito hehehe..." Sambit ni Van Grego habang nakangisi.
"Kung ganon pala au mayroon palang oportunidad sa loob ng Tombstone Battlefield?! Ilan kaya ang successful rate ko kung susubukan kong manghalughog sa lugar na ito at kumuha ng mga mahahalagang kayamanan o remains ng yumaong mga malalakas na nilalang noon?!" Sambit ni Van Grego ng patanong. Bahagyang kumislap ang mata nito.
"Scanning... Loading... Data Analyzing... Complete!"
Iyan ang sinasabi ng Book Artifact ng ma-scan nito ang data ni Van Grego.
"Base sa evaluation ng testing datas na aking isinagawa Master ay mayroon ka lamang sampong porsyento na tsansang makaligtas sa mga Graveyards dito. Halos ang mga Graveyards dito ay purong mga Blood Awakening Realm Expert o Martial Stardust Realm Expert. Ang iyong Cultivation Level ay napakababa kung kaya't ang mabilis na pagcu-cultivate ang dapat mong unahin." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.
Napasimangot naman si Van Grego sa kaniyang narinig. Talagang pati ang book artifact na ito ay binu-bully siya at ina-underestimate siya nito maging ng ibang mga Cultivators pero na-realize niya na tama ito. Hindi naman kasi ito nagsisinungaling eh at base iyon sa kanyang kakayahan ngayon. Talagang napakalayo pa at matagal pa ang kaniyang guguguling oras para maabot ang antas na inaasam niya.
"Kung gayon ay sisimulan ko ng magcultivate muna." Sambit ni Van Grego sa book Artifact.
Agad namang nanahimik lamang ang book artifact at mabilis itong naging marka at napunta ito sa wrist ng binata. Naging animo'y instant tattoo ito sa balat ng binata.
Nag-umpisang muli ang binata sa pagcucultivate habang iwinala niya ang kaniyang mga problema pansamantala at ituon ang kaniyang sarili sa pagpapalakas ng kaniyang Cultivation.
...
Sa loob rin ng Tombstone Battlefield ay kasalukuyang naglalakbay si Nova Celestine. Mistulang naglilibot-libot ito sa mga lugar kung saan ay hinahanap nito ang kaniyang alalay na si Rain na isang Martial Monarch Realm Expert at ang binatang si Van Grego. Alam niyang malaki ang posibilidad na andito rin ang pasaway na binatang iyon. Talagang nalinlang din siya ng antas ng binatang iyon. May kakayahan pala iyon sa Array Formation na siyang huli niya na nalaman.
"Hmmmp! Makakatikim talaga ang binatang iyon sa akin. Kung bakit ba naman nauto ako ng ganon-ganon lamang. Isa akong Prinsesa ng aming kaharian tapos nalinlang lang ako ng basta-basta ng isang kumag na iyon?!" Sambit ni Nova Celestine habang naiinis sa binatang Martial Ancestor Realm Expert na iyon. Kung bakit ba naman nagtiwala siya rito at nagpalinlang edi sana ay nalabanan niya ang mga Samurai Expert na pinadala ng konseho. Hindi siya kailanman umatras sa kahit sinumang kalaban niya dahil isa iyong kahihiyan.
Agad na niyang in-divert ang kaniyang sarili sa paghahanap. Naging maingat rin siya sa paglalakbay niya at hindi siya lumipad. Baka kung lumipad pa siya ay atakehin siya ng mga Flying type beasts. Nakita niya rin kasi ang mga dambuhalang mga nilalang at lalong-lalo na ang dambuhalang ibon na sobrang lakas. Kahit na sabihing isang Martial God Realm siya at Martial Monarch Realm Expert ang kakalabanin niyang dambuhalang halimaw ay matatalo pa rin siya rito dahil sa laki nito. Baka ikamatay niya pa kung lalabanan niya ito ng harap-harapan o ang mas malala ay makisali pa ang ibang mga halimaw sa labanan. Siguradong siya pa rin ang matatalo o ang mas nakakatakot pang senaryo ang naiisip niya ay baka mamamatay siya sa mga ito. Naiisip niya palang na mamamatay siya rito ay siguradong walang matitirang kahit buto niya lamang dito o baka maging Ferrocious Ghost siya dahil sa Dark essence sa lugar na ito.
Napakamisteryoso ng lugar kasi humina ang range ng divine sense ng dalagang si Nova Celestine. Tunay ngang nakakatakot at kinakatakutan ang mga Forbidden Areas lalo na ang mga Battlefields. Kung sino ba naman kasi ang gugustuhing manatili rito. Napakayaman man ng Heaven and Earth Qi rito ay wala naman itong silbi kung mamamatay ka sa lugar na ito. Mas makapal na Heaven and Earth Qi ay mas nakakatakot ang naninirahan dito idagdag pang madaming mga lumang mga traps, arrays, formations at iba pa ang nakakalat lamang sa paligid. Kung hindi ka mag-iingat ay siguradong mapipinsala pa rin ang iyong sarili rito.
"Hahahanapin kita Rain, tapos ay hahanapin ko rin ang binatang iyon. Talagang dinamay pa ko sa kaduwagan ng binatang iyon. Pesteng binatang iyon, Ako na si Princess Nova Celestine ay hindi kailanman umatras sa laban kaya tuturuan kita ng leksyon sa oras na mahanap kita, lintik lang ang walang ganti!" Nagpupuyos sa inis ang dalagang si Nova Celestine habang sinasabi ang bagay na ito. Ang problema nila ay mas lumaki at naging komplikado pa dahil para sa kaniya ay malas ang binata dahil sa aksidenteng pagkatagpo ng landas nila. Kung di ba naman sila sinusuwerte at minalas pa sila dahil sa binatang iyon dahil mahihirapan pa siyang halughugin ang walang katapusang lugar na ito.
...
Pitong oras ang nakakalipas at maramdaman ni Van Grego na unti-unting sumisikat ang haring araw. Naramdaman niyang umaliwalas ang paligid ngunit hindi ang kapaligiran mismo.
Agad na pinawala ni Van Grego ang kaniyang sariling enerhiyang lumabas sa kaniyang katawan at ibinalik sa maayos na estado ang kaniyang sarili.
Agad siyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Naramdaman niya rin na hindi pa siya ganon kadaling magbreakthrough sa 2-Star Martial Ancestor Realm dahil kaka-breakthrough niya pa lamang sa Martial Ancestor Realm noong nakaraang araw. Ang ginawa niya ay isinaayos ang kaniyang sariling enerhiya na medyo magulo at pinagaling ng unti-unti ang kaniyang pinsalang natamo sa ginawang atake ng Martial God Realm Expert.
Nakita niya ang malaabong kulay ng lupa at patay na mga puno sa paligid. Mistulang nasa isang isolated place si Van Grego. Hindi maipagkakailang kahit sino ay kikilabutan sa senaryong ito kung saan ay parang wlaang buhay ang kapaligiran. Nasanay na siya sa luntiang kapaligiran kaya parang naging malungkot at nakakatakot ang atmosperang ibinibigay ng lugar.
Mabilis na naglakbay si Van Grego upang lakbayin at kabisaduhin ang lugar na bagong senaryo lamang sa kanyang paningin. Tiyak siyang magiging kakaiba ang karanasan niya rito. Hindi niya nalilimutan ang Golden Rule niya, ang mabuhay...
