Nakita na lamang ni Van Grego ang kaniyang sarili na naglalakbay sa kakahuyang walang buhay. Puro mga marurupok na kahoy lamang ang nakatayo at malalaking tipak ng bato. Kapansin-pansin na kulay abo ang lupa na parang ang lahat ng sustansya sa lupa ay walang natira. Nakikita ni Van Grego na masyado namang imposible ang bagay na ito sapagkat napakasagana naman ng Heaven and Earth Qi ngunit ang lupa at kapaligiran ay parang wala ng buhay. Napansin niya rin na mayroong humahalong Dark Essence sa hangin ngunit hindi naman ito dahilan upang mamatay ang sustansya ng lupa.
Maya-maya pa ay mabilis na pinalabas ni Van Grego ang Book Artifact sa kaniyang wrist o pala-pulsuhan. Agad namang lumitaw ang libro.
"Ano po ang nais niyong malaman Master?!" Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.
"Alam mo ba kung ano ang sanhi ng pagkawala ng sustansya ng lupa at ng mga buhay ng kapaligiran dito?!" Tanong ni Van Grego habang nakakunot ang noo nito.
Agad na sinuri ng Book Artifact ang lupa at ang kapaligiran.
"Hindi ko po alam Master, ang alam ko lamang ay abg pagkawala ng sustansya ng lupa ay hindi dahil sa Dark Essence kundi ang lupa ay may mismong nag-aabsorb ngunit may kumukuha rin ng sustansya rito." Sambit ng book Artifact sa usual nitong boses na animo'y isang robot.
Agad na ibinalik ni Van Grego sa kaniyang palapulsuhan ang Book Artifact na siyang naging parang markang muli na animo'y disenyo sa balat nito.
"Hmmm... Kung gayon ay mayroong kung anong nilalang ang kumakain ng sustansya?!" Sambit ni Van Grego at naramdaman niyang biglang nagkaroon ng mahinang pagyanig ng lupang kinaroroonan niya.
Crackkk! Cracckkk! Cracckkk!
Nagkaroon ng bitak-bitak sa lupa hanggang sa lumawak ng lumawak ito kung saan ay papunta sa direksyon ng binatang si Van Grego na siyang ikinanlaki ng mata ng nasabing binata.
PEHHHHH!!!!
Tumalon ng mataas ang binata paatras upang maapektuhan o mapinsala ang kaniyang sarili laban sa maaaring masagupa niya.
BAAANNNNGGGGG!!!!!
Hindi nga nagkamali ang binatang si Van Grego sa kaniyang assumption at bigla na lamang sumabog ng malakas ang kaniyang kinaroonan kanina. Kung hindi pa siya tumalon paatras ng maaga ay malamang ay nadamay siya o nasugatan dulot ng malakas na pagsabog.
"Muntikan na ko doon ah...hmmm." sambit ni Van Grego nang maramdaman niyang biglang nagkaroon ng crack ang kinaroroonan niya. Halos dalawang segundo lamang ito kung kaya't nanlaki ang mata ni Van Grego sa madaliang pagbago ng direksyon ng crack ng kulay abong lupa.
BANNNNGGGGG!!!!!!
Sa oras na ito ay walang nagawa si Van Grego kundi ipalabas ang kaniyang protective essence sa palibot ng kaniyang katawan. Waalng dudang nadamay na siya sa biglaang marahas na pagsabog ng lupa.
"Arrrckkkk!!!!"
Ramdam ni Van Grego ang pagtama sa kaniyang katawan ng marahas na pwersa ng lupa dulot ng pagsabog.
BOOGSHHHH!!!!!
Tumilapon ang sarili ni Van Grego sa malayong parte na kanyang pinagtalunan kanina. Napakabilis ng pangyayari at napakahina pa ng range ng divine sense ni Van Grego sa lugar na ito na siyang palaisipan sa kaniya.
Agad na bumangon ang binata mula sa pagkatilapon nito at mabilis na tumalon-talon paatras malayo sa kaniyang kinaroroonan kani-kanina lamang.
"Malas naman oh. Saan galing ang atakeng iyon. Posible kayang sa lupa mismo?!" Sambit ni Van Grego habang nagtataka. Hindi niya pa naririnig ang halimaw na kayang umatake mula sa ilalim ng lupa at sobrang talas pa at accurate ang pag-atake nito. Isa itong nakakamangha ngunit nakakatakot na pangyayari para sa binatang si Van Grego.
Agad na ipinalabas muli ng binata ang Book Artifact sa kaniyang palapulsuhan at doon ay mabilis na lumitaw ang nasabing pambihirang libro.
Ano ang maaaring nakatirang nilalang sa lupang ito at ano ang maaari kong gawin?!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang sariling Book Artifact.
"Base sa kaalaman ko ay maaaring isa itong mabangis na dambuhalang uod na tinatawag na Eyeless Ferrocious Worm. Tinagurian ito sa sikat nitong pangalan na Ferrocious Earth Worms dahil ito ang pangunahing tagakain ng sustansya ng lupa rito. Maliban roon ay wala na akong impormasyong nakalap sa nasabing halimaw." Sambit ng Book Artifact sa Mechanical voice nito.
Napangiti naman si Van Grego sa loob-loob niya. Maaasahan din pala ang Book Artifact na ito kaso nga lang ay may limitasyon ang impormasyon nito which is understandable naman. Hindi naman kasi lahat ay may kasagutan sa mundong ito. Habang tumatagal ay madaragdagan pareho ang kaalaman nila na sigurado siyang isang magandang outcome ito.
"Kung gayon ay mayroon bang tsansang mapaslang ko ang halimaw na umaatake sa akin?!" Sambit ni Van Grego habang umaasa siyang mayroong solusyon ang kaniyang problema.
Biglang nagliwanag naman ng bahagya ang Book Artifact at muling nagwika gamit ang kaniyang mechanical voice.
"Oo naman. Kung pagbabasehan ay magkatulad lamang ang kahinaan ng Ferocious Earth Worms sa ordinaryong uod. Yun nga lang ay mahihirapan kang mapalabas ito. Kung gagalitin mo ito at maiinis ang nasabing halimaw ay may chansang mapalabas mo ito. Ang iyong Succession Rate na mapatay mo ito ay nasa 60% dahil isang Martial Emperor Realm Expert lamang ang uod na ito. Hindi lamang iyan dahil mayroon pang malaking benepisyo kang makukuha rito sapagkat napakamahal at pwedeng gamitin ng Alchemist ang kaniyang Beast Core." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.
Lubos na natuwa si Van Grego sa kaniyang natuklasan. Indeed, totoo ang sinabi nito. Ang mga ordinaryong uod kasi ay mayroong abilidad sa replacement o replicate kung saan ay maihahalintulad din ito sa abilidad na regeneration. Nakakamangha ang abilidad na ito sapagkat kaya rin nilang maging immune sa sakit sa mahabang oras. Mabilis ding maghilum ang mga sugat ng mga ito kung kaya't gustong-gusto itong eksperimentuhan ng mga Alchemist. Kaso nga lang ay limitado lamang ang Stocks ng mga martial beasts na uod dahil mahirap patayin o hulihin ang mga ito kaya ang presyo ng bilihan ng mga Beast Cores ay nakadepende sa rarity ng mga ito at grade.
Hindi binabalak ni Van Grego na ipagbili ang uod kung sakaling mapatay at makuha nito ang nasabing Beast Core nito dahil mayroon siyang balak gawin sa beast core nito. Isa pa ay ngayon lamang siya naka-encounter ng ganitong klaseng uod. Tunay na napakalawak at napakaraming uri ng mga rare species ng mga Martial Beasts. Hindi niya lubos aakalaing ang pagpunta sa isa sa mga Battlefield na ito ay isa rin palang oportunidad para sa kaniya.
"Kung gayon ay wala akong pagpipilian kundi labanan ang halimaw na ito ng harap-harapan. Sisiguraduhin kong lalabas siya sa lungga nito hehe..." Nakangising sambit ni Van Grego.
Agad na bumalik sa pagiging marka ang kaniyang Book Artifact at mabilis siyang tumalon-talon sa iba't-ibang direksyon.
"Kung gayon ay nasa ilalim pala ng lupa nakatira ito at kahit wala itong mata ay matalas ang senses nito o sensitibo ito sa enerhiya." Sambit ni Van Grego at mabilis na nagsagawa ng Formation Technique
Sambit ni Van Grego at unti-unting namuo sa kamay ng binata ang mga selyo. Lumipad ito sa iba't-ibang parte ng kung saan ay alam niyang boundary ng halimaw at niya.
Lumiwanag ang tinatapakan ni Van Grego at pumailalim ang mga maliliit na simbolo.
Maya-maya pa ay naramdaman ni Van Grego na yumanig ang lupang tinatapakan niya at biglang sumabog ito
BANGGGGG!!!!
Ngunit sa kabutihang palad ay nakalundag si Van Grego ng mataas bago pa siya matamaan o mapinsala ng atake ng halimaw.
"Napakatuso at napakatalino ng halimaw na ito. Hindi ko aakalaing ako mismo ang aatakehin nito. Siguro ay dahil sa Moon Qi na hindi ko ma-suppress sa loob ng aking katawan." Sambit ni Van Grego habang nangangamba sa binabalak o pinaplano ng halimaw. Hindi niya pa rin makontrol ang Moon Qi dahil sa bago pa lamang siya sa enerhiyang ito. Paunti-unti niyang nakokontrol ito ngunit hindi agad-agad sapagkat hindi naman ito ang natural na enerhiyang pagmamay-ari niya mismo.
Maya-maya pa ay nagulat lamang si Van Grego ng biglang mayroong malalaking tipak ng bato ang umulan papunta sa kaniya mismo galing sa baba.
Mabilis na nagsagawa si Van Grego ng Space Skill mula sa natutunan niyang Concept of Space.
"Space Skill: Space Distortions" Sambit ni Van Grego at mabilis na nagkaroon ng pagcrack o pagdistort ng Space ngunit nagulat siya na ganon lamang ang nalikha ng kaniyang Skill.
"Naloko na!" Sambit ni Van Grego habang mabilis niyang dinepensahan ang kaniyang sariling katawan ng kaniyang mga braso.
BANG!
Nasangga niya ang nasabing unang atake ngunit medyo napaatras pa siya ng konti dahil dito.
BANGGGGGGG!!!!!
Sa pangalawang atake ay tumilapon si Van Grego dahil sa malaking tipak ng bato. Napakalakas ng pagkakahagis ng bato at napakalaki pa kung kaya't walang nagawa si Van Grego kundi ang depensahan na lamang ang kaniyang sarili lalo na ang kaniyang vital points sa katawan.
Pinilit ni Van Grego na tumayo habang iniinda ang sugat na kanyang natamo sa pagkakatilapon niya. Bakas ang pasa sa kaliwang noo at sa mga siko nito.
"Arrghhh... Kung minamalas ka nga naman. Nakalimutan kong mas solido ang Space dito kumpara sa ibang rehiyon lalo na sa Central Region. Hindi ako naging maingat, ang aking atake noon na malakas sa Hyno Continent o sa Arnigon Continent patungkol sa Space ay napakahina rin pala iyon kung dito ako nakipaglaban." Sambit ni Van Grego habang makikita ang lungkot sa mukha nito. Napakakapal kasi ng Space dito at idagdag pang mayroong makakapal na enerhiya ng Dark Essence at Heaven and Earth Qi na humahalo sa hangin kaya imposibleng maggamit niya ng malakas ang kaniyang Concept of Space sa pagsagawa ng Space Skill. Ang kailangan niya ay mag-adjust ang kaniyang sarili sa lugar na ito.
"Kung gayon ay kailangan kong pwersahang palabasin ang tusong uod na iyon. Kung magpapatuloy ang labanang ito ay malaki ang tsansang matatalo lamang ako." Nangangambang sambit ng binatang si Van Grego. Alam niyang siya ang nasa disadvantages dahil ang kalabanan niya ay nagtatago lamang sa lupa at madali lamang siyang maatake ng mga ito. Imposibleng magpakita ito habang humihinga pa siya.
"Tingnan natin kung hindi ka lalabas sa lungga mong halimaw na uod ka hehehe..." Sambit ni Van Grego habang napangisi pa ito. Mabilis na lumitaw sa kamay nito ang isang kakaibang likido kulay itim sa loob ng isang transparent tube. Walang dudang isa itong kakaibang bagay na itinatago ng binata sa kaniyang personal possession.
Mabilis na lumundag si Van Grego nang mataas saka niya pinatuluan ng tatlong patak ang kalupaang kulay abo.
"Tingnan natin kung hindi ka lalabas sa aking makamandag na Pill na Soil Contaminating Liquid Pill. Lalabas ka o mamamatay ka dahil sa suffocation hehehe..." Sambit ni Van Grego habang nakangisi. Hindi niya hahayaang mautakan ng isang Martial Emperor Beast lamang na isang Ferocious Earth Worms lamang. Isa pa ay wala itong mga mata ngunit ang napakatalas at sensitibo nitong pandama sa enerhiya ang nakakatakot na abilidad ng nasabing uod.
Pluck! Pluck! Pluck!
Rinig na rinig ni Van Grego ang tatlong patak ng Soil Contaminating Liquid Pill.
Ilang minuto lamang ang nakalipas ay unti-unting umuusok ang lupa at mistulang lumiliyab pa ang lupa ng kulay itim na apoy.
Ramdam ni Van Grego na mayroong kakaibang nangyayari sa lupa. Nakaramdam si Van Grego ng napakalakas na enerhiya sa ilalim ng lupa. Nag-levitate lamang siya sa hangin upang tingnan ang pangyayari sa kalupaan.
GRRROOOOAARRRR!!!!!!!!
Isang malakas na atungal ang pinakawalan ng isang halimaw sa ilalim ng parte ng lupa at biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog.
"BANNNNGGGGG!!!!!!!!"
Naglikha ng malakas na ingay at makapal na usok ang nangyaring pagsabog sa kalupaang parte.
Nagulat ang binatang si Van Grego ng biglang lumitaw ang ulo ng isang nakakatakot na nilalang sa kaniyang harapan mismo.
"Hmmm...Nadali na!" Sambit ni Van Grego habang mabilis na nagbackflip paitataas ng paitaas sa himpapawid. Bawat backflip niya ay mistulang nagkakaroon ng Space fluctuations ang kaniyang naiiwan sa hangin.
Walong Sunod-sunod na Backflip ang ginawa ni Van Grego sa himpapawid at mabilis ring bumulusok pailalim ang halimaw na Ferocious Earth Worms na iyon. Nakakatakot ang itsura nito at ang naglalakihang pangil nito. Walang mata man lang at mayroon lamang walong butas ang mukha nito at purong mga nagtataliman at hindi maisip na pangil sa loob at labas ng bunganga nito.
"Pesteng halimaw na iyon. Marunong palang mag-Aerial Jump ito. Kaya pala kulay abo ang lupang tinatapakan ko ay dahil sa teritoryo pala ito ng halimaw na ito." Sambit ni Van Grego habang makikita ang inis sa boses nito. Ngayon lamang siya nakakita ng uod na kayang mag-aerial jump at napakataas pa. Muntikan pa siyang makain ng dambuhalang bunganga nito na puro ngipin ang buong katawan nito.
Pinanatiling nakalevitate ni Van Grego ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang natutunang konsepto ng hangin. Mabuti na lanang at kahit papaano ay nagagamit niya pa rin ang Concept of Space kung hindi ay tuluyan na siyang nakain ng buhay ng halimaw. Mataas man ang depensa at opensa ni Van Grego ngunit kapag napasok siya sa hindi mabilang na nagtatalimang ngipin ng halimaw ay siguradong mamamatay siya doon. Hindi naman kasi siya invincible at kahit ang halimaw na ito ay isang Martial Emperor Realm Beast lamang ay kaya pa rin nitong paslangin ang Martial Ancestor Realm Expert na katulad niya o mas mataas pang lebel.
