Cherreads

Chapter 271 - Chapter 100

"Ano ba ang pinagsasabi mo Triper, anong pinagpalit diyan na sinasabi mo?! Gusto mong isa-isahin ko ang mga naging babae mo ha?! Talagang ikaw na lalaki ka!!!!!!" Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na animo'y mababakas ang inis sa boses nito. Tila tumataas-taas pa ang Snake Gills nito sa bandang leeg nito.

Medyo nahintatakutan naman ang binatang si Van Grego.

Agad namang naagaw ang atensyon ng tila nagkakatampuhang mag-asawang One-Horned White Tiger Python kung saan ay naramdaman nila ang uneasiness ng binatang tao na kanina pa nakatayo sa kinaroroonan nito.

"Magtigil ka nga Triper, umayos ka. Ramdam kong mayroong espesyal sa binatang ito na hindi ko alam kung ano." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Vernaya.

"At ano namang espesyal sa binatang estranghero na mula sa lahi ng tao na ito para pag-aksayahan mo ng oras ito. Isa pa ay isang hamak lamang na masuwerteng nakatapak sa Martial Ancestor Realm lamang ang binatang ito." Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Triper. Hindi niya maintindihan ang asawa niya at tila gumagana naman ang women's instinct nito na hindi niya maintindihan. Minsan ay nakakaramdam siya ng selos sa tuwing may pumupukaw ng interes sa asawa niyang si Vernaya. Kahit ultimo'y mga bagay na nagustuhan o natitipuhan ng kaniyang asawa ay pinagseselosan nito.

"Hindi ko matukoy eh, nakakaramdam ako ng familiarity at nakakaramdam ako ng panganib sa katauhan ng binatang ito. Yun nga lang ay tila hindi ko ma-figure out kung ano talaga ito." Seryosong sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Vernaya. Nakakaramdam kasi siya ng kakaiba sa binatang ito. Tila mayroong espesyal na katangian ito o bagay na tinataglay na nagkakaroon siya ng tila hindi kanais-nais na pakiramdam. Yung tilang espesyal ito ngunit may panganib na dala lalo na sa kaniyang bloodline.

Nang marinig ito ng asawa nitong One-Horned White Tiger Python na si Triper ay tila nanghihimutok ang kaniyang puso't isipan. Tila nakaramdam siya ng matinding selos. Yung tipong akala niya ay nawawalan na ng interes ang asawa niya sa kaniya. Aaminin niyang ngayon lamang siya naging ganito sapagkat hindi niya alam kung ano ang espesyal sa binatang isa lamang 1-Star Màrtial Ancestor Realm ang Cultivation Level nito maging ang kaniyang napapansin rito ay walang kakaiba. Maayos at average lamang ang nakikita niyang martial talent ng binata para sa edad nito ngunit hindi niya makikita ang pangambang sinasabi ng kaniyang asawa kaya mabilis siyang nagwika.

"Hmmp! Ang binatang ito?! Mayroong espesyal sa katauhan nito? Hindi kaya nagkakamali ka lamang sa iyong inaakala o instinct aking asawa?!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na siyang asawa ni Vernaya. Puno ng katanungan at pagdududa ang kaniyang winika sapagkat hindi man lamang nito malaman kung ano ang ipinapahiwatig ng kaniyang sariling asawa na si Vernaya. Kahit saang anggulo niya kasi tingnan ay napakalampa at napakahina ng binatang ito. Ayaw man niyang sabihin ngunit nag-uumpisa na siyang mainis sa kutong-lupang estrangherong binata na isang lahing tao. Naiinis siya sa presensys nito at ang instinct na nararamdaman nito. Tila ba hindi siya satisfied sa sinasabi ng kaniyang asawa. Naniniwala siyang kapag inatake niya ito kahit isa ay mapapaslang niya ang biantang estranghero na ito na isang hamak lamang na mahinang lahi ng tao. Tiyak na ang matinding sugat o agarang kamatayan nito ay siyang malaking kasiyahan niya. Hindi niya matanggap na magkakainteres ang kaniyang asawa sa maliit na insektong Martial Ancestor Realm Expert lamang? Seriously?! Isa silang Blood Awakening Realm Expert at ang naoakababang lebel ng binatang ito ay parang maliit na langaw lamang na kayang-kaya ng pitikin anumang oras niya gugustuhin.

"Oo, naniniwala akong tama ako. Mayroong espesyal sa binatang ito. Kahit tayo ay siguradong hindi makakapantay sa kaniya. Espesyal na nilalang siya. Sa oras pa lamang ng pagtapak nito ay inaasahan ko ng may kakaiba rito, yan ang aking pinanghahawakan." Seryosong sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Vernaya. Ramdam niyang hindi lamang simpleng binatang tao lamang ang binatang ito kundi higit pa. Hindi niya alam ngunit hindi siya maaaring magkamali. Hindi niya maipagkakailang mayroon siyang espesyal na abilidad na siyang itinago niya sa kaniyang asawa. Tiyak siyang sa oras na ito ay tama ang lahat ng kaniyang hinala ngunit hindi na abot ng kaniyang kakayahan kung anong klaseng bagay ang kaniyang kinatatakutan mula sa binatang estranghero na ito na siyang gustong-gusto niyang alamin.

"Magtigil ka Vernaya. Walang espesyal sa binatang iyan. Isa lamang hamak na Martial Ancestor Realm Expert ang binatang iyan at napakahina niya!" Seryosong sambit ni Triper na mababakasan na ng inis sa boses nito. Hindi na siya natutuwa sa presensya ng binatang estranghero na isang hamak na nagmula sa lahing tao. Hindi niya aakalaing ang pagpunta ng binatang ito ang siyang dahilan ng pagkakaroon ng away o diskusyon ng sariling asawa nito na si Vernaya. Nag-uumpisa ng tumaas ang inis st galit nito sa binatang estrangherong taong ito.

Litong-lito naman si Van Grego sa piangtatalunan ng dalawang malalakas na King Level Beasts na mag-asawa. Hindi niya matiyak kunv ano ang pinagtatalunan ng mga ito. Ang tanging alam niya ay may kung anong namumuong alitan o pagtatalo sa mga ito na hindi niya matiyak kung ano.

Napansin niya rin ang enerhiyang nagmumula sa lawa, napakapurong enerhiya nito at tanging dito lamang nakasuplay ang masaganang enerhiya kumpara sa bahagi ng lupa.

"Hindi ko matukoy ang aking sinasabi ngunit binabalaan kita. Wag kang gagawa ng ikakapahamak mo Triper. Delikado ang binatang iyan, sinasabi ko na sa'yo!" Seryosong sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Vernaya habang mahihimigan ang pagpapaalaala at pagbabanta sa boses nito. Hindi niya gugustuhing mapahamak ang kaniyang asawa.

"Hahaha... Ano'ng delikado sa isang peste at kutong-lupang estrangherong binatang tao na ito na isang 1- Star Martial Ancestor Realm Expert lamang. Isa itong kahiya-hiya para sa edad nito. Kung pipigilan mo kong subukan ang lakas at abilidad ng binatang ito ay tunay ngang mas may tiwala ka sa binatang ito kaysa sa sarili mong asawa!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Triper habang tinitingnan ng maigi ang kaniyang asawang si Vernaya. Hindi niya aakalaing darating sa punto na gustoniyang patunayan na mali ang desisyon ng asawa niyang pagkainteresan ang mahinang binatang estranghero na ito.

Napatahimik na lamang ang babaeng halimaw na One-Horned White Tiger Python na si Vernaya habang nakatingin lamang sa asawa nito. Hindi nito kasi aakalain ang kaniyang maaaring irason sapagkat wala siyang patunay ngunit hindi niya naman maaaring protektahan ang binatang ito laban sa kaniyang asawa. Tangingang pinanghahawakan nito ay ang sariling instinct nito.

Agad na nagliwanag ng malakas ang buong katawan ng lalaking One-Horned White Tiger Python at mabilis na nagbago ang anyo nito sa isanv makisig na lalaki. Nakasuot ito ng One-Horned White Tiger Python Armor habang mayroon itong hawak na Three- Clawed Trident. Mayroon itong isang ginituang sungay sa pagitan ng kaniyang itaas ng noo nito. Bakas din ang inis at kaseryosohan ang emosyon nito sa pagmumukha nito. Tila ba hindi navustuhan ang binatang estranghero na walang iba kundi ang binatang si Van Grego.

Ang armas nitong Three-Clawed Trident ay parang nakakurba ang tatlong dulong patalim nito kung saan ay kung makikita ay parang natuping trident ito ngunit hindi maaaring balewalain ito sapagkat ang attack power at fatality rate nito ay napakataas kung saan ay halos nakadepende ito sa gumagamit. Maraming klase ng paraan ng pagkakagamit nito. Ito ang personal na armas ng One-Horned White Tiger Python na si Triper.

Hindi maipagkakailang hindi matanggap ng lalaking halimaw na One-Horned White Tiger Python na pinagkainteresan ng kaniyang asawa ang binatang estranghero na si Van Grego.

Nang makita ito ni Van Grego ay tila nahintatakutan siya. Hindi niya aakalaing darating sa puntong ito ang lahat. Wala naman siyang ginagawa ngunit parang ata siya yung napasama. Tila naguguluhan si Van Grego sapagkat napakabilis ng pagkakasabi ng mga halimaw na One-Horned White Tiger Python. Masyadong malalim at kakaiba ang pagkakasabi ng mga ito. Nasa ancient languages kasi ang salita ng mga ito at tanging ang pagkakadamay niya sa usapan ng mga ito ang kaniyang narinig.

"Tila nakakaintindi ka ng Ancient Languages kung kaya't hindi ko na patataglain ito. Ako si Triper na isang magiting na mandirigma ng One-Horned White Tiger Python, Labanan mo o protektahan mo ang sarili mo sa mga atake ko. Kung hindi ay kamatayan lamang ang naghihintay sayo hahahaha!!!!!" Sambit ng human form ng lalaking One-Horned White Tiger Python na nagngangalang Triper.

"Sandali lang po. Hindi ko alam ang naging argumento mo sa asawa mo Ginoong Triper ngunit hindi ko naman nais labanan ka. Wala akong kasalanan sa inyo. Ang tanging nagawa ko lamang pagkakamali ay mapadpad sa lugar na ito." Magalang na sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang sensiridad sa boses nito. Hindi niya aakalaing darating za puntong lalabanan niya sa one on one battle ang isang Blood Awakening Realm Beast at hindi lamang iyon ang kaniyang pinangangambahan kundi isa rin itong King Level Beasts idagdag pang wala siyang kaalam-alam kung anong klaseng nilalang o halimaw ito pagdating sa labanan. Tila isa lamang siyang maliit na insekto sa ibabaw ng isang malaking nilalang. Nangangamba si Van Grego na nasa kaniya lahat ang total disadvantages sa sitwasyong ito. kitang-kita niya ring desidido at gusto talaga siyang labanan ng halimaw na ito sa isang labanan na tila ipinapamukha nito na isa lamang siyang maliit na insekto at siya naman ang napakalaking halimaw. Ito ay isang total discrimination at bullying lalo na sa kaniyang kasalukuyang lebel at estado.

"Nainis ako sa'yo kaya wala kang pagpipilian. Ilabas at ipakita mo ang lahat ng potensyal, abilidad at baraha mo kung ayaw mong mamatay sa lugar na ito. Dahil nakakaawa naman ang pesteng katulad mo ay ipapantay ko ang Cultivation Level ko sa katulad ng lebel mo. Okay na siguro yun para di naman ako magmumukhang nangungutya o nang-aapi ng isang insektong katulad mo!" Sambit ni Ginoong Triper habang marahas nitong sinabi ang huli habang may mapanghamak na tingin.

"Talagang sa kaniya pa nagmula ang salitang iyon. Mukhang ako ba talaga ang may problema eh siya naman talaga. At anong hindi pangungutya at pang-aapi ang ginagawa mo, isa itong napakalaking pang-aapi hmmmp!" Sambit ni Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang pinipigilan nitong isalita ang mga salitang ito.

Napakuyom na lamang si Van Grego ng kaniyang sariling kamao habang kinu-compose nito ang kaniyang sarili sa sinabi ng king Level Beast na si Ginoong Triper na isang halimaw na One-Horned White Tiger Python.

"Payag ako sa kondisyong iyan. Wala naman akong pagpipilian hindi ba?!" Sambit ni Van Grego habang tila nagtatanong pa ito. Hindi kasi alam kung ano ang pinuputok ng butsi ng pambihirang halimaw na One-Horned White Tiger Python para pag-aksayahan siya ng oras nito. Ang hindi niya matanggap ay ang panghahamak nito na sagad na sagad kung magalit lamang sa kaniya.

"Wala ka naman talagang pagpipilian pa kundi ang labanan ako. Ano ka? Basta-basta ka na lamang iwe-welcome sa teritoryo namin?! Tanga ka ba o tanga kang talaga!" Agresibong pagkakasabi ng Human Form na si Ginoong Triper. Hindi niya aakalaing may gana pang kwestiyunin ng binatang ito ang kaniyang desisyon. Gusto ba nitong siya ang mag-adjust?! No way! Isa siyang King Level Beasts at ang magiging mapagkumbaba sa mahihinang nilalang ay hindi niya gagawin kahit kailan. Isa iyong kahihiyan para sa kanila. Kung gusto nitong irespeto siya nito o maging pantay sa paningin niya ay dapat niyang abutin ang ekspetasyon niya. Nakuha man nito ang interes ng asawa niya ay hindi niya hahayaang mangyari ito at sisirain niya ang ekspektasyon ng kanyang asawa. Isang mapanlinlang at pekeng nilalang lamang ang binatang ito. Ordinaryo at walang espesyal na bagay rito. Naniniwala siyang "there's no free meal in this world, only with great strength you can conquer this world!"

More Chapters