Cherreads

Chapter 270 - Chapter 99

Hindi namalayan ng binatang si Van Grego na nakarating na siya sa labasan ng tunnel hole. Mabuti na lamang at ligtas nakalabas.

Nang makita ni Van Grego kung ano'ng klaseng environment ang nasa loob ng nasabing tunnel hole ay tunay na namangha siya. Ang buong lugar kasi ay nahahati sa dalawang parte, ang ilog at isang napakataas na bulubundukin. Medyo masukal ang kagubatan at hindi ganoon na sobrang kasukal at makulimlim katulad ng binagsakan niyang lugar na pinapalibutan ng mga halimaw. Mabuti lamang kasi at nasa edges lamang ng sariling teritoryo ng Halimaw na Ferrocious Earth Worm ang kinaroonan ng mga tunnel holes kung hindi ay baka hindi siya makakaalis sa lugar na iyon na puno ng kapahamakan. Hindi naman kasi kampante ang binatang si Van Grego sa lugar na iyon, layunin niyang lumakas at magpalakas ngunit hindi naman to the extent na manatili sa lugar na iyon.

"Napakanipis ng natural na enerhiya ng mundo (Heaven and Earth Qi) rito. Maaaring magpalakas ako rito at mag-undergo sa massive training ang aking katawan nang sa gayon ay mabilis na mag-adjust ang aking katawan sa mas marahas na kapaligiran." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang saya sa mukha nito. Alam niyang sa lugar kasi na ito ay halos kapantay lamang kasi ng enerhiyang mayroon sa mismong pangunahing teritoryo sa Central Region ngunit ano ba ang inaasahan sa isang Tombstone Battlefield? Isa pa rin itong Forbidden Areas na tanging ang malalakas na mga Martial Experts ang pupunta. Ang katulad niyang isang lamang 1-Star Martial Ancestor Realm Expert ay hindi maaaring pumunta sapagkat ang minimum na Cultivation Level kasi rito ay Martial Monarch o Martial God ngunit naniniwala siyang tinadhana siyang mapunta rito. Hindi niya aakalaing mapupunta siya sa marahas at nakakakilabot na lugar na ito.

Kung hindi siya nagpursigi na magpalakas sa pamamagitan ng pagbukas ng kaniyang acupoints (acupuncture points) ay baka hindi niya nakontrol ang mga enerhiya niya sa pakikipaglaban sa mga halimaw na Alluring Night Green Bats at sa Matured Alluring Night Green Bats na mas higit na malakas. Namangha din ang binatang si Van Grego sa Matured Alluring Night Green Bats dahil sa Sound Type Attack nito ngunit dahil nabuksan niya na ang kaniyang acupoints sa mata ay nagamit niya ito nang magsagawa siya ng Spiritual Skill na Spirit Leaving the Body at ang unang Flood Dragon Skill niya na maaaring magtransform ang kaniyang sariling kamay sa nakakatakot na kuko at mismong kamay ng Flood Dragon.

Nararamdaman man ng kalaban niya ang panganib na dala niya pero sa huli ay nasa kaniya pa rin ang tagumpay. Masasabing masuwerte lamang si Van Grego sapagkat mababa lamang ang persepsyon ng halimaw na Matured Alluring Night Green Bats pero kung mataas lamang ang sariling Cultivation ng kaniyang kalaban na Matured Alluring Night Green Bats ay siguradong malalagay siya sa ibayong panganib.

Dito ay panatag ang binatang si Van Grego na makakapagpalakas siya rito.

Nagulat na lamang si Van Grego na may mapansing kakaiba sa katubigan. Agad niyang ikinubling mabuti ang kaniyang sarili sa isang lugar.

Nakita ni Van Grego kung paanong biglang nagsilitawan ang dalawang napakadambuhalang ulo ng halimaw na ahas sa gitna ng malaki at napakalawak na lawa.

Dito ay bigla na lamang umiikot-ikot ang tubig na animo'y mayroong disturbances sa ilalim mismo ng napakalawak na lawa na animo'y may kung anong pwersang aahon mula rito. Nakita ng binatang si Van Grego kung paano nagkaroon ng pagtalsik ng mga malalaking patak ng tubig papunta sa kalupaan.

Dito ay nakita ni Van Grego kung paano lumitaw ang mga literal na dambuhalang mga halimaw kung saan ay namanghang tuluyan siya sa mga pambihirang anyo ng mga halimaw habang makikita ang hindi masukat na laki ng mga ito habang kalahating parte lamang ang nakita ng binatang si Van Grego.

Huli na ang binatang si Van Grego bago pa ito makatago sapagkat nakita na siya ng mga ito.

"Hmmm... Isang binatang Martial Artist ang naligaw sa teritoryo natin?! Hindi ko aakalaing mayroong ganitong klase ng martial artist na may Cultivation Level lamang na Martial Ancestor Realm?! Tunay na nakakamangha hahahaha!!!!! Ipakita mo na ang sarili mo binata bago kita paslangin!!!!!" Sambit ng baritonong boses na nagmumula mismo sa isang dambuhalang halimaw. Napakadambuhala talaga nito at ang kulay nito ay animo'y kulay orange at merong parte din ng balat nito na kulay dilaw at pula. Nakakamangha ang ganda ng balat nito ngunit nakakatakot ang kabuuang anyo nito lalo na ang parteng uluhan nito. Nakalabas kasi ang mga naghahabaan at nagtstalasang mga pangil nito at ilang mga ngipin. Kung sino man ang makakakita nito at talaga namang matatakot. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang hindi ordinaryo ang klase ng nilalang na ito. Hindi lamang iyon sapagkat naglalabas ng mabigat na awra ang katawan nito kung saan ay parang nagbababala sa binatang si Van Grego.

Hindi muna lumabas ang binatang si Van Grego ngunit mabilis na pinalitaw ang kaniyang sariling Book Artifact sa ere. Agad niya itong tinanong.

"Ano'ng klaseng halimaw ang mga ito? Ano ang mga katangian nito?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis niyang pagtataka rito. Sigurado siyang naikubli niya ang kaniyang sariling enerhiya bago pa siya matuklasan ng halimaw.

"Scanning... Data Analyzing... Completed! The Martial Beasts in front of you is called the One-Horned White Tiger Python. It is a Variant Beasts and said to be direct descendants of two God Beasts, the White Tiger and Seven Colored Python. It's strength is immeasurable and they achieve the level higher than Saint Level Beasts, the King Level Beast." Sambit ng Book Artifact sa mechanical voice nito.

"Hindi maaari ito. Paanong magkakaroon ng ganitong klaseng halimaw ang mundong ito lalo na sa King Level Beast (King Beast) at dalawa pa ito. Sigurado akong katapusan ko ng talaga." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang labis na pangamba sa kaniyang pagmumukha. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

"Ano ka ba naman Triper, tinatakot mo naman ang binatang ito. Talagang ganon ka na bang klaseng nilalang na kaya tatakutin mo pa itong binatang taong ito?!" Sambit naman ng isang malakas na boses ng babae na galing naman sa isang dambuhalang halimaw na isang One-Horned White Tiger Python. Ang kaniyang kulay ay masasabi mong parang White Tiger Stripes talaga at hindi parehas ng isang One-Horned White Tiger Python na kulay orange/ kahel. Isa pa ay ramdam ni Van Grego na hindi marahas ito o masamang balak sa kaniya. Tunay na napakaganda ng One-Horned White Tiger Python ngunit hindi pa rin nila mapapantayan ang lahing pinagmulan ni Binibining Mystica kung kaya't hindi siya nai-intimidate sa mga ito.

Maya-maya pa ay mabilis na lumitaw ang binatang si Van Grego sa kanilang harapan na siyang ikinagulat naman ng dalawang malalakas na King Level Beast na One-Horned White Tiger Python kung saan ay hindi nila inaakala o inaasahang magpapakita ang binatang mula sa lahi ng mga tao.

"Pasensya na sa aking pagpunta at paggambala sa inyong teritoryo. Nais ko lamang maghanap ng ligtas na lugar, yun lamang ang aking layunin at wala ng iba pa." Seryosong pagkakasabi ng binatang si Van Grego habang makikita ang sinseridad sa boses nito. Bahagya pa itong yumuko upang tanda ng pagbibigay galang sa dalawang King Level Beasts.

"Wala anuman iyon binatang tao. Pasensya na at nagulat ka rin dahil sa aking asawa. Ganoon talaga ito at mahilig mamilosopo." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python habang mistulang tiningnan pa nito ang kaniyang asawa nito tila may gustong ipakahulugan ang tingin nito.

"Hmmp! Bakit ganyan ka umasta asawa ko. Ipagpapalit mo ba ko Vernaya sa isang hamak na mababang uri ng Martial Artists na nasa hanay ng taong ito?!" Sambit ni Triper habang makikita sa tono ng boses nito ang animo'y nagseselos ito. Nagkatitigan sila ng asawa nito. Hindi niya aakalaing parang mabait ang asawa niya sa estrangherong binatang mula sa lahi ng taong ito. Hindi niya maipagkakailang nagseselos siya. Hindi naman siya pangit o mabantot at masasabi niyang gwapo at maamo ang kaniyang pagmumukha pero ang sawayin siya ng asawa niya ay hindi niya mapigilang mag-isip ng mga negatibong senaryo. Nasa Ancient Language ng lahi ng One-Horned White Tiger Python ang ginagamit nila. May kahawig man ito sa Ancient Languages ng Martial World ngunit ang kaniyang pagsasalita ay napakabilis.

More Chapters