Cherreads

Chapter 129 - Chapter 127: Lockscreen

Nagpakawala si Jacian ng dighay matapos niyang uminom ng malamig na tubig, galing sila sa sari-sari store para bumili ng bottled water nang makaramdam ng uhaw si Jacian. Tinanong niya si Just kung may gusto itong kainin ngunit umiling parin si Just, hindi narin nagtanong si Jacian at naglakad nalang ulit sila habang nagkukwentuhan. Pinag-usapan nila ang tungkol sa mga teams na maglalaro sa playoffs at sa magiging kalaban nila sa unang match.

Ayun sa PKL sa september pa ang simula ng playoffs at mayroon pa silang isang buwan na pahinga bago magsimula. Ngunit para sa mga pro players, ang isang buwan na pahinga ay hindi magiging pahinga dahil playoffs na ang susunod nilang laro. Sa playoffs ina-apply ang global ban/pick at ibigsabihin ang mga hero na ginamit nila sa game 1 ay hindi na nila p'wedeng gamitin sa mga susunod na game sa isang series. Magkakaubusan ng hero ang mga players dahil BO5 ang series sa playoffs at kailangan ng bawat players ng hero na hindi bababa sa lima. Isa iyon sa magpapasakit ng ulo ng mga players at coach kaya ang isang buwan na pahinga ay magiging isang buwan na training.

Habang nag-uusap sila tungkol sa playoffs, pareho nilang naisip na sumakay sa ferris wheel dahil wala rin naman silang ibang pupuntahan.

Nilabas ni Jacian ang kanyang cellphone para i-check ang mga teams na maglalaban sa huling round ng regular season at kasama ng RG at TK ay ang dalawang teams na hindi pa nila nakakalaban, ang S.COMP at MANIAC. Hindi nila nakasama sa isang group ang dalawang teams na 'to dahil sa unang round ng regular season nasa group C ang team nila at group B naman ang S.COMP at MANIAC, nang matapos ang unang round umakyat sila sa group B samantalang bumaba naman sa group C ang dalawang teams na 'to. Hindi narin nahulog ang FTT at tuloy-tuloy na ang pag-promote sa kanila kaya hindi na talaga nila nakasalamuha ang dalawang teams na makakasama nila sa playoffs.

Sa mga naunang updates ng PKL, nakita ni Jacian na nakalaban ng TK ang parehong teams na ito at isang beses lang sila na 2-1, halos lahat 2-0 na. Gusto niya sanang panoorin ang match ng S.COMP at MANIAC dahil hindi siya pamilyar sa dalawang teams na ito ngunit sinabi ni Just na madali lang sirain ang kanilang rhythm. Ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang GOT-G at HUV. Ang dalawang teams na 'to ang laging naglalaban sa Grand finals ng domestic at laging nakakapasok sa global competition. Dalawa lang ang slot ng PKL kaya dalawang teams lang ang p'wede nilang ipadala sa global, kung hindi nila matalo ang team na makakalaban nila sa semi-finals mai-eliminate sila at hindi na makakapasok sa global. Isa sa mga nakakalungkot na sandali sa e-sports circle.

Ilang years na si Just sa e-sports circle at hindi na big deal sa kanya ang elimination dahil ilang beses na silang na-eliminate, ngunit gusto niyang makakuha ng magandang result ngayon dahil bago palang si Jacian sa kanilang team at ayaw niyang maramdaman nito ang pakiramdam ng ma-eliminate.

"Ipapakita ko sa'yo mamaya kung paano maglaro si Lessen. Magaling siya manggulo ng laro kaya kailangan pag-aralan ang gameplay niya." Saad ni Just.

Tumango si Jacian at pinatong ang dalawang siko sa magkabila niyang tuhod. Nasa ganun siyang posisyon habang nag-i-scroll sa update ng PKL, tapos na ang laban ng group B at hinihintay nalang nila na ilabas ng PKL kung sino ang may pinakamataas na points. Gustong alamin ni Jacian kung sino ang magiging kalaban nila sa pamamagitan ng points, madalas sa points bumabase ang PKL kung sino ang maglalaban-laban.

Umiling naman si Just. "Idadaan parin sa bunutan kung sino ang maglalaban." Saad ni Just.

Tinanguan siya ni Jacian. "P'wede rin. Mas maganda kung draw." Ngumiti siya at nag-react sa nadaanan niyang memes tungkol sa team nila.

Nagkukwentuhan sila ni Just tungkol sa magiging match nila sa playoffs at kung paano nila masisira ang rhythm ng GOT-G. Pareho nilang alam na may ilalakas pa ang GOT-G at tinatagong line-up, nanalo sila sa regular season ngunit hindi sila sigurado kung magagawa pa nila sa playoffs. Madalas, sa playoffs nilalabas ng mga teams ang tunay nilang lakas para hindi kaagad mabasa ng ibang teams. Isa rin sa mga plano nila ay si Lucky ang gawing core sa regular season at sa playoffs pa sila kukuha ng assasins, ngunit napilitang ilabas ni Mrs. Sojurn ang kanilang strategy na para sana sa playoffs dahil hindi kayang i-drag ni Lucky sa late game ang match nung tumuntong sila sa group A. Alam na ng mga teams na may tinatago silang dou at iyon ay ang play mula sa kanilang dalawa, siguradong mahihirapan na silang paganahin iyon pagdating sa playoffs dahil aaralin na ng mga teams at coach ang kanilang strategy. Isa iyon sa magpapahirap sa kanilang dalawa.

Habang seryuso silang nag-uusap tungkol sa magiging match nila sa playoffs, biglang tumunog ang cellphone ni Just at umilaw iyon. Huminto sila sa pag-uusap at parehong nilinga ang cellphone ni Just na nakalapag sa pagitan nila, ngunit pareho silang natigilan nang makita ang lockscreen.

Madilim sa loob ng ferris wheel dahil sa labas lang ang may ilaw at tanging liwanag lang na nanggagaling sa cellphone ni Just ang umiilaw. Makikita sa lockscreen ang nakangiting picture ni Jacian habang nakaharap sa camera, iyon yung selfie ni Jacian sa cellphone ni Just nung sumama siyang mag-jogging. Ang message galing kay Mrs. Sojurn ay nakadisplay sa itaas.

Natigilan silang dalawa.

Maging si Just ay nagulat din dahil hindi niya inaasahan na bubukas ang kanyang cellphone, nakalimutan niyang si Jacian nga pala ang kanyang lockscreen at hindi niya iyon na-off.

Nasa pinakataas na sila ng ferris wheel kaya hindi na nila masyadong marinig ang ingay, ang seryusong kwentuhan nila kanina ay nawala at napalitan ng katahimikan. Habang nasa ganung sitwasyon kinuha ni Just ang kanyang cellphone at binasa ang chat ng mama niya bago pa sila balutin ng awkward.

[Coach Sojurn: Ibili mo ako ng barbeque.]

Kumurap lang si Just at wala sa sariling ni-replyan ang chat ni Mrs. Sojurn. Maraming pumapasok sa isipan niya ngunit nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha, pinatay niya lang ang kanyang cellphone at nilinga si Jacian na nasa kanyang tabi. Ilang sandali ang makalipas nang magbawi siya ng tingin at bahagyang napayuko.

"Kailangan ko pa bang magpaliwanag?" Tanong ni Just gamit ang mababang tono. Gusto niyang tingnan ang reaksyon ni Jacian ngunit mas pinili niyang yumuko at tumingin sa sahig. Sa katunayan, matagal niya ng gustong sabihin kay Jacian ngunit nag-alanganin siya dahil baka makaapekto sa kanilang training, maraming beses na gusto niyang sabihin kay Jacian ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Busy sila sa training, practice match, tournament at halos wala silang tulog kaya ayaw niya ng dadagdagan pa ang alalalahanin nila at pinili niya nalang na itago. Plano niya ring hintayin matapos ang regular season bago sabihin kay Jacian ngunit hindi niya inaasahan na sa ganitong araw at sa ganitong sitwasyon, kung saan nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag-uusap.

Malakas ang epekto nun kay Just sa puntong hindi niya rin alam kung anong sasabihin niya.

Sa kabilang banda, hindi sumagot si Jacian matapos marinig ang mga sinabi ni Just at nanatiling walang kibo.

"Naaalala mo ba nung tanungin mo ako tungkol sa ideal type ko?" Tanong ni Just habang deritsong nakatingin kay Jacian. "Akala ko...akala ko alam mo ng----"

"Seryuso ka dun? Akala ko joke mo lang." Malamig na singit ni Jacian. Malakas ang boses niya at sa tono ng kanyang pananalita halatang wala itong naramdaman sa mga sinabi ni Just.

Yumuko si Just, makikita ang maliit na ngiti sa kanyang labi at humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone dahilan para bumukas iyon at magkaroon ng rainbow ang screen nun. Inaasahan niya narin naman ang magiging reaksyon at sagot ni Jacian dahil alam niyang straight ito ngunit nang marinig niya iyon mismo, may parte sa kanya na hindi iyon matanggap. Tumaas baba ang adams apple niya dahil sa ginawa niyang paglunok at makikita ang manipis na luha sa kanyang mga mata.

Pinakalma niya ang kanyang sarili at nag-angat ng tingin para tingnan si Jacian. "Baba na tayo mamaya." Kalmadong saad niya at umayos ng upo.

Gumalaw din si Jacian para umayos ng upo at sumandal sa sandalan, ngunit nilinga niya si Just nang may maalala. "P'wede mo ng palitan ang lockscreen mo, baka makita pa ng mga teammates natin." Lintaya niya at bumalik sa pagkakasandal.

"Mn." Malamig at walang buhay na sagot ni Just. Binuksan niya ang kanyang cellphone at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Jacian, maging ang passcode niya ay birthday din ni Jacian. Bahagya pang huminto ang kanyang mga daliri bago iyon nilapat sa screen para palitan ang lockscreen.

Habang ginagawa niya iyon naramdaman niyang gumalaw si Jacian at lumapit ito sa kanya para bumulong.

"It's a prank."

Just: "..." 

Naramdaman ni Just ang biglaang pagsikip ng kanyang dibdib at paghinto ng tibok ng kanyang puso, huminto rin sa pagtipa ang kanyang mga daliri habang paulit-ulit na umeecho sa kanyang isipan ang binulong ni Jacian, ngunit nang maintindihan niya ang sitwasyon mabilis na bumugso ang kanyang damdamin at nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Kumurap siya at agad na binalingan si Jacian ngunit pagharap niya sinalubong siya ni Jacian ng mainit na halik. Inilapag ni Jacian ang kanyang kamay sa kabilang gilid ni Just para suportahan ang kanyang sarili habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa batok ni Just. Nasa ganun silang posisyon sa loob ng ilang segundo hanggang sa pareho silang humiwalay.

Bahagyang gumalaw ang balikat ni Jacian at pinigilan ang kanyang sarili na magpakawala ng tawa. Samantala nasa ganung posisyon parin si Just na animo'y hindi makapaniwala.

"Jacian..." Tawag ni Just.

Nakangiti siyang tiningnan ni Jacian at hinampas ang kanyang hita. "Pinaprank lang kita, ang seryuso mo naman." Natatawang sambit niya.

Tuluyan nang napapikit si Just at sumandal, tinakpan niya ang kanyang mga mata gamit ang kanyang braso para doon ilabas ang pinipigilan niyang emosyon. Hindi na sana itutuloy ni Jacian ang prank niya pero nakita niyang kumagat kaagad si Just kaya itinuloy niya nalang, ngunit ang ikinagulat niya ay nang mapansing mangiyak-ngiyak na ito.

Nagpakawala si Jacian ng mahinang tawa habang nakatingin kay Just na ngayon ay nakasandal parin habang nakatabon ang kanyang mga braso sa kanyang mga mata. Hindi tuloy mapigilan ni Jacian ang hindi lumapit para bigyan ito ng mahigpit na yakap.

Makalipas ang mahabang sandali ay nakatanggap sila ng chat galing kay Coach Dang na pumunta na sila sa doon para kumain ng street food. Nakahanda na sa mesa ang napakaraming street food at ang mga beers na binili ni Blue kanina. Nakatayo si Coach Dang sa gilid habang kausap nito ang kanyang asawa habang si Blue naman ay umiinom na ng beer, pagkatapos kausapin ni Coach Dang ang kanyang asawa bumalik na siya sa mesa at sakto namang dumating narin sina Lucky at Gem.

"Anong nangyari sa mata mo, Cap Tin?" Tanong ni Lucky nang mapansing namumula ang mga mata ni Just. Hinila niya ang upuan at umupo roon. Luminga rin sina Gem at Blue para tingnan ang mga mata ni Just.

"Mausok." Malamig na sagot ni Just na bahagya namang ikinatawa ni Jacian.

"Jacian, h'wag kang uminom hindi ka pa 18, bumili ako ng soft drinks para sa'yo." Saad ni Coach Dang at inabutan siya ng coke.

"Mm." Kinuha niya iyon at binuksan.

Nag-untugan sila ng kani-kanilang beers at nagsimulang uminom, tinungga naman ni Jacian ang kanyang coke at nilapag sa gilid. Maya-maya lang naramdaman niyang lumapit sa kanya si Just para magtanong.

"Hindi ka pa 18?" Tanong ni Just at nilapag sa mesa ang hawak niyang beer.

Tiningnan siya ni Jacian atsaka inilingan. "17 ako ngayong taon." Sagot niya habang nilalagyan ng sauce ang kanyang barbeque. Maingay ang paligid dahil sa dami ng tao idagdag pa ang malakas na tugtog na nanggagaling sa malalaking sound na nasa court, pero kahit maingay ang paligid narinig parin ni Jacian ang mahinang tawa ni Just.

"Pumatol ba ako sa minor?" Bulong sa kanya ni Just.

Jacian: "..."

Nagsalubong ang manipis niyang kilay at inis na binalingan si Just. Hindi na siya nagsalita, hindi niya na pinansin si Just at tinuloy lang ang ginagawang paglagay ng sauce sa barbeque.

Nagkwentuhan sila habang nag-iinoman nang tanungin sila ni Coach Dang tungkol sa kanilang training. Dahil may tama na ng alak si Lucky hindi nanaman mapigilan ang kanyang bibig at kinuwento ang match nila sa TK kung paano siya naka-pentakill, inaaksyon niya pa kung paano niya pinana ang mga players ng TK gamit si Hou Yi, napapatingin tuloy sa kanilang mesa ang mga katabi nila at nagtataka kung bakit may pumapana sa kanilang mesa.

Sumama ang mukha ni Blue at hindi mapigilang sipain si Lucky sa ilalim ng mesa.

More Chapters