Cherreads

Secrets and Alibis

THEINVESTIGATOR
7
chs / week
The average realized release rate over the past 30 days is 7 chs / week.
--
NOT RATINGS
3.4k
Views
Synopsis
A student became high school detective in his school solving complex, complicated and scarred cases. His name is Yuri Casanova, who is in a detective club with his companion and mentor Xian Amamiya. Together, they will solve some extraordinary cases. Can you solve it before they can?
VIEW MORE

Chapter 1 - EPISODE 1: MYSTERY IN STYLES

It's December, the year is 2025. It was a cold and breezy evening. It was 6:00 am. Nahanap ko ang isang notebook sa mga luma kong cabinet. And, naisip ko na magsulat na lang tungkol sa buhay ko. Halos wala na talaga kong magawa sa buhay. Ginawa ko na 'tong autobiography.

Ako nga pala si Yuri Prescott. Napaka-lame ng pangalan ko, 'di ba? Wala tayong magagawa, iyan ang pangalan na ibinigay ng mga magulang ko sa akin. Although, I usually find the surname Prescott unique, since I remember a female character from a horror movie having that same surname. Apparently, isa akong high school detective, kung ganun ang tatawagin kapag parehas kang highschool student at detective. Parehas na role lang katulad nung lalake sa Japan na high school student din. Pero, ang alam ko ay lagi siyang nawawala or gagawa lang ng simpleng appearance pero mawawala rin ng biglaan.

Nasa loob lang ako ng isang kotse papunta sa isang manor kung saan inimbita ako. Habang papunta d'on, nakatitig lang ako sa kalangitan, habang hawak-hawak ang cellphone ko at nakatapat sa kaliwang tainga ko.

"So, ang sinasabi mo... Hindi suicide ang nangyari?!" Asked the voice of a man through the phone. It's the voice of the Inspector, if you're wondering. Humingi siya ng tulong sa akin para lumutas ng isang kaso, hindi ko aakalain na mangyayari ito in the early morning. Lagi siyang tumatawag sa akin, o kaya naman lagi lang nagkakataon na kung kailan may krimen ay nagkakatagpo kami at hinihingi na din ang tulong ko para lutasin na kaagad iyon.

"Oo, Inspector." I replied, "Ang daloy ng dugo ng sugat ay mabagal, ibig sabihin, mahina at mabagal ang pagtibok ng puso ng biktima, at ibig sabihin, pinatulog ng salarin ang biktima bago niya ito pinatay gamit ang kutsilyo."

"Pero, bakit kailangan pa ng salarin na patulugin ang biktima?" Asked the inspector.

"Siguro, wala sa kondisyon ang katawan niya para makipaglaban, at magkakaroon din ng struggle kapag hindi niya pinatulog ito, at ang struggle ang makakasira ng plano niya na gawing suicide ang pagkamatay niya." I replied.

"I see. So, you've done it again. Good job, Presco-" Binaba ko na kaagad ang tawag. Ayoko ko nang marinig pa ang mga useless compliment na lagi kong naririnig sa kanila. Wala namang magagawa ang mga iyon, they're just good things spoken verbally.

"Isa ka palang detective, sir." Said the driver. Hindi ko napansin na nakikinig pala ang driver sa pinag-uusapan namin ni Inspector, pero wala naman akong pakialam kung mapansin niya o hindi.

"Ah, napansin mo pala. Oo." I said.

"What kind?" Asked the driver.

"'What kind'?" I asked.

"Anong klaseng detective? A chief inspector, or a Sherlock Holmes?"

"More of a Sherlock Holmes, in my opinion."

"I see. So, ilang kaso na ang nalutas mo?"

"I don't usually count it."

"Bakit naman?"

"Anong purpose ng pagbibilang? Ang mahalaga ay nalulutas mo ang kaso."

"Tama naman."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon, tumingin na lang ulit ako sa kalangitan sa bintana, at nakita pa nga ang reflection ko. Isang lalake na nakasuot ng salamin at black na blazer at may kulay black na necktie. Papunta ako sa tinatawag na Styles Manor, I was invited dahil ang owner ng manor-by the name of Mr. Kenneth Hughes-ay humingi ng consultation sa akin. Sinasabi niya na baka may mangyaring hindi maganda, 'cause he has been receiving death threat letters, lately.

A few hours later, I've arrived in the said location. The large black gates opened, and as we entered, nakita ko na ang hitsura ng manor. It was indeed big, and they are two statues in between the entrance of the manor. There's also a balcony infront of the manor, I deduce that it's a balcony of a certain room. Kinuha ko na ang luggage ko at lumabas ng kotse. Lumabas din ang driver para tignan kung kailangan ko pa ng tulong.

"May I help you, sir?" Asked the driver.

"Ah, no thanks. You can go ahead now." I replied.

Pumasok na ulit ang driver at patuloy na umalis. Bayad na din ang trip na iyon kaya hindi ko na kailangan magbayad pa, habang papaalis ang kotse, may isa pang kotse na dumating. Hindi ko na pinansin iyon at patuloy na lumapit na sa pintuan para kumatok.

My right hand was inches away from knocking the door, until someone stopped me.

"Wait! Sandali lang po!"

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang babae, nakasalamin siya at nakasuot ng black coat. Her hair was brown as an almond chocolate and her skin was pale as a snow. Mga labi niya na kasing kulay ng dugo. May buhat-buhat din siyang luggage at patakbo na lumapit sa akin.

"Sabay na po tayong pumasok." Said the girl.

"Ah, sige." I replied.

Kumatok na ko sa pintuan ng tatlong beses. Pero, hindi pa rin bumukas ang mga pinto. Kumatok ulit ako, pero wala pa rin. Kinalabit ako ng babae at itinuro sa akin ang nasa gilid ng pintuan.

"Kuya, may doorbell po." She said, pointing at the doorbell.

"Ah, oo nga pala." I said.

Tumimbre ako, at ang tunog nito ay aakalain mo nang isa sa mga pinaka-malakas na tunog sa balat ng lupa. Aakalain mo na may hearing aid ang may-ari or soundproof ang kwarto niya.

Bumukas ang mga pinto, isang lalake ang nakatayo sa harap namin na siyang nagbukas ng mga pintuan. I observed the man, and I think he's at least in his mid 50's. Nakasuot siya ng tuxedo suit na may black na bowtie, at nakasuot ang mga kamay ng white gloves. Mga buhok niya na straight, at ang bigote niya na parang alon ng mga dagat ang kurba ng magkabilang dulo, at may monocle sa kaliwa niyang mata.

"Ah, Mr. Prescott and Ms. Adler." Said the man, "Nakarating na pala kayo, please, come in."

"Ah, thank you." Said the girl.

Kinuha ng lalaki ang mga luggage naman at siya na ang nagbuhat papasok ng manor. Sabay pa kami ng babae na pumasok ng babae, and as I saw the manor from the inside, it left me speechless. Mga maliwanag at malalaking chandeliers na kumikinang sa kisame, mga paintings sa kaliwa at kanan na pader na para bang famous artist pa ang gumuhit ng mga ito. Sa harap namin ay may hagdan, at sa gilid ay dalawa lang hagdan, isa papuntang kaliwa at isa papuntang kanan. Sa gitna ng mga ito ay isang lalake na nakatayo.

I couldn't see him since he was far, but we heard his voice as we get closer.

"Mr. Prescott. Ms. Adler. It's very nice to see you arrive." Said the man on the stairs. Dahan-dahan na bumaba ang lalaki sa mga hagdan at nilapitan kaming dalawa ng babae. I further deduce that this is Mr. Hughes. He shook our hands with both of his. As I observed the man, I think he's in mid 30's, he was also wearing a tuxedo suit, the same as the man who greeted us in the entrance, and he was also wearing glasses. Halos, kamukha na niya si John Dalton.

"I presume you are Mr. Hughes?" I asked, as we shook hands.

"Yes, indeed. I am Mr. Kenneth Hughes." Replied the man, "At ang lalakeng nakilala niyo kanina ay ang aking butler na si Trevor Wellington."

"Pleasure to meet both of you." Said the butler behind us, he also gave a bow while saying those words.

"Nagkakilala na ba kayong dalawa, Ms. Adler?" Asked Mr. Hughes to the girl, and pointing at me.

"Ah, hindi pa po." Replied the girl.

"Well, Mr. Prescott. This is Kiara Adler. Inimbita ko siya dito para extra assistance lang sa task na binilin ko sa 'yo." Said Mr. Hughes.

"Ah, okay." I said, "Nice to meet you. I'm Yuri Prescott." Humarap ako sa babae at inunat ang braso ko, expecting for a handshake.

"Ah, nice to meet you too. I'm Kiara Adler." Said the girl, as we shook hands.

"Kiara, Yuri is the detective I'm talking about in the invitation." Said Mr. Hughes.

"Ah, I see." Said Kiara.

"Bago natin pag-usapan ang tungkol d'on. Trevor will take you to your rooms, first." Said Mr. Hughes.

"Please, sir and ma'am. Follow me." Said Trevor, habang umaakyat ng hagdan.

Sinundan naming dalawa ni Kiara si Trevor, at pumunta kami sa kaliwang hagdan at sa side na iyon ay may tatlong pintuan, at least six feet ang layo nila sa isa't isa, pero wala ng pader sa kabilang side, dahil iyon ang bars na parte ng mga hagdan, at ang kabilang side ay kung saan papunta naman ang kanan na hagdan, parang isang malaking kwarto na may malaking butas sa pagitan ng dalawang pader. Tatlo din ang nasa kanan at nasa pinaka-gitna ng dalawa ay isa pang kwarto.

"Ito po ang magiging kwarto niyo, sir." Said Trevor, pointing at the first door.

"I see. Thank you, Trevor." I replied. Kinuha ko na ang luggage ko at binuksan na ang pintuan ng kwartong iyon. It was decent, may study table at higaan. Inilapag ko lang ang luggage ko sa isang gilid at lumabas na din ng kwarto.

Sa kabilang side, isang babae ang lumabas ng isang kwarto na katapat lang ng kwarto ko. She has blonde hair and was wearing a bathrobe. Tinignan niya ako ng sandali at patuloy ng bumaba sa hagdan.

Tumingin ako sa gilid ko at itinuro naman ni Trevor kay Kiara na ang kwarto niya ay katabi lang ng kwarto ko. Kinuha na din ni Kiara ang luggage niya at inilagay ito sa isang gilid at lumabas na lang din kaagad.

Mula sa taas, dumungaw si Trevor para tawagin si Mr. Hughes. Hinawakan niya ang bars na nasa gilid namin ng dalawa niyang kamay.

"Mr. Hughes!" Called Trevor.

"Yes, Trevor?"

"Alam na po nila ang kwarto na papasukan nila. Pwede niyo na long ipagpatuloy ang pag-uusap niyo."

"Ah, thank you, Trevor."

Dali-daling umakyat si Mr. Hughes papuntang second floor at lumapit sa amin. Itinuro niya na ang kwarto sa gitna ay ang kwarto niya at doon kami pumunta. Si Kiara ang nauna sa akin at pumunta na kami sa sinabing kwarto kasama si Mr. Hughes. Binuksan ni Mr. Hughes ng kaniyang susi ang kwarto at pinapasok kami.

Sa loob ay isang study table sa kaliwang side. Study table at upuan at may mga libro na nakapatong dito. Sa kanan naman, ay mga bookshelves, at sa ibang gilid ay puro na mga pulang kurtina. May isa pang pintuan sa isang pader na nasa pagitan ng study table at bookshelves, I deduced it's his bedroom.

Umupo si Mr. Hughes sa upuan sa study niya at nagsimula ng magsalita.

"Alam niyo naman na kung bakit ko kayo inimbita dito, 'di ba?" Asked Mr. Hughes, his both arms on the study table.

"Opo." I replied.

"Let's have a quick recap." Said Mr. Hughes, "A few days ago, may isang lalake na laging pumupunta dito para magbigay ng isang sulat or mail. At laging ang laman n'on ay puro death threats. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit siya sumusulat sa akin ng mga ganun, hindi niya sinasabi ang rason sa mga sulat. Now, may pakiramdam ako na isa sa mga kakilala ko ang nagsusulat nito at nagbibigay sa akin."

"Inuutusan lang ba ang lalaki na dumadating dito?" Asked Kiara.

"Oo. Kaya, gusto ko na gawin niyo ang buong makakaya niyo para alamin kung sino ito. Kayo dalawa ang huling bisita na dumating, lahat sila ay nandito na. Please, help me. Kahit magawa man ng taong iyon na patayin ako, I want you to solve my murder and bring him or her to justice. Bibigyan ko kayo ng malaking reward, nakausap ko na ang abogado ko tungkol d'on."

"We promise." I said, pushing my glasses on the bridge of my nose.

"Thank you. Thank you, very much. You can have your breakfast downstairs and meet the others." Said Mr. Hughes.

"Sige po." Said Kiara.

Lumabas na kami ni Kiara ng kwarto at patuloy na bumaba para pumunta ng dining room. Bago ang last step ng hagdan pababa, may dalawang daanan sa kaliwa at kanan. Sa kaliwa namin, ay ang papuntang kusina, at nung dumungaw kami sa kanan ay nakita namin na may mga taong nakaupo at kumakain sa lamesa. Nang dumungaw ako ay nakita ko din ang babae na blonde na nakita ko kanina.

Pumunta kami ni Kiara doon at tinignan kami ng mga kumakain. Dalawang babae at dalawang lalake. Ang lamesa ay mahaba, sa kaliwang side nito kumakain ang dalawang babae, isa ang blonde at ang isa ay medyo matanda na. Sa kanan naman kumakain ang dalawang lalake at may upuan sa pinaka-gitna nito. Sinunod na lang namin ni Kiara ang pattern at umupo siya katabi ang mga babae at umupo naman ako katabi ng mga lalake.

Tinititigan pa rin ako ng katabi kong matanda. May cane na siya at at mahaba na ang puti niyang balbas. Nakakalbo na ang ulo niya at mukhang masamang masama talaga ang tingin sa akin.

"Ah, hello po." I said.

"Hindi ko alam na nag-imbita pala si Kenneth ng mga bata para sa party na 'to." Said the man sitting right next to me.

"Now, now. Wala namang sinabi si Kenneth na puro matanda lang ang inimbita niya." Said the man beside him, in a youngster voice. Ang isa namang iyon ay halos nasa mid 20's pa lang. Nakasuot siya ng suit at mukhang playboy ang mukha sa sobrang straight ng buhok at ng teasing niyang mukha habang sinasabi iyon.

"Well, it seems na kayo na lang dalawa ang hindi nagpapakilala. Lahat kami dito ay kilala na ang isa't isa." Said the older woman, in a deep woman voice, while cutting her food with a knife and fork. Ang babae namang iyon ay halos nasa 40's na niya, malalaki ang hikaw na suot niya at nakasuot pa siya ng sumbrero, kahit nasa loob na siya ng manor.

"Kaya nga, magpakilala naman kayo. Masyado naman kayong mahiyain. Awkward tuloy nung dumating kayo." Said the blonde woman.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at inilagay ang palad ko sa dibdib ko at nagsalita:

"Ako po si Yuri Prescott. Isang highschool student." I said.

"Ah, kamukha mo yung isang bata sa Japan na nakasalamin din. May red na bowtie at laging kasama ang matandang detective." Said the blonde woman.

"Oo nga, kamukha mo nga siya." Said the older lady.

"That breaks the ice, ladies and gents. Ako naman si Bartholomew Fletcher. Isa akong philanthropist. Inimbita ako ni Mr. Hughes dito para lang mag host ng isang party sa isang friends reunion." The young man said, looking at me, "Ang katabi mo namang matanda ay si Jonathan Ashcroft. Isa siyang retired soldier at matalik na kaibigan ng ama ni Mr. Hughes."

Tumango lang ang matanda sa akin pagkatapos sabihin ni Bartholomew ang mga salitang iyon, at pinapagpatuloy ang pagkain niya.

"Ako naman si Grace Pembroke. Isa akong fashionista. Inimbita naman ako dito ni Mr. Hughes para din sa friends reunion." Said the blonde woman.

"Halos lahat kami dito ay matalik na kaibigan ni Mr. Hughes. Ako naman si Jessica Green." Said the older woman, "Ako naman ang isa sa matalik na kaibigan ng ina ni Mr. Hughes."

Tumayo si Kiara sa kinauupuan niya at ginaya lang din ako, na inilagay ang palad niya sa dibdib at nagsimulang magsalita.

"Ako naman po si Kiara Adler. Isa din po akong highschool student." Said Kiara.

"Kiara Adler? Adler? Like, Irene Adler sa Sherlock Holmes?" Asked Bartholomew.

"Ganun na nga po." Replied Kiara.

"Kung gayon, ay ikinagagalak namin kayong makilala. Mr. Prescott and Ms. Adler." Said Mrs. Jessica.

Sabay kaming umupo ni Kiara at pinapagpatuloy ang pagkain namin. Habang kumakain, nagsimula na kaming mag-usap-usap.

"So, Mr. Prescott and Ms. Adler. Bakit naman kayo inimbita ni Kenneth dito?" Asked Bartholomew.

"We were asked here for a consultation." I replied.

"Consultation? For what?" Asked Mrs. Jessica.

"Well, mayroong mga death threats na natatanggap si Mr. Hughes, at gusto niya kaming imbestigahin at alamin kung sino iyon." Replied Kiara.

"Pero, bakit naman mga high school students ang kukunin niya para sa investigation?" Asked Mr. Jonathan.

"Ang totoo po niyan, ay isang akong High School Detective." I said.

"Ano?" Asked Grace, in a tone above natural

"Highschool..." Mrs. Jessica muttered.

"Detective...?" Mr. Jonathan also muttered.

"Parang katulad ng isang high school student din sa Japan! Nakalimutan ko ang pangalan niya, pero parang ganun ka." Said Bartholomew.

"If that's the way you want to put it." I replied.

"Hindi man lang niya sinabi sa atin na may problema pala siya sa buhay niya?" Asked Mrs. Jessica.

"Posibleng ayaw niya sabihin iyon sainyo para hindi kayo mag-alala." Said Kiara.

"Pero, alam naman niyang tutulong kami!" Said Grace.

"That's the thing. Hindi naman ordinary ang problema niya ngayon. Buhay na ang nakasalalay, kapag tumulong kayo, malamang na mailalagay niyo din sa alanganin ang buhay niyo." Replied Kiara, pushing the glasses on the bridge of her nose.

Pagkatapos n'on ay umakyat na lang din ako at pumunta ng kwarto. Gusto ko munang magpahinga galing biyahe. Umupo ako sa kama ko at kinuha ang journal ko sa luggage para sukatin ang kwentong ito. Hindi nagtagal, umulan ng pagkalakas-lakas na halos wala na kong marinig kundi ang ulan na iyon.

Hayst. Umulan pa talaga. Anong oras na kaya ko makakauwi nito?

A few hours later, mga katok ang narinig sa pintuan ko. Malakas, at mabilis na mga katok.

Knock, knock, knock, knock, knock!

"Mr. Prescott! Mr. Prescott!"

At first, nagtaka ako kung sino iyon, pero nang pinakinggan ko ng maigi ang boses sa labas, I recognized that it was Trevor's voice. Binuksan ko kaagad ang mga pinto. Nakita ko ang mukha niya, pawis na pawis at halos mabigat ang paghinga niya. Mga kilay niya na pakurba pataas at ang mga kamay niya na nanginginig.

"Bakit, Trevor? May nangyari ba?" I asked.

"Si Mr. Hughes. He's dead." Trevor said, his voice trembling.

"Ano? Patay?" I asked.

"Yes, sir!"

"Did you alert anyone yet?"

"Just you, sir."

"Good, don't alert anyone."

Lumabas ako ng kwarto at isinara ang pintuan at patuloy na pumunta sa kwarto ni Mr. Hughes. Pero, huminto ako saglit at bumalik para kumatok sa pintuan ni Kiara. Kumatok ako ng malakas dahil napakalakas na ng tunog ng ulan. Nang buksan niya ang pinto, binulong ko kaagad sa kaniya ang nangyari at sumenyas na huwag siyang maingay by putting my index finger infront of my mouth.

Pumunta na kaming tatlo sa kwarto ni Mr. Hughes, si Trevor ang bumukas ng pinto at sa loob ay ang study room katulad lang kanina, pero wala siya doon.

"Nasaan si Mr. Hughes, Trevor?" I asked.

"Sa bedroom po niya." Trevor replied.

Pumasok si Trevor at binuksan ang isa pang pintuan na nasa gitnang pader ng pagitan ng study table at ng mga bookshelves. Huminto siya ng pumasok siya loob at sumenyas na pumasok kami. Pagkapasok namin sa kwarto at sa isa pang kwartong iyon, katawan ni Mr. Hughes sa isang higaan ang nakita. Mga mata niya na nakadilat na parang nagulat siya, bunganga niya na nakabukas na para bang nanghihingi ito ng hangin. At isang kutsilyo sa dibdib niya.

Nakaamoy ako ng isang kakaibang scent sa loob ng kwartong iyon, at ang sliding door papuntang balcony sa harap ay nakabukas, at isang putik ang nakita doon. Habang tinititigan namin ang katawan niya, nababasa na kami ng kaunti ng ulan dahil nga nakabukas ang pintuan papuntang balcony.

So, nangyari ang sinabi niya. Someone indeed killed him and we must solve it. Sino naman ang makakagawa ng ganun sa kaniya?

I pushed my glasses for one more time, as I feel the determination in my veins on bringing the culprit to justice.

I will solve this. The culprit is one of us. There's no doubt about it!

-TO BE CONTINUED-