Isang manunulat kagaya ko na may hilig sa pagbasa at pagsulat. Walang tigil sa pag imahinasyon.
Pano kung makapunta ako sa mundo kung saan pumunta ako sa ibang mundo at nag lakbay?
Naging totoo noong isang gabi. Pagkagising ko sa tulog ko ay nakita ko na asa iba akong mundo.
Nakita ko ang portal at nang abutin ko na ay nagising ulit ako sa realidad, ang alarma ay umingay. Pinatay niya ito at bumangon sa kama at naghanda para sa recognition day. Nang paalis na ako ay tumawag ang aking ina at ito ay sinagot ko.
"mama" tawag ko sa telepono. "anak nakita mo na ang sinend ko sayong gcash?" Tanong sa akin at sinabing kong "opo inay, nakita ko na po"
"Sorry anak, hindi kami ng ama mo makapunta sa recognition, di bale nanjan naman tiya at pinsan mo" sabi sakin.
"opo nay pero masakit pakiramdam ko kaya hindi ako makakapunta"
"ay ganun ba? sige mamahinga ka na muna at wag ka na oumunta, meron naman kaw pera jan kaya gamitin mo, reward mo na din yan" sabi sa akin ni ina. Napasagot na lang ako ng opo at natapos ang tawag at napahiga ulit ako sa kama. Salamat at naniwala si mama, Hindi ko na kailangan pumasok muli sa huling araw ng pasok kung saan magrerecognition ako. Wala naman aakyat sa akin kaya wag na lang ako pumunta.
Nagbihis muli ako nang pambahay at nagsimula magsulat sa aking notebook ang aking panaginip. Lagi kong sinusulat ang mga panaginip ko upang ito ay magamit ko sa istorya na mga ginagawa, mapa fanfic man ito o isang maliit na nobela o maliit na istorya at popost ko sa tumblr o san man pwede kong ipost ay basta shinashare ko ito sa ibang tao. Isa man ako ingleshera ay marunong pa rin akong mag tagalog.
Sa buong araw ay naglinis ako nang bahay, kumain, nagbasa nang libro at nagsulat sa aking kuwaderno o kaya sa selpon ko ang aking mapapaisip na scenario o imahinasyon na napapapunta saking utak. Hanggang nawala na akong maisip na isulat at natapos na lahat ng gawain at mga gusto kong gawin.
"ba iyan ang boring" reklamo ko pero sakto ay hapunan na kaya nagluto na akong pang hapunan at kumain. Ang niluto ko is kaldereta, ang aking paborito na may kasamang soft drinks, sarap ng hapunan. Pero kahit manood ako ng anime sa phone ko ay matahimik ang paligid.
Sa bahay na ito ay ako lang mag isa na naninirahan habang nasa ibang bansa ang aking ina at ama bilang isang nurse. Kaya lagi ako mag isa dito simula nung hayskul ako. napakalungkot at nakakatakot pero kinaya ko ang sarili ko hanggang ngayon.
Bago ako nakatulog ay muling nagsulat ako sa huling pahina ng aking kuwaderno at isinulat na sana.
Sana mapunta ako sa mundo ng imahinasyon.
At pag tuldok ko ay lumiwanag ang aking salamin na naka kabit sa pintuan. Tiningnan ko ng mabuti at kinurot ko pa ang sarili ko, pero nandun, nandun talaga. Hindi ako nagmamalik mata. Naliwanag ang aking salamin na parang portal sa panaginip ko.
Pinasok ko ang kamay ko at may humila sa akin papunta sa kabila at doon ay nahimatay ako.
