Cherreads

Chapter 748 - Chapter 748

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Kitang-kita kung paanong nagkawatak-watak ang grupo nila Wong Ming lalo pa't hinahabol sila ng Swarm Bats.

Tila mali ang araw at oras ng ipinunta nila lalo pa't sa pagkakataong ito ay tila nagkaroon ng abnormalidad sa loob ng Alchemy Island.

Hindi na rin sila pwedeng umatras ngayon lalo pa't nandirito na sila. Ang magagawa lamang nila ay manatili lamang dito ng limang araw o sumuong sa mapanganib na lugar sa islang ito upang humanap ng mga pambihirang mga alchemy resources.

Nalaman din ni Wong Ming na hindi lamang sila ang kasalukuyang organisasyon na naririto kundi maging ang iba ring mga malalakas na mga Sect na nagkaroon ng malaking interes sa nasabing kasalukuyang abnormal na aktibidad sa loob ng Alchemy Island.

Mula sa himpapawid ay nakita ni Wong Ming na patuloy na nanlalaban ang iba pang mga martial arts experts upang iligtas ang buhay nila sa agresibong galaw ng mga Swarm Bats.

Nasa tanghaling tapat sila ngunit sa dami ng mga swarm bats na nagsilitiwan ngayon sa kinaroroonan nila ay tila dumilim ang buong kapaligiran.

Isa ito sa maituturing na hindi kaaya-ayang lagay ng Alchemy Island.

Hindi man mapamuksa ang Swarm Bats na ito ay siguradong mag-iingat ang lahat sa maaaring dulot ng mga kagat ng nasabing magical beasts na ito.

Mabuti na lamang ay may dalang vial si Wong Ming na magiging lunas niya sa maaaring hallucination effects ng swarm bats.

Agad na natigilan ang lahat ng lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng ginintuang roba sa ere na mayroong hawak na scepter.

Sa isang kumpas ng scepter na hawak nito ay makikitang naglabas ito ng pambihirang liwanag na nagdulot sa mga swarm bats upang malusaw na lamang sa hangin.

Nakaramdam ng familiarity si Wong Ming sa kakaibang enerhiyang inilabas na liwanag ng scepter nito.

Demon Power!

Bago pa man mawala ng tuluyan ang liwanag na iyon ay nakita ni Wong Ming ang paglusaw ng mga swarm bats na ilang metro lamang ang layo sa kaniya na naglalabas ng itim na enerhiya.

Sa hindi malamang dahilan ay napatingin sa kaniyang sariling gawi ang nasabing nilalang na ito at sinuri siya nito mula ulo hanggang paa.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay halos kaedaran niya lamang ito ngunit hindi maipagkakailang nakaramdam ng intimidasyon rito.

Sa murang edad nito ay kaya nitong pumuksa ng hindi mabilang na mga swarm bats.

Sa pagkakataong ito ay agad na lumipat sa kaniyang sariling gawi si Earth Dawn.

Ang iba sa mga kasamahan niya na pumunta rito ay kitang-kita na hindi nagbalak na lapitan siya.

Kita ang inis sa mukha ni Earth Dawn lalo pa't napagtanto nilang ang mga kasamahan nila ay dalawa ang pagmumukha ng mga ito.

God's Land Sect!

Ito ang nakita ni Wong Ming na nakasabit na badge sa mismong kaliwang parte ng ginintuang roba ng nilalang na ito.

Siya ba ang sinasabing genius na ipinadala mismo ng God's Land Sect sa lugar na ito, hindi ba?!

"Genius? Isang monstrous genius ang isang yan. Siya lamang ang tinatawag na Light Prime hindi ba?!

"Tama ka, ito si Light Prime na sinasabi ng lahat. Sinasabi na ito ang isa sa pinakamamahal na henyo ng God's Land Sect!"

"Gamit ang pambihirang kakayahan ng Light attribute nito ay natalo nito ang isa sa napakalakas na eksperto sa mismong sect nila hindi ba?!"

"Ano naman kung isa itong pambihirang henyo, hmmp!

Iba-iba ang nasabing komento ng mga martial art experts na naririto. Negatibo o positibo man ito ay alam ni Wong Ming na may ibubuga talaga ito.

Even his demonic essence reacted to that kind of power. Napakapamilyar ang nasabing enerhiya nito.

Hindi nawala ang tinging ipinupukol sa kaniya ng Light Prime na ito lalo pa't naningkit ang mga mata nito sa sudden reaction niya.

"Ikaw?! Hindi ako nagkakamali, magkapareho ang attribute na meron tayo!" Tila confident na saad ni Light Prime habang makikita na hindi ito natutuwa sa presensya ng binatang si Wong Ming.

Tila ang hindi mabilang na pares ng mga mata ay nakatuon sa kanilang dalawa.

Ngumisi lamang ng nakakaloko si Wong Ming na siyang sinamaan siya ng tingin ng nasabing binata.

"Paano mo nasabi? Mukhang nagkakamali ka ng inaakala!" Depensa naman ni Wong Ming sa kalmadong boses nito.

Nginisihan din siya ng nakakaloko pabalik ng nasabing nilalang na si Light Prime bago nito iwinasiwas ang hawak nitong scepter.

Sa isang iglap ay naglabas ng napakalakas na liwanag ang scepter at namuo ang napakatingkad na light wave patungo sa kaniya.

Nasa bandang kalupaan siya at napakalakas ng atake ng Light Prime na ito na tila pinaglalaruan siya sa kasalukuyan.

Makikitang sinamaan siya ng tingin ni Wong Ming kasabay nito ang pagliwanag ng dalawang pares ng mga mata niya senyales na nagsagawa ito ng isang martial arts skill.

Golden Crane Goddess!

Namuo ang shadow figure na nasa likuran lamang ni Wong Ming.

Nagpakawala ito ng kakaibang waveda mismong liwanag dahilan upang tumalsik ito pabalik kay Light Prime.

Nagulat si Light Prime sa nangyari na ito kasabay nito ang paglitaw ng isang dambuhalang pigura ng Golden Light Warrior na nasa likuran nito.

Nang makarating ang enerhiyang iyon pabalik kay Light Prime ay bigla na lamang itong na-supress at lumiit ng lumiit hanggang sa nawala na lamang ito.

Kaibahan kay Wong Ming ay kitang-kita ang visible na outlines ng orihinal na imahe ng Golden Light Warrior.

"Mahusay ka din pala ngunit hindi ang attribute na ito ang hinahanap ko sa iyo binata! Inaakala mo na tapos na ako ngunit hindi!" Tila hindi magpapatalong turan ni Light Prime na animo'y naiinis na rin sa binata.

Kitang-kita kung paanong bigla na lamang lumaki ang pigurang nasa likuran ni Wong Ming at nababalutan ito ng itim na enerhiya.

"Tama nga ako ng inaakala na magkapareho tayo binata. Shadow element? Isang sub-element lamang ng aking light element hahahaha!" Nakumpirmang saad muli ni Light Prime habang makikitang namangha din ito ngunit hindi niya ipinakita.

Malakas ang Shadow Element ngunit ang duda niya ay mas malakas pa sa kaniya ang isang binatang nagtataglay nito.

Masasabi niyang sigurado siyang naramdaman din ng binata ang enerhiyang ipinamalas niya kanina.

Sisiguraduhin niyang sa pagkakataong ito ay mananalo pa rin ang Light element na nananalaytay sa dugo ng pamilyang kinabibilangan niya.

Malaki ang galit ng pamilya niya sa mga Shadow element na mga clans. Nakasulat sa kasaysayan ng pamilya nila ang pagkabigo noon nang salakayin sila ng iba't-ibang miyembro ng Shadow Clans.

Kung tutuusin ay malalakas ang mga nilalang na mayroong Shadow Element hindi gaya nilang hindi magagawa ito. Tuso ang mga shadow element practitioner kung kaya't tuturuan niya ng leksyon ang nilalang na ito.

Bago pa man magawa ni Light Prime na hamunin si Wong Ming ay makikitang biglang lumitaw ang limang nilalang na nakasuot ng itim na roba habang nakahawak ang isa sa mga ito ng isang maliit na manika na hugis-tao.

"Hindi ko aakalaing ang isang hangal na light attribute na galing sa Light Family ay naririto ahahaha... Malaki ang salaping makukuha namin sa maharlikang pamilya mo!" Sambit ng nakarobang itim na hawak ang manika at mabilis nitong tinusok ang kanang braso ng maliit na manika gamit ang maitim na karayom.

ARRGGGHHH!

Bahagyang nagulat si Light Prime ngunit narinig na lamang ng mga martial arts expert na naririto na napaigik sa sakit si Light Prime at kitang-kita kung paanong nabitawan nito ang hawak-hawak nitong scepter.

Makikita ang labis na galit sa mukha ni Light Prime at handa na nitong paslangin ang limang nilalang na ito maging ang binatang tila kasabwat pa ng mga ito upang pahinain ang depensa niya kanina.

More Chapters