Pagkatapos ng labang iyon ay nakita na lamang ni Wong Ming na unti-unti na lamang nawala ang katawan niya hanggang sa mag-teleport siya palabas ng nasabing kompetisyon.
Akala nga ni Wong Ming ay natalo siya ngunit ganon na lamang ang labis na tuwa niya nang malamang kasali siya sa mga kalahok na magiging ganap na disipulo ng Vermilion Sect.
Kasama niyang nagwagi si Earth Dawn lalo pa't sila na lamang ang ilan sa mga natitirang manlalahok.
Maging sa kasalukuyan ay hindi napansin ni Wong Ming na isa na siyang ganap na outer disciple ng Vermilion Sect.
Akala niya ay kagaya ng nangyari sa pagpasok niya sa Vermilion Sect ay magiging ganon din ang magiging set up ng isang disipulo ngunit nagkakamali siya.
Layunin ng Vermilion Sect na magrecruit ng mga disipulo ngunit hindi lahat ay maaaring manatili sa nasabing teritoryo ng kanilang Sect.
Bawat disipulo ay naglalaban at nagpaparanggo base sa kanilang kontribusyon sa Vermilion Sect. Tila namangha si Wong Ming nang malamang napakalaking Sect nito at ang bawat disipulo ay pwedeng maglakbay sa alinmang parte ng Sect.
Misteryoso ang nasabing organisasyon na ito lalo pa't hindi pa kailanman lumilitaw ang nasabing pinuno ng Vermilion Sect pribado man o sa mismong publiko.
Mayroon siya Vermilion Badge at siguradong mare-recognize ng sinumang malalakas na eksperto at organisasyon ang nasabing badge niya.
Ang mga bagay na makokolekta at maibebenta niya ay siguradong hindi kukuwestiyunin ng sinuman at sigurado siyang makakaipon siya ng contribution points.
Isa sa pinakamalakas na organisasyon ang Vermilion Sect.
Huli niya lang nalaman na plano talaga siya ni Meng Shuchun na ipasok sa Vermilion Sect upang protektahan ang pamilya ni Wong Ming sa Vermilion City.
Inalisan ng karapatan si Méng Shuchun nitong nakaraang buwan sa hindi malamang dahilan. Hindi na siya kabilang sa mga disipulo ng Vermilion Sect lalo na at napag-alaman ni Wong Ming na ito ay dahil sa kaugnayan nito sa kapatid nitong si Li Zhilan.
Paano nilang naatim na kayang talikuran na lamang si Méng Shuchun.
Kung kaya't gagawin ni Wong Ming ang lahat upang maibalik ang nararapat sa babaeng tumulong sa mga magulang at mga kapatid nito sa nasabing digmaang nangyari noon sa loob ng Dou City lalo na sa Sky Flame Kingdom.
Natanggalan na rin ng karapatan si Méng Shuchun na makasali sa anumang malalakas na mga Sect kagaya ng Vermilion Sect kung kaya't ganon na lamang ang naramdamang galit ni Wong Ming sa mga ito.
Tikom man ang bibig ng lahat ngunit nalaman niyang ito ay dahil na rin sa kaugnayan ng kapatid niyang si Li Zhilan kung kaya't hindi niya maatim na ganito na lamang ang mangyayari.
Malaki ang pasasalamat ni Wong Ming sa mga taong tumulong sa pamilya niya at mga taong may busilak na puso. Tatanawin niyang isang malaking utang na loob ito kay Méng Shuchun.
Kahit na noon pang isang taon itong inuusig ng mismong may matataas na katungkulan sa Vermilion Sect ay hindi nito nagawang pabayaan ang kapatid niya at mga magulang niya.
Nabisita niya ang mga magulang niya at ang kapatid niyang nasa anim na taong gulang na.
Nakita niya kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga ito at nasa isang tagong lugar ang mga ito.
Magkagayon man ay nagsimula na ring magcultivate ang nakababatang kapatid nito.
Halos lahat ng mga mahahalagang bagay ay iniwan niya sa mga ito lalo na ang mga importanteng bagay na magpoprotekta sa kanila laban sa kung sinumang magbanta ng buhay nila.
Mainit pa rin ang mga mata ng namamahala ng Vermilion Sect kay Méng Shuchun kasama na rito ang nasabing pamilya niya.
Ulilang lubos si Méng Shuchun kung kaya't inaakala nilang kapamilya niya si Li Zhilan maging ang mga magulang at kapatid niya.
Kung mahirap ang pagpasok sa Vermilion City ay mas lalong mahirap ang lumabas sa Vermilion City.
Kahit magngitngit sa galit si Wong Ming ay siguradong wala siyang kakayahan upang protektahan at masigurado ang kaligtasan ng pamilya niya sa mismong Vermilion Sect.
Masasabi niyang hindi naman lahat dito ay masama ngunit nakikita nilang malaking threat ang existence ni Méng Shuchun maging ng pamilya ni Wong Ming.
Ang pagpapaalis sa mga ito ay isang senyales ng malaking delubyo sa kanila. Reputasyon at kahihiyan ng Vermilion Sect ang nakasalalay rito. Ang simpleng pagpaslang sa mga ito ay siguradong magdudulot ito ng malaking lamat para sa Vermilion Sect at sa mismong siyudad. Kung mapapanatili nila ang mga ito sa loib ng siyudad na hindi ginagamit ang dahas ay ikakabuti nila ito.
Ipinapangako ni Wong Ming na hindi nagkakamali ang Vermilion Sect sa pagpasok niya sa mismong malaking organisasyon na ito.
Kailangan niyang makuha ang loob ng mismong Vermilion Sect at sisiguraduhin niyang luluhod ang mga nilalang na mananagot sa ginawa nilang ito sa pamilya niya.
Ipapakita niya sa mga ito kung paano ang tamang pagdisiplina na nararapat sa mga nilalang na gumagawa ng masama sa kanilang kapwa. Lintik lang ang walang ganti sa kaniya.
Kaya ang plano niya ay maging isang Inner Disciple o higit pa sa loob ng isang taong ito. Kung nagawa ni Li Zhilan na makuha ang pabor ng mismong namamahala ng Vermilion Sect ay magagawa niya rin ito.
Ngunit sa pagkakataong ito ay siya naman ang aatake at ibabalik ang kahihiyan maging ang hirap na pinagdaanan ng pamilya niya sa kamay ng mga ito.
Sa ngayon ay isa lamang siya maliit na dumi sa mata ng lahat at sa oras na lumaki na ang duming hindi nila napapansin ay doon siya aatake sa mga ito.
Nagtangka na siyang magtanong sa kinaroroonan ng kapatid niya ngunit tikom ang organisasyon sa pagkakakilanlan ng kapatid niyang si Li Zhilan at hindi daw kilala ito. Hindi siya nagpakilala ng ugnayan niya rito at sinabing narinig niya lamang. Buti na lang at naniwala ang mga ito.
Agad na bumalik sa reyalidad si Wong Ming nang mapansing lumipad sila ng napakataas habang nakasakay sila sa napakalaking ibon.
Parang kailan lang ay nasa Flaming Sun Faction siya ngunit ngayon ay nasa ibang lugar na siya.
Nadagdagan na rin ng bagong kaalaman at karanasan si Wong Ming. Magkagayon man ay mananatili siyang matapang at lalaban sa panibagong yugto ng buhay niya.
Katabi niya lamang si Earth Dawn na nagcucultivate. Talagang ganito na ang routine nito lalo pa't sasabak sila sa isang malaking misyon kasaman ang iba pang mga martial arts expert na sasabak din sa parehong misyon.
Kailangan nilang tumungo sa isang maliit na isla upang kumuha ng mga pambihirang mga bagay para sa mga Alchemist.
Tinatawag ang maliit na islang iyon na Alchemy Island na isang pambihirang lugar na punong-puno ng mga alchemy resources lalo na ng mga pambihirang mga halaman na tumutubo.
Bawat rare na mga sangkap para sa Alkemya na naroroon ay siguradong ilang daang contribution points din iyon para sa kanila.
Isa pa ay kikita din sila para doon ng maraming salapi.
Sinasabi ni Earth Dawn na totoo ang lugar na iyon ngunit kahit gaano man kasagana sa Alchemy resources ang lugar na iyon ay pinamumugaran din iyon ng mga malalakas na mga magical beasts.
Paraiso man ngunit magiging libingan din ng kung sinumang malalakas na nilalang ang lugar na iyon kung hindi sila magiging maingat.
May namamataan din na mga pambihirang magical beast roon na hindi pa nakikita ng sinuman kung kaya't hindi din magpapakampante si Wong Ming. Ang kasalukuyang lakas niya ay siguradong hindi sasapat kung walang maayos na pag-iisip at plano.
Sisiguraduhin niya pa rin na sa bawat misyon ay hindi lalaki ang ulo niya at hindi magpapakampante. Ano ang silbi ng kasalukuyang lakas niya kung isa siya ang mapapaslang? Plano niya pang iligtas ang kapatid niya si Li Zhilan maging ang pamilya niya na hindi makaalis sa mismong Vermilion City.
