"Sino kayo?! Bakit niyo alam kung saan ako nagmula ha!" Nagngingit sa galit na wika ni Light Prime habang kitang-kita na iniinda pa rin nito ang sakit ng kanang braso nito.
"Ginamit mo ang titulo ng ama mo binata kung kaya't hindi malabong mahagilap ka namin hahahah!" Nakangising saad ng isa sa limang nakarobang nilalang.
Halatang napaatras ang halos lahat ng mga nanonood na mga eksperto habang ang iba ay natuod na sa kanilang pwesto dahil sa sindak.
Sino ang gustong hamunin ang limang Golden Vein Realm Experts na ito na may pambihirang kasanayan sa paggamit ng Shadow Element.
Halatant natahimik ang nasabing binata na nagngangalang Light Prime habang nanlalaki ang mga mata nito dahil sa labis na surpresang alam ng limang misteryosong Shadow Practitioner na ito.
"Kayo pala ang iilan sa mga kaaway ng aming Light Family. Hindi ba kayo natatakot na gantihan kayo ng aking pamilya dahil sa kapangahasan niyo?! Pagbabayaran niyo to!" Pagalit na turan ng binata habang nagngingit ang kalooban nito sa kaganapang ito.
"Nasa maliit na isla tayo na sobrang layo sa teritoryo ng pamilya mo binata. Kahit gaano pa sila kalakas at makapangyarihan ay wala silang magagawa kung mawalan ka man ng buhay sa lugar na ito ahahaha!" Sambit ng isa sa mga Shadow Practitioner na ito na halatang walang kagatol-gatol sa binitawang salita nito.
"Yun ay kung kaya niyo ko!" Sambit ng binata na sa isang iglap ay itinaas nito ang kaliwang kamay nito at bigla na lamang nagmaterialized ang pambihirang scepter na hawak-hawak nito kanina.
Skill: Light Burst!
Nagpakawala ng nakakasilaw na liwanag ang scepter na hawak nito kung saan ay tila lahat ng mga nilalang sa lugar na ito ay nakaranas ng sudden light blindness.
Skill: Shadow Ball!
Nagpakawala din ng skill ang tatlong Shadow Practitioner dahilan upang maprotektahan ang mga sarili nila sa direktang light attack ng binatang anak ng orihinal na Light Prime.
Kitang-kita kung paanong lumaki ng lumaki ang nasabing shadow ball hanggang sa kusa na lamang nabasag ang nakakasilaw na liwanag.
"Paano yan binata, hindi makakayang puksain ng taglay mong liwanag ang shadow element na taglay namin. Napakahina mo naman hahahaha!" Pagmamaliit na sambit ng isa sa limang shadow practitioner habang nagtawanan naman ang mga kasamahan nito.
Itinaas ng binata ang kamay nitong may hawak na scepter ngunit kitang-kita ng lahat kung paano'ng gumuhit ang maitim na linyang pahaba sa braso ng binatang may light attribute.
Sa pangalawang pagkakataon ay nabitawan naman ng binata ang hawak nitong scepter.
"Arrghhhh! Lumaban kayo ng patas mga duwag!" Nanggagalaiting saad ng binata habang namimilipit ito sa labis na sakit.
"Marami ka pang kakaining bigas binata. Kahit kailan talaga ay mahihina kayomga purong light practitioner bwahahaha!!!" Malademonyong wika ng kalaban ng nasabing binata habang kitang-kita na hindi ito nakaramdam ng anumang klaseng awa o emosyon sa binata.
Kitang-kita ng binata ang talim ng karayom na tutusok na sa mismong bandang pusod ng maliit na manika na hawak ng kalaban niya.
Napapikit na lamang ito dahil ang atakeng iyon ay siguradong magiging cripple na siya. Wala ng silbi kung mabuhay pa siya sa pagkakataong ito.
Mas gugustuhin niya na lamang mamatay na lamang kapag nangyari ito.
Tick! Tick! Tick!
Makailang tusok ang ginawa ng kalaban ng binata ngunit tila walang nangyayari.
"Paano'ng nangyari ito?! Hindi maaari ito!" Sambit ng Shadow Practitioner na may hawak sa maliit na manikang mayroong kaalaman sa pagpapahirap ng kalaban gamit ang mismong sandatang manika na ito.
Hindi siya makapaniwala na pumalya ang nasabing gawain niyang ito. Kahit kailan ay hindi pa ito pumalya.
Kitang-kita na nanlilisik ang mga mata nito habang tumingin-tingin pa ito sa kapaligiran nito.
"Sino ang gumawa nito? Magpakita ka o gusto mong ako mismo ang papaslang sayo kapag nakita kita!" Galit na galit na saad ng Shadow Practitioner at mabilis na tinusok-tusok pa ang manika.
Ngunit nagulat na lamang ang lahat kung paano'ng bigla na lamang pumutok ang kamay nito at ang mga mata nito maging ang tenga ay lumabas ang masagang dugo rito.
Hindi makapaniwala ang lahat nang masaksihan ang ganitong pangyayari. Halos mahintatakutan sila.
Ito ang tinatawag na balik sa sariling kagagawan ng mismong practitioner kapag ginawa nito sa kaniyang sarili.
Kitang-kita kung paanong nalaglag sa ere ang mismog katawan ng kalaban ng binatang nagpanggap bilang Light Prime at bumulagta ito sa lupa na dilat ang mga mata at hindi na huminginga pa.
Napaatras naman ang mga ekspertong naririto.
Isa lamang ang naiisip ng lahat, isang Shadow Practitioner ang may kagagawan nito ngunit higit na nakakalakas ito sa kaniya.
Halatang ang apat na nakarobang itim na nilalang ay nakaramdam ng panganib.
Agad na lumutang sa ere si Wong Ming at hindi na siya nagtago pa.
Bakit siya masisindak sa mga evil practitioner ng elementong taglay niya.
"Nandito na ako sa harapan niyo. Isang Shadow Practitioner katulad niyo. May angal kayo?!" Maangas na saad ni Wong Ming sa kalmadong boses nito.
"Anong karapatan mo upang kalabanin kami? Isa ka lamang Golden Blood Realm Expert at wala kang laban sa katulad namin!" Mapanghamak na pahayag ng isa sa mga Shadow Practitioners.
Agad na tiningnan ni Wong Ming ang gawi ng binatang nagpanggap bilang Light Prime at nagpahayag ng kaniyang nais gawin gamit ang mismong mga mata nito.
Nagdududa man ito sa nais ipahiwatig ni Wong Ming ay napatango na lamang ito. Wala rin naman siyang pagpipilian kundi pagkatiwalaan ang binatang ito na inangasan niya kanina.
Naniniwala siyang hindi ito kasabwat ng limang misteryosong Shadow Practitioners dahil napaslang ang isa sa mga ito.
Wala ring dahilan upang tulungan siya ng nasabing binata sa sariling problema niya.
Naniniwala siyang ang kaniyang sariling gagawin ay magdedesisyon ng kanilang sariling kahihinatnan.
Kahit nanakit pa ang kanang kamay niya ay mas mabuting gumawa siya ng paraan upang paslangin ng agaran ang natitirang apat na masasamang Shadow Practitioners.
Sa pagmaterialized ng kaniyang scepter sa kanang kamay niya ay agad siyang nagsagawa ng pambihirang martial arts skill.
Skill: Heaven's Light!
Tila ang makulimlim na kalangitan sa islang ito ay bigla na lamang nagliwanag at lumabas ang nakakasilaw na liwanag patungo mismo sa kinaroroonan ng apat na Shadow Practitioners.
Nagsama-sama ang lakas ng tatlong Shadow Practitioner at nagsagawa ng Shadow Skill.
Skill: Giant Shadow Palm!
BANG! BANG! BANG!
Napuruhan ang isa sa mga Shadow Practitioner dahilan upang tumalsik ito sa malayo habang ang dalawa sa mga ito ay maayos pa rin ang kalagayan ng mga ito.
"Hindi ko aakalaing tinuruan ka ng gurang na iyon sa pambihirang skill na ipinamalas mo ngunit hindi ka ganoon kalakas at maalam sa light skill na ito hahaha!" Nakangising demonyong turan ng isa sa apat na natitirang Shadow Practitioner.
Kitang-kita na bigla na lamang nanghina ang nasabing binata dahil sa ginamit nitong pambihirang Light Skill.
Tila naramdaman nito ang pag-alpas ng maraming enerhiya palabas ng katawan niya.
Hindi niya aakalaing isa lamang ang napuruhan niya ngunit maayos-ayos pa rin ang kalagayan nito maging ang kasamahan nito.
Hindi mapigilan na magngitngit sa galit ang nasabing binata sa loob-loob niya.
